24 - The only one in my Heart

Start from the beginning
                                    


" Ang gwapo ko kaya, patingin ka na sa opthalmologist! " Chen


" Patingin ka na sa psychiatrist! Baliw ka na! " Chen


Napahawak na lang ako sa noo ko.


Pumunta ako sa game room para magpalipas oras. Wala namang taong nandito sa loob kaya magisa ko lang, mas mabuti na yon para wala nang manggugulo sa akin. Naglaro lang ako saglit pagkatapos non natulog na ako sa sofa.




Kanina pa ako nagising at nakabalik na ako sa kwarto ko, wala dito si Brian nasa kabilang kwarto pa din kasama sila Chen. A while ago may natanggap akong text messages, kaya ito ngayon—nagaayos ng sarili, nagsusuot ng damit na panlakad, yep! May lakad ako, mabuti na nga lang pumayag ang mga yon na lumabas kami, pampalipas oras na din.. syempre, kailan pa ba ako hindi sinama ng mga yon sa lakad nila? Aba himala kung wala ako, ang gwapo ko kaya hahaha. Lumabas na ako ng kwarto at amoy na amoy pa ang bagong pabango ko, pag labas ko nakita ko sa kusina si Diesel, naghuhugas ng mga plato, meanwhile sina Kris at Xander nanonood ng tv.


Nagpaalam ako na lalabas ako ngayong araw, hindi na ako nagsabi kung anong oras ako makakauwi. Malamang late na naman, wala naman silang pakialam sa akin. Ang alam lang nila—" What time kang uuwi? " Lumingon ako kay Xander.


" Himala kapag maaga. " Sabi ko.


Lumabas na ako pagkatapos kong magsuot ng sapatos ko.


Simula nung makapagusap kami ni Xander, hindi na kami tulad ng dati na hindi kikibo sa tuwing magkikita kami, mas mabuti na din ang ganito. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang kaming magiging ganon diba? He's my best friend, at ganon din ako sa kanya.


Dumating ako sa isang mall, don nagkita-kita kami ng mga taong makakasama ako ngayong araw.


Nanood kami ng sine, we took our lunch—hindi kasi ako kumain kanina, nakatulog nga kasi ako.. kung saan saan na din kami nakapunta, sumunod lang ako. Almost 3 hours na simula nung umalis ako ng boarding house. 30 minutes after napagkasunduan nilang pumunta kami sa park.. park na naman? Hay nako, marami na namang alaala ang babalik sa akin kapag pumunta kami sa park na yon, well never mind. Sabi ko sa isipan ko. Dumating kami at marami ng mga tao, syempre.. lagi namang maraming tao dito dati pa! Mabuti na lang din hindi mainit ang panahon.


" Charlie, namiss ka namin. Simula nung mabalitaan naming may bagong babaeng tumira sa boarding house niyo minsan ka na lang makipagkita sa amin. Hmm.. "


Nakaakbay pa din ako sa kanilang dalawa. Tama nga sila, simula nung bumalik si Sandy minsanan na lang akong lumalabas sa boarding house, pero simula din non hindi ko pa siya minsan nasosolo. Saklap diba? " Kahit hindi pa namin nakikita ang babaeng yon, alam naming maganda siya hindi ba? " Tanong sa akin ng isa.


" Oo, maganda siya. Sobrang ganda- "


Napahigpit ang pagkakadikit ng dalawa sa akin nung sabihin ko yon. " Let's forget about her muna. Ano na Charlie? Sasagutin mo na ba ako? " She asked.

12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now