Chapter 6

655 35 5
                                    

CHANCE'S POV

Isang linggo... Isang linggong nakabenda ang paa ko at paikaikang naglalakad sa buong bahay. Wala naman akong ibang maaasahan dahil kundi nasa kwarto si Phoenix ay nasa living room lang ito at nanunuod nang basketball. Pagwala namang basketball sa TV ay aalis ito nang bahay pero nagpapasundo naman sa mga kaibigan. Maski nung nadextrose ako ay tatanggalin ko na lang ito since wala namang magluluto ng pagkain.

Buti nga at dinadalaw ako nang Ate Tara ni Phoenix. Sya din ang tumitingin nang sugat ko sa paa at ang nagalit sa akin dahil tinaggal ko yung dextrose pero nag sorry na lang ako at mukhang naiintindihan naman nya kung bakit ko tinatanggal iyon. Napapailing na lang sya. Base na din sa mga tanong nito ay alam na nito ang ginagawa nang kanyang kapatid.

Ngayon ay ok na ang paa ko at gumagawa na ulit ako nanag gawaing bahay pero as usual hindi ako pinapansin ni Phoenix. Ano pa bang bago. Kaya imbes na magmukmok sya ay lalabas na lang ito papuntang mall para maghanap nang pedeng bilhin para sa baby nya at sa kanya. Napapansin na nya kasing sumisikip ang mga shorts at pants nito kaya bibili muna syang leggings kasi masyado pang maaga para sa maternity dress at hindi pa nya nasasabi kay Phoenix ang pagbubuntis nya.

Nagayos na din sya at nagsandal na lang para hindi masyadong masikip sa paa. Wala nanaman kasi si Phoenix kaya aalis muna sya sandali lang naman. Babalik na din sya bago man nito malaman na nakaalis sya. Kinuha na din nya ang card na regalo sa kanya nang mga magulang ni Phoenix. Gamitin daw niya pagka kailangan na kailangan na nya. Kaya gagamitin muna nya ito ngayon. Ibabal;ik din naman nya in the future.

Nagtaxi na lang din sya para mabilis na makapunta sa mall at mabuti naman ay walang traffic.

Pagpasok nya sa mall ay malamig na hangin ang unang bumati sa kanya. Na nakakapresko naman dahil sobrang init sa labas. Dumiretso sya agad sa department store at pumunta sa babies section.

Unang pasok pa lang ay gigil na gigil na ito dahil nasa loob ay madaming cute na mga baby kasama ang mga mommy nila. Kaya naiisip nya na sana ay lumabas na ang baby nya para naman malaman nya ang pakiramdam nang maging isang ina. Hinaplos na lang nya ang tiyan nya at nagikot sa loob.

Nasa cart nya ay ilang lampin, damit nang bagong panganak na baby, ilang laruan at tumitingin din sya nang crib. Pero hindi muna bili. Tingin lang kasi wala pa naman syang paglalagyan sa bahay. Hindi din sya bumili nang feeding bottle kasi ayaw nyang formula ang ipapainom nya sa baby nya.

"Chance?" napahinto sya sa pagtingin nang mga crib at lumingon. Nagulat pa sya at nakita nya ang Ate Tara nya.

"A... Ate?" kinakabahang tawag nito, naglakad ito palapit sa kanya at tinitignan ang mga nasa cart nya.

"Sabi na eh. Tama ang hinala ko sayo." seryoso nitong sabi at tinitignan pa ang tiyan ko.

"A... Ano a...ate."hindi ko na napigilan magstutter pero kinagulat ko ay niyakap ako nito.

"Wag ka ngang kabahan! I'm so happy kaya at sa wakas magkakapamangkin na ako! Gusto ko girl ha? Para naman may gagawin na akong manika!." gigil pa nito na kinatawa ko na lang, nawala na din ang kaba ko.

"Salamat ate." mahina kong sabi. Umiling lang ito at inilingkis pa nito ang braso sa akin.

"Iyan lang ba bibilhin mo? Tara dagdagan natin! Wag mong tipirin ang pamangkin ko." sabi nito na ikinatawa ko namna.

"Wag na ate. Hindi pa nga natin alam kung magiging babae ito o lalaki eh."

"Okay lang yan dear sister. Bumili na din tayong damit mo. Parang masikip na sayo yang pantalong suot suot mo." napansin pala nito. Medyo nakaumbok na kasi ang tyan ko pero hindi pa naman sobrang halata.

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now