“Pupunta lang po sa Mall. Bukas na kasi yung Mr and Ms Campus kaya bibili na po ako ng susuotin ko.”

“Gusto mo bang magpasama kay Hell?”

“Hindi na po Tita. Kasama ko yung mga friends ko.” nakangiti kong sambit kaya tumango-tango nalang siya.

“Mag-ingat kayo ha. Lalo na ikaw Heaven Ikakasal kana.” pilit akong ngumiti at tumango. “Alis na po ako.”

----

“Heaven, kanina pa tayo paikot-ikot dito sa Mall pero wala ka paring nabibili kahit isa.” Angal ni Mae. Kapal ng mukha nakaraming libre na nga 'ko sa kanila.

“Magsasara narin 'tong mall.” Ani Janelle bago sumubo sa sundae.

Badtrip naman. Parang ayoko na tuloy pumunta bukas.

“Tara umuwi na tayo. Hatid ko nalang kayo, may kotse naman akong dala.”

“Heaven may gown ako sa bahay actually hindi ko pa siya nagagamit. Gusto mo 'yon nalang ang suotin mo para bukas.” Ngumiti ako kay Mae at umiling. Parang mas pipiliin ko nalang 'wag umattend para hindi magselos si Hell.

“Okay sabi mo eh.”

Matapos ko silang ihatid sa mga house nila. Umuwi narin ako as usual umuwi nanaman akong maganda.

“Inday!” tawag ko dahil iniwan niya yung trabaho niyang linisin ang kalat sa garden.

“Yes Mam.”

“Linisin mo nga 'yang kalat diyan.” utos ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.

“Hindi pwede Mam.” kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Sinundan pa 'ko.

“Bakit?”

“Kumain kasi si Sir. Skie ng Do not.” nagpoker-face ako. Anong kinalaman ng pagkain ni skie ng Donut?

“Anong kinalaman ni Skie?”

“Binato niya kasi sa lupa yung Do not kaya kapag pinulot ko baka magalit. Do not nga raw po eh.”

Bisayang Inday. Fuck you ka!

“Donut not Do not okay? Ts. Maglinis kana roon at mapahinga kana. Maaga kapang mapapagod bukas.” inismiran ko siya. Pupunta na sana ako ng kwarto nang tawagin niya ulit ako.

“What Inday?!”

“Pumunta kasi si Sir. Hell dito at pinapaabot niya raw po ito.” tumakbo siya sa likod ng pintuan at kinuha ang napakalakin box.

“Gamitin niyo raw para bukas.” tumango ako at pinaakyat ko sa kwarto ko yung box sa dalawa pang Maid.

“Wait.” pigil ko sa kaniya bago siya maglakad palabas.

“Bakit po Mam?”

“Anong nangyari sa mata mo? Black eye?”

“Ah si Sir. Hell po ang may gawa nito. Pero okay lang hindi niya raw sinasadya.”

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan paalis. Asan ang utak nang babaeng 'to. Para makumbinsi na hindi nga sinasadya ni Hell 'yon.

Umakyat na ako sa kwarto ko at tiningnan ang binigay ni Hell. Kulay pula na Dress at Black na high heels.

May note pa,

Kailangan makita ko na suot mo 'yan bukas.


----





Kinakabahan akong pumasok sa loob nang School. Naka-uniform pa ako para surprise yung pagiging Dyosa ko mamaya.

“Heaven...” tawag ni Mae kasunod ni Janelle,

“Excited na akong makita kang rumampa.” ako rin excited na.

“Ready kana ba sa Talent portion?” tanong ni Janelle, kailangan paba non?

“Kahit maganda ako. May talent din ako.”

“Langit pinapatawag na tayo.” tumango ako sa mga kaibigan ko. Nagthumbs-up muna sila bago ako sumunod kay Hell.

“Mabuti naman at nakarating na kayo. Maupo ka Heaven para maayusan kana.” sambit nang baklang kaklase namin.

“Maganda na ako kaya wag mo nang pag-isipan kung paano ako magmu-mukhang Dyosa. Mawawalan ng pag-asa yung mga makakalaban ko.” natawa naman siya sa sinambit ko.

Inayos niya ang buhok ko at nilagyan ng konting make-up. Mas kinapalan niya lang nang kulay pulang lipstick ang labi ko.

“Bitch.” sambit ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Inabot sakin ni Joseph, I mean ni Josephine ang kulay Red kong gown. Sinulyapan ko si Hell na nakangisi habang nakatingin sakin sa salamin. Inaayusan din kasi siya. Pumasok ako sa C.r para magpalit.


“Perfect!” tuwang-tuwa na sambit ni Josephine kaya umirap ako. Tss, ako paba?

Nang okay na lahat biglang pumasok si Ma'am Assuncion at tumingin saming dalawa ni Hell.

“You look perfect to each other.” masayang sambit niya. Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin.


“Hindi makakarating sina Audrey at Nick. Since kayong dalawa ang ka-partner nila dapat lang na kayo ang mag-partner ngayon”

--


Hi sa mga fan ng Kpop diyan, try niyo rin po yung isa kong story (Love is not a game) Completed na po yan 😊

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now