Chapter 17

598 36 7
                                    

CHANCE'S POV

Maaga akong umalis sa bahay hindi dahil magbebenta ako kung hindi ay magpupunta akong ospital... ilang beses na nangyari aa akin ang pagkawala ko nang paningin pero ilang minuto lang ay bumabalik na din ito agad... Kahit bumabalik sya ay natatakot ako.... Natatakot ako na baka isang araw magising akong wala na akong nakikita... Mukha nang mga anak ko... sila Nanay at Tatay...

Kaya maaga na akong pumunta sa ospital para mauna na akong matignan at nang makauwi na din ako agad.

"Ms. Chance Rivera?" tumayo na ako nang tawagin nung assistant nung doctor. Kinuhanan akong Blood Pressure at timbang then tsaka na akk pinapasok.

"So... what can I help you today Ms. Rivera?" tanong ni Doc Roxas.

"Kasi po... ilang beses na po akong sinasakitan nang ulo then... mawawalan po akong paningin..." sabi ko dito at sinusulat nito ang mga sinasabi ko.

"Gaano naman katagal itong pagkawala mo nang paningin?" tanong pa nito.

"Mga ilang minuto lang naman po then babalik na po sya agad sa dati." tumango naman ito at isinulat ulit ito.

"At gaano naman katindi yung sakit nang ulo mo?" tanong nito...

"Ahm... medyo matindi din po minsan... pero minsan mas matindi na nagigising na lang po ako." sabi ko. Totoo iyon... pagnagising ako ay napapaiyak na lang ako sa sakit at kahit wala akong makita ay naglalakad na lang ako papuntang banyo at doon nagkukulong hanggang sa bumalik ang paningin ko.

"I see... kahit medyo may idea na ako about dyan ay kailangan mo pa ding magundergo in various test para makasigurado at nang maconfirm ang nangyayari sayo. Then will see..." sabi ni Doc Roxas at nagsimula na tong ifill up ang gagawin sa akin.

"Here... kailangan yang gawing mga test na iyan at some may mga facilities tayo dito at yung iba ay mayroon lamang sa manila. eh kung nanaisin mong mas makasigurado." sabi nito at tinignan ko ang papel... medyo madami dami na din ang mga test.

"Thank you po doc." sabi ko at nagbayad nang fee at lumabas. Ginawa ko na yung ibang test na mayroon dito.

"Sa makalawa na po lalabas ang results bunalik na lang po kayo." sabi nung nurse at lumabas na ako nang hospital. Inabot na din ako nang hapon. Kaya umuwi na din ako agad.

Pagkauwi ko ay nakita kong nagsisiesta na ang mga bata. Bagong paligo na din ang mga ito. Nagpalit na lang akong damit at hahanapin sila Nanay at Tatay. Wala din muna akong balak sabihin ang mga ito hanggat hindi ko pa nakukuha ang mga test results ko.

Nakita ko sila Nanay na nasa kubo na mukhang seryoso nanaman ang pinaguusapan.

"Paano na ang gagawin natin? Wala na tayong ibang malilipatan...'' lilipat sino ang lilipat?

"Wala tayong magagawa... naisanla ko na ang lupa noong nagkasakit ang mga bata at nagkasabay sabay ang bayarin..." wala na ang lupang nausasaka nila Tatay...

"Nay...Tay..." medyo gulat pa silang napatingin sa gawi ko.

"Ahmm... iha kanina ka pa ba?
.. Mabuti pa kumain na muna ikaw sa loob baka wala ka pang nakakain." yaya sa akin ni Nanay papasok.

"Hindi po nay... ano pong lupa ang nakasanla at sino ang lilipat?" tanong ko sa mga ito.

"Ah... wala anak... sige na pumasok ka na doon... mukhang uulan oh." nagpatangay na ako kay Nanay at nakita kong malaki talaga ang problema nila ni Tatay.

Habang lumpilipas ang araw ay napapansin kong napapadalas ang labas nila Nanay at Tatay sa bahay. Pati na din ang mga inaalagaan naming mga hayop ay unti unti na ding nawawala. Kaya malungkot ang mga bata kasi wala na daw kasama ang Dora nila.

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now