Nanlumo siya.

"Duguan daw si Kuya Azrael." Dagdag ko.

"Si Elijah?" Nagulat ako sa agaran niyang tanong.

"Konti lang daw. Pasa yata." Nanlaki ang mata niya at lalong naging gloomy ang aura niya.

Mabilis kaming umibis ng taxi at patakbo na ang lakad naming sa kamamadaling mapuntahan ang ER ng hospital. Agad kaming niyakap nila Mom at Dad. Si Tito Benedict ay naroon din at may kausap sa phone niya.

"Ang tigas ng ulo ng Azrael na iyan!" Galit si Daddy habang kinakalma naman ni Mommy. "Sabing wa'g nag da drive ng lasing!"

"Tita, I'm sorry." Nakita ko si Klare na papaiyak na habang lumapit si Mommy para aluhin siya.

"Klare, wa'g kang umiyak. They are both okay naman. It's not your fault. Sila ang may kasalanan." Ani Mommy.

Nakita ko ang pagmartsa ni Kuya papunta sa akin at dali-dali akong niyakap.

"Azi is stupid." Malamig niyang sabi. Dinaluhan nito si Daddy at kinausap.

Lumapit sa akin ang isang nurse at nagsenyas na pwede na namin silang kausapin.

"Mom, pwedeng pumasok." Sabi ko.

"Pwede. You both go..." Aniya at parang kidlat sa bilis naming pinasok ang kwarto. Narinig ko rin ang boses nila Damon at Rafael bago namin iniwan sila Mommy. Marahil ay isa-isa na silang pupunta rito.

Tumambad sa amin ang Elijah na nakangisi habang ginagamot ng nurse na babae ang kanyang mukha,

"Miss, bungi na ba ako?" Tumawa ang nurse sa tanong niya. Napa-iling na lang ako.

Tinanguhan ko si Elijah at nagdirederetso ako kay Azrael na nakapikit at namimilipit sa sakit.

"You're lucky, Kuya." Sabi ko habang ganoon pa rin siya. Nginiwian niya ako.

"You're not going to cry for me?" Tanong niyang nakangisi.

"No. You are the one who'll going to cry. Ready for Dad's wrath and say goodbye to your Fortuner." Panunuya ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. Mabuti na lang ay ganoon lang talaga ang nangyari na walang na coma sa kanila at may matinding injury.

"Oh shit! Not my Fortuner." Humalakhak ako sa sinabi niya. Pinanunuod ko siya at nililingon ko rin sina Elijah at Klare na nagtatalo yata.

"What? This is great! I live in this accident for you to kill me?" Natatawang sabi ni Elijah.

Sumipol naman si Kuya Azi. " Ang masamang damo matagal mamatay." Tumawa pa si Kuya Azi.

"Like you?" Humalakhak din ako at sinamaan niya na ako ng tingin.

"'You're harsh to me, Dette!" Aniya. Binalingan naman niya ang nurse na gumagamot sa kanya at kina usap nito. He's flirting again. Kaya naman ay napasulyap ako kina Elijah at Klare na magkalapit ngayon. Hindi ko maintindihan ang usapan nila dahil hindi ko ito marinig.

"Shit!" Napamura ako ng mahina nang pumasok sina Dad, Knoxx at Josiah. Para binuhusan si Klare ng malamig na tubig at lumayo kay Elijah. Lumapit naman ako kina Daddy.

"You want to go? I'll drive you." Lumapit sa akin si Kuya Knoxx.

"Nope." Tanggi ko at humalukipkip siya.

"You're tired. C'mon." Humikab siya. Napangisi ako.

"Looks like you are the one who's tired." Panunuya ko.

"I'm not. I'll stay here." Aniya.

"Then I'll stay too." I heared him chuckled.

"Call someone who's gonna get Klare home. Call Eion." He said before turning his back and talk to our parents.

Nagdalawang-isip pa ako kung tama ba na siya ang tawagan ko. I could trust him, right? Besides Klare would be pleased wouldn't she? Or she'll get pissed? Before I could think what she'll react I called Eion. He immediately said yes.

Nagtaka pa ako dahil alas dos na at pumayag pa siyang masundo si Klare. May progress na ba na nangyayari sa kanila? Nagsisimula na siguro na magkagusto si Eion kay Klare.

Madali lang naman magustuhan si Klare dahil hindi siya mahirap pakisamahan. Ayos rin suguro pag nangyari, 'yon. Ipagkakanulo ko na lang si Klare kay Eion ng maigi pag nagkataon.

Pag naman siguro nakita na ni Elijah si Klare na may boyfriend ay mawawala na ang kung anong nakakatakot na nararamdaman niya sa pinsan ko, hindi ba?

I sighed as I realized what my plan is. Pero para rin naman sa kanilang dalawa ito. Dumating si Eion at hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon ni Klare. Gusto pa niyang magstay rito pero kinumbinsi namin siya na sumama na kay Eion.

Me, Josiah and kuya Azrael. Tinignan ko si Elijah na nag-iigting ang panga habang titig na titig lang kay Eion. I know he doesn't want to Klare go with Eion. Nagpasalamat na lang ako at hindi siya umimik hanggang sa maka alis si Eion at Klare.

Akala ko hindi na magrereact ng tuluyan si Elijah but I was wrong.

"Why'd you let her go with that ass—aww!" Pinilit niyang tumayo pero nahirapan siya dahil baka may pasa ang braso niya. Tumawa sina Josiah.

"Shut it, dude!" Ani ni Josiah.

"Let her had a lovelife for god sake!" Halakhak ni Kuya Azi. At lumapit naman sa kanya si Josiah at lalong niloko si Azrael sa hindi na niya ulit makukuhang fortuner.

"I can't." Nanlalaki ang mata ko sa mahinang sinabi ni Elijah habang nakatingin lang siya sa taas.

To LastWhere stories live. Discover now