Chapter 25

639 41 16
                                    

CHANCE'S POV

Hindi pa nagigising si Blake mag gagabi na pero ang sabi naman ng mga doctor ay normal lang naman daw ang ganoon pero nagaalala pa din ako. Hindi lang about kay Blake kung hindi na din sa kadahilanang hahatid dito ni Jen sina Blaze at Aurora pero hindi ko alam kung anong mangyayari pagkanalaman ni Phoenix na hindi lang si Blake ang anak nya.

Umalis ito matapos kuhaan ng dugo dahil may tumawag sa kanya kaninang hapon. Binilinan pa nga ako ng huwag umalis o magtago dahil mahahanap at mahahanap pa din naman daw nya ako at simula din noon ay madalas kong makita ang ilang mga security guard dito sa floor namin. Hindi ko alam kung nagroronda lang ba talaga sila o nagbabantay. Pati na din may nagpakilala sa aking nurse kanina at sinabing sya na ang private nurse ng anak ko. Sino pa ba ang may kakayanang gawin ang lahat ng iyan kung hindi si Phoenix lang.

Tok... Tok... Tok...

"Mama!" Makita kong nagtatakbuhan na papasok sina Aurora at Blaze. Kasunod nila si Jenny.
" Kamusta na mga babies ko?" Pinaghahalikan ko ang mga ito sa pisngi at kinandong sila parehas.
"Kamusta na si bro?" Nitong nakaraang mga araw lang ay nakasanayan nilang magtawagan na bro. Marahil napanuod nila sa TV.
"Ok naman na sya at bumaba na lagnat nya. Kayo nagpakabait ba kayo sa school?" Tanong ko at kinalabit ako ni Aurora para ituro ang kanyang kamay at doon ay may nakita akong star.
"Ay wow naman! Very good naman itong anak ko na ito. Si kuya mo ba nakakuha din?" Sbi ko duto at si Aurora pa mismo ang kumuha sa kamay ng kapatid nya at iniharap sa akin ang kamao nitong may star din.
"Matutuwa nyan si Blake kapag nalaman nyang may star kayo! Kaya hintayin lang natin syang magaising ha?" Sabi ko sa mga ito at inalalayan silang maupo sa sofa.

Nilapitan ako ni Jen at niyakap ako. I can consider Jen as my best friend kasi lagi din syang nandyan para sa akin. Sya na din ang nag offer na sa kanya muna matutulog ang mga bata kaya nung umuwi ako para kumuha ng gamit ni Blake ay sinabay ko na ang mga damit ni Blaze at Aurora. Sya na din ang naghahatid sa mga ito dito at hanggang pauwi nila.

"Kamusta na si Blake?" Sabi nito.
" Medyo gumanda na ang complexion nya kahit papano, di tulad kahapon. Nasalinan na kasi sya ng dugo." Sabi ko at tumango tango naman ito.
"Buti may nahanap kayo, madami ng nagkakadengue ngayon ah." Sabi nito, hindi ko naman pepedeng sabihin na galing ito sa tatay nya. Kasi nakwento ko na din sa kanya ang nangyari noon at di ko inaakalang magagalit sya kay Phoenix. Kaya pag nalaman nya ay magalit pa.

"Oo swerte lang talaga kami at may natira pa." Sabi ko. Kinalabit ako ni Aurora at nagpapabuhat. Kaya binuhat ko ito. Nagsign language itong nagugutom na sya. Napatawa naman ako.

"Jen, pede ba muna kayo kumain ng mga bata? Gutom na ang prinsesa namin. " sabi ko kay Jen. Kinuha sa akin ni Jen si Aurora at hinawakan naman sa kamay si Blaze. Pagkalabas nila ay bumalik ako sa upuan malapit sa kama ni Blake.

Hinimas himas ko ang mumunti nitong kamay na may nakasuksok na swero sa kanya. Kawawa naman ang pangalawa ko, ang bata pa nya para maranasan ang mga sakit na to.

"Did he wake up?" Napabalikwas ako ng bangon ng madinig ko ang boses ni Phoenix at nakadungaw ito sa may pinto. Gosh! Bakit andito na sya, maaga pa para dumating sya dito.

"An... Ang aga mo naman.... Di ba mamaya pa uwi mo?" Kinakabahan na tanong ko. Tuluyan na itong pumasok at imbes na sagutin ang tanong ko ay dumiretso ito sa higaan at hinimas ang nagkalat na buhok ni Blake at inayos ito.

"I decided to go here early, para kung sakaling magising sya ay makikita na nya ako agad." Sabi nito. Halata sa mata nito ang pangungulila. Kaya kahit ano paman ang mamuo sa isipan ko ay tumalikod na ako at pumikit... Hindi ko ito kasalanan.... Wala akong ginawang masama... Ang gusto ko lang ay ang kaligtasan ng pinagbubuntis ko noon.

"Have you packed your things?" Tanong nito sa akin kaya huminga muna akong malalim bago ko ito hinarap.

"Ah... Mamaya uuwi ako sa amin at aayusin ko na mga gamit ni Blake." Sabi ko at nangunot lang ang noon nito.

"As I have said both of you are coming to my house. Whether you like it or not." Sabi nito. Sakto namang nagring ang phone nya at derederetso lang itong lumabas ng kwarto.

Napailing na lang ako at nag Cr muna.

Paglabas ko ay prenteng mga nakaupo na sila Jen at ang mga bata kaya bumalik nanaman ang kaba sa aking dibdib.

"Pasensya na natagalan at hindi makapili ang mga ito sa baba." Sabi ni Jen.
"Ah.... O.. Okay lang. Ahm... Jen... Baka pepedeng makiuwi na muna ang mga bata... Kasi... Kasi hindi sila pepede ditong magtagal sa hospital at baka kung ano pa makuha nilang sakit...." Sabi ko at kahit mukhang nagtataka ay pumayag na ito kaya nilapitan ko na sina Blaze at Aurora.

"Mga babies ko... Kailangan nyo na umuwi... Kasi madaming sakit dito sa hospital kaya baka mahawa kayo. Hindi matutuwa si Blake na malaman na magkasakit din kayo." Sabi ko pero mukhang hindi nila ito na iintindihan. Yumakap sa akin si Aurora at paulit ulit na umiling. Si blaze naman ay poker face lang. Pero alam kong ayaw nyang iwanan ang kapatid nya.

"Just today okay? Tapos paguuwi na si Blake ay kayo ang unang susundo sa kaniya ok ba?" Sabi ko dito. Tinignan ko si Jen para humingi ng tulong at ng makaalis na sila. Kaya kahit naguguluhan ay kinuha na nito ang kamay ni Blaze at pilit ko na din inihihiwalay si Aurora pero malakas talaga ang kapit ng bata.

"M.... Mama... Mama!!!" Napahinto ako at nakatitig lang kay Aurora. Na... Nagsalita na ang baby ko!

"U...ulitin mo nga iyon princess? Ha? Please ulitin mo para kay mama..." Naiiyak na din ako dahil napakalambot ng boses ng bunso ko.

"Ma... Mama..." Ulit pa nito kaya naman sa sobrang saya ko ay pinugpog ko ito ng halik at pati sina Jen at si Blaze ay natuwa ng nadinig na namin ang boses ni Aurora. Kailangan ko syang ipacheck para mas madalas ko pa madinig ang boses nito.

Pero hindi ko inaasahan na ang kasiyahan na iyon ay biglang mahihinto. Sobrang talim ng mata nito kung makatitig sa akin, nangangalit.

Dapat kasi nakaalis na sila... Dapat hindi na nya sila nakita...

"P... Phoenix..."

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now