Aaminin ko, nakakabawas ng lamig ang pagyakap niya sakin. Kahit nakakainis mang aminin. Naiinitan ako sa ginagawa niya.

“Kapag nagsama na tayo, papayag kaba na magdala ako ng chicks?” tumaas naman ang isa kong kilay sa sinabi niya.

“Payag ako.”matigas kong sambit.“Pero uulamin natin sila.”dagdag ko pa,

“Ha? Uulamin?”

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya bago humarap sa kaniya at ngumiti.

“Tinatanong mo'ko kung pwede kang magdala ng Chicks. So pumapayag ako diba Chicken 'yon? Mas matutuwa ako kung ako mismo ang papatay sa Chicks na dadalhin mo. Magdala kana rin ng kutsilyo yung matulis para patay agad.” tumawa naman siya ng malakas tiyaka pinisil ang pisngi ko.

“Wag na pala. Ganiyan ka pala mag-selos. Ang cute mo.”

Ako magseselos? Over my dead pretty body.

“Let's go? Hating gabi na.” sambit niya at lumapit sa kotse.

“Hell.”

“Yes?”

“Happy birthday.”

Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad para mahalikan siya sa pisngi. Hindi ko man nakita pero alam ko na napatulala siya sa ginawa ko.

Nang makarating kami ulit, nadatnan namin na puro maids nalang ang natira na naglilinis.

“Pwede ba Skie,huwag ka ng mag-paliwanag. Mas lalo lang akong naiinis sa'yo!”

“Janelle, pakinggan mo 'ko please. Hindi ko sinasadya yung nakita mo.”

“Anong nangyayari sainyo?” Usisa ko kina Janelle at Kuya. Ano bang pinag-aawayan nila?

Janelle

Habang nag-sasayawan kami, napansin ko si Skie na panay tingin sa bisita ni Hell na babae.

Naka-black dress at heels na pula. Mai-imagine niyo na naka bitch attire siya. Pansin ko rin sa mga tingin niya na type niya si Skie.

Tuloy parin ang tugtugan ng marinig kong bumulong si Skie malapit sa tainga ko na magc-c.r lang daw siya.

Tumayo rin yung babae at sinundan ng tingin si Skie na papasok ngayon sa loob ng bahay nila Hell.Dahil nakaramdam ako ng masamang kutob. Sumunod ako sa kanila, sa kasuotan palang nang babaeng 'yon. Talagang makaka-akit siya.

Hindi ako nagka-mali hinihintay niya si Skie sa pinto ng C.r bitch! Nagtago sa gilid ng palikuan para hindi nila ako makita.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Nagulat ako noong paglabas ni Skie, sinunggaban niya agad ng halik. Halos maiyak narin ako dahil hindi man lang tumanggi si Skie o sabihin man lang na may nililigawan na siya.

Fvck! Nalalag ko yung cellphone ko. Mabilis kong pinulot iyon at kakaripas na sana ng takbo pero huli na. Hawak-hawak na niya 'ko sa braso.

“Let.go.of.me.please” pumiglas ako sa pagkakahawak niya at tuluyan na nga akong umalis.

“Sandali lang Janelle magpa-paliwanag ako sa'yo.”

“Pwede ba Skie,huwag ka ng mag-paliwanag. Mas lalo lang akong naiinis sa'yo!” Tama ba na halikan niya pabalik yung babaeng 'yon. Hindi ko siya kilala at sana huwag na huwag magta-tagpo ang landas namin.

“Janelle, pakinggan mo 'ko please. Hindi ko sinasadya yung nakita mo.” hindi na ako nag-salita dahil alam kong mas lalaki lang 'to. Pero ayoko naman sabayan niya ang init ng ulo ko.



“Anong nangyayari sainyo?” Biglang sumulpot si Heaven na kasunod si Hell.

“Itanong mo nalang sa kaniya Heaven. Btw, umuwi na si Mae hinatid na ni Demo. Uuwi narin ako sana lang may masakyan pa sa labas.” sambit ko, hindi kona sila hinintay makapag-salita ulit dahil lumabas na agad ako.

Heaven

Eh? Delikado na ah.

“Kuya ihatid mo na siya, delikado na.” hinilot niya lang yung sintido niya.

“Pre, kung gusto mo ako na mag-hatid sa kaniya pauwi.” alok ni Hell pero umiling lang si Kuya.

“Hindi na pre. Tangina badtrip!” tumakbo si Kuya palabas para masundan si Janelle. Bukas ko na ngalang sila kakausapin, inaantok narin kasi ako.

“Tired?”Humikab ako at tumango.

“Hell ibaba mo 'ko!” sigaw ko nang buhatin niya 'kong pa-sako style.

“Dadalhin na kita sa kama.”

“What?!”

“I mean ihahatid na kita sa Guest room.”Palusot pa,Pero ang pervert naman psh.

-*-

Hi. Pakibasa yung story ni Minshin6901 (I Know Him So Well) ❤

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now