"Uuwi pa rin ako." Ngumisi siya at napasimangot ako. Hindi ako sanay na nahihiwalay ng matagal sa akin ang isa sa aking kapatid. Kuya Knoxx will study his college there at baka tuwing holidays nalang siya makakauwi sa amin.

Lumapit siya sa akin at naglahad ng yakap. Ngumuso ako at lumapit.

"I'll miss you." Humalakhak siya sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok ko kaya napairap naman ako. Nagulat na lang kami nang makita si Kuya Azi sa pintuan na nakahalukipkip.

"Umalis ka na Kuya nang masolo ko ang fortuner." Ngumiwi ako at ganon din si Kuya Knoxx.

"Bantayan mong mabuti si Dette Dette. Papatayin kita pag nalaman kong nasaktan at napahamak siya." Banta ni Kuya Knoxx at lumapit si Kuya Azrael sa amin at inakbayan ako.

"I'll kill whoever hurted her. You don't have to tell me that, Kuya." Maarteng umirap si Kuya Azrael at binatukan lang siya ni Kuya Knoxx. Hinigit niya kaming dalawa at nagroup hug kami. Okay, hindi kami madalas na ganito kaya susulitin ko na. Hindi sweet ang dalawa kong Kuya at madalang ang ganitong interactions sa kanila.

"You both better take care." Aniya at lalong humigpit ang yakapan namin. Hindi ako nagrereklamo kahit napipitpit na ako sa gitna nilang dalawa.

"Mag-ingat ka rin, Kuya. Hindi pwedeng kami lang ang nag-iingat and do you forget my secret? I'm superman." Bumulong si Kuya Azrael at tumawa ako. Minura siya ni Kuya Knoxx habang tumatawa rin 'to. Kumalas kami sa yakap at tinulungan namin si Kuya na mag-impake.

Dalawang maleta 'yong dadalhin niya. Puno ang isa ng mga damit, importanteng papeles at gadgets. Ang isa ay mga sapatos ang laman at iba pang bagay na hindi niya maiwan.

Lumabas si Kuya Azrael at tuloy tuloy ako sa pagtulong at sa wakas ay natapos rin kami. Nagbalik si Kuya Azi hawak-hawak ang isang disc at nakasunod sina manang at isa pang kasambahay namin sa likod niya na may dala-dalang tray ng pagkain.

"Ayan! D'yan na lang po Manang!" Masigla niyang tinuro ang mini coffee table sa harap ng flatscreen tv ni Kuya. Nilapag nila Manag iyon at umalis na.

Nakangiti kaming nagtitingan ni Kuya Knoxx habang tinitignan si Kuya Azrael na inaayos ang DVD player ng tv.

"We'll watch movie together!" Aniya habang nilalahad ang tv.

"What movie?" Tanong ko.

"Transformers marathon." Kindat niya.

"Seriously Azrael?" Kunot noo si Kuya Knoxx.

"Meron doon na Harry Potter pero si Dette Dette lang ang makakaintindi dun and It's gay. What do you want ba? Fast and Furious? Die Hard? Or American Pi—" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Azrael pero binatukan siya ni Kuya Knoxx sa huling sinabi.

"Aw!" Napasapo si Kuya Azi sa ulo niya na.

Natawa ako." Shut it, Kuya."

"That's fine." Humikab si Kuya Knoxx at si Kuya Azrael naman ay dumamba na sa kama nang makarecover at pli-nay na 'yong movie. Sumampa na rin si Kuya sa kama niya at kumuha na ng pagkain ako naman ay kinuha ko muna 'yong juice matapos umupo sa gitnan nilang dalawa.

Inaatok na ako at nasa Dark of the Moons na kami. Natapos pa namin 'yon bago namin pinatay ang tv.

"We'll sleep all together here." Ani ni Kuya Knoxx at dinamayan na si Kuya Azi na nakapikit na sa side ng kama. King size naman itong kama ni Kuya kaya kasya kaming tatlo ng hindi nagsisiksikan.

Ako ang nasa gitna nilang dalawa at nakatingala lang kaming tatlo sa kisame. Ilaw na lang ng lampshade sa gilid ang nakasindi.

"Make sure when I come back here hindi ka pa nakabuntis Azrael." Sabi ni Kuya.

To LastWhere stories live. Discover now