Chapter 30

536 44 9
                                    

CHANCE'S POV

Hindi ko alam kung bakit pero pag gising ko kanina sa bed side table ko ay 8 na ng umaga. As far as I remember 7 ko inalarm to kasi magluluto kami ng mga bata masi maaga din silang nagigising.

Pinakiramdaman ko muna ang bahay... Walang umiiyak o sumisigaw... Coast is clear kaya naman kumuha na ako ng pamalit at naligo na ako. Pagkatapos king maligo ay nagligpit pa ako ng pinaghigaan at tsaka pa lang ako bumaba. Sa hagdanan pa lang ay may malulutong natawa na akong naririnig. Kaya naman alam kong hnd sila nagiisa.

"Mommy!" Nakita nila ako kaya nagpabuhat ulit sila kay Phoenix pababa ng center table at lumapit sa akin. Pagkakiss nila sa aking pisngi ay hinatak na nila ako papuntang center table.

"Mommy look! We make pancakes!" Sabi ni Blake. Turo nito sa sandamak mak na pancakes sa isang plato.

"Ilan ba kakain nyan at napakadami naman?" Sabi ko dito sabay haplos lang ng buhok nito. Mabuti na lang at magaling na ito dahil na din sa binigay na dugo ni Phoenix.
"Mama..." Napalingon ako sa gawi ni Aurora at nakita kong nahihirapan syang maghiwa ng pancakes nya.

"Let me. Just eat." Sabi ni Phoenix kaya hindi na ako tumayo pa sa upuan ko at sya na ang lumapit dito.
"Princess.. Let daddy okay?" Sabi ni Phoenix at nakangiti namang tumango si Aurora.
"Mommy just eat." Napatingin naman ako kay Blaze. Just like his father. Natawa naman ako ng mahina kaya napatingin sa akin yung dalawa. Kaya umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

All in all naubos nila yung pancakes. Kaya ayun mga nakahilata yung mga bata sa sala at mga nakatulog. Okay lang naman kasi naglaro na sila kanina kaya bumaba na ang kanilang mga kinain. Habang ako eto, nakaupo lang sa balcony at nagbabasa ng libro. Kasi wala naman akong ginagawa. Wala ding pasok ngayon kaya andidito din sa bahay si Phoenix, pero hindi ko alam kung sang lupalop sya nagpunta.

"Chance" speak of the devil. Napabangon ako sa upuan at napansin kong nakapang alis ito.

"Aalis ka ba?" Tanong ko. But he's face remains blank.
"Yes. Pakibihisan ang mga bata pag kagising nila." Sabi nya tas tumalikod agad. So... Yung mga bata lang ba o kasama din ako? Pero you know mahirap magassume, okaya naman baka gusto nyang makasama ang mga bata ng wala ako. Hay nako. Kaya naman imbis na dito na lang sa labas ay pumasok na ako at baka magising na din yung mga bata.

Pagkagising nila ay pinaliguan ko na sila agad at binihisan.

"Mommy? San tayo pupunta? Bakit di ka po nakabihis?" Tanong ni Blake. Lahat kasi sila nakabihis na.
"Ahm... Aalis kayo ngayon ni daddy! Mmagbobonding daw kayo ngayon today! Si mommy naman iintayin ko kayo dito! Kaya dapat pasalubungan nyo ako ha!" Sabi ko pero nagkatinginan ang mga ito at mukhang maguumpisa nang magayawan ang mga ito.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Napatayo ako ng nakita kong maayos na ito at nakatshirt lang kesa sa polo nyang suot.
"Ah... Hnd ba pinagbibihis mo ang mga bata? Kaya ayan pede na kayo umalis." Sabi ko pero kumunot lang ang noo nito.
"I also meant that you also change your clothes. " owww... Kasama pala ako.
" Ay ganon ba? Sige magpapalit lang ako saglit." Mabilis lang akong maliligo. Kaya dali dali na akong umakyat.

'Your mom's so silly aint it kids?' Narinig ko pang sabi nito at naghagikgikan naman sila doon pero  hayaan na.

Nagulat ako ng sabihin nyang sa mall na lang nya kami pupunta para naman daw mabili nya ng iba pang gamit ang mga bata. As if hindi pa kumpleto yung asa bahay nya. Pero oaky na din kasi natuwa yung tatlo ng makakita ng isang malaking playground sa ground floor ng mall, kaya hinayaan ko na sila doon. Pero si Blake ay binabantayn ni Phoenix na kasama din si Aurora while Blaze is busy palying blocks. Habang ako taga kuha ng litrato.

"Si sir yun hindi ba? Sino yung mga kasama nya?" Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko yung ilang employees nya.
"Baka pamangkin. Impossible naman na may asawa at ganyan kalalaking anak si sir hindi ba? Papaksalan pa muna nya ako." Hala, parang nagpantig ang tenga ko doon!
"Wag ka nga mangarap dyan! Engaged na kami at magpapakasal bukas kaya quiet ka na lang. May nanalo na uwi na! " gusto ko sana matawa kaya lang hindi ko gusto ang pinaguusapan nila.
"Pero alam mo may chismis na kumakalat. Kasal na daw talaga si sir. Kaya baka mga chikiting nya yan." Yan maganda yan alam nyo lugar nyo.
"Sus. Panget siguro yun kaya hindi sinasama sa family outing. Hahaha" akmang kakausapin ko na sana yung mga babae kaya lang tinawag ako ni Blake.
"My!" Napabaling ako sa kanila at silang apat ay nakatingin sa akin. Nilingon ko naman ulit yung dalawang babae.

"Bakit baby?" Sabi ko pero nakatingin ako sa kanila. Sabay ikot at naglakad papalapit sa kanila.
"Why?" Tanong ko dito.
"Ahmm... Sabi ni daddy tawagin kita eh. Sya po tanungin nyo." Nagpeace sign pa ito bago nakipaglaro na sa kapatid nya. Nagtataka naman akong tinignan ito at tinatanong kung bakit ako tinawag.

"Nothing." Sabi nito sabay balik ang atensyon kay aurora.
"Chance?" Napabaling ako ng may tumawag sa akin.
"D... Denise? Ikaw na ba yan? " sya nga! Yung bestfriend ko! Antagal ko na syang hindi nakikita.
"Chance namiss kita!" Sabi nito sabay yakap sa akin. Nagtatalon pa ako kasi sya lang bestfriend ko nung college tapos bogla na lang kami parehas nawalan ng communication.
"Namiss din kita! Kamusta ka na? Bat bigal ka nawala noon? Hindi mo tuloy nalaman na nagmigrate kami noon!"
"Talaga ba? Sorry denise.... May mga nangyari lang noon..." Sabi ko.
"Ehem..." Napahinto kami sa paguusap at lumingon ako sa pwesto ni Phoenix na ngayon ay nakatingin sa magkahawak kamay namin ni Denise.
"Ah...."

"Denise pare. Bestfriend ni chance." Inabot ni denise ang isa nyang kamay kay Phoenix pero hindi pa din ako nito binibitawan.
"Ah... Phoenix... Asawa ni Chance, pare." Sabi nito at nakipagkamay din. Pero nagtagal ang handshake nila kaya ako na ang nagbitaw sa kanilang dalawa.

Nakalimutan ko bang sabihin lalaki pala bestfriend ko....

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now