Chapter 19

585 43 11
                                    

CHANCE'S POV

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at ang natitira kong pera ay ipinambili ko nang mga damit pampasok sa opisina. Dahil kahit hindi pa ako nagaapply ay alam kong kukuhanin agad ako nang lalaking iyon.

Wala na din ang manang na nagsusuot nang mga hanggang talampakan na palda. I bought professional clothes, simple and yet sexy. Kahit hindi ako nakapagtapos nang pagaaral ay nakapagtapos naman ako nang tatlong taon. Kaya may alam naman ako kahit papaano sa mga business.

Bumili na din ako nang ilang pares nang sapatos. Syempre hindi ko na din naiwasang bumili para sa mga anak ko. Nagtake out na din akong jollibee...

Hindi sinasadyang napadaan ako sa isang salon... Kaya napagpasyahan ko na ding baguhin at pagupitan ang buhok ko. Hanggang bewang na din ito at puro split ends.

"Good Afternoon mam? Ano pa ang kanila?" lapit sa akin nang isang tauhan nung salon.

"Ah... can you make my hair a little shorter? Maybe change my hair color too... Basta ayoko na nitong dull at walang kabuhay buhay na buhok ko." sabi ko dito at napapalakpak naman ito at natuwa sa desiyon ko.

"Ay gusto ko ang will at fighting spirit mo sisteret! Move on, move on din pag may time! Come here." iginaya na ako nito sa isang bakanteng chair at iniharap ako nito sa salamin.

"I will be your fairy gaymother! Akong bahalang magpaganda sayo. By the way I'm Denice. " sinabi nito.

"Ako naman si Chance, Denice." sabi ko dito at nginitian lang ako nito bago nagumpisa ito sa kung anong balak nya sa buhok ko.

Magdamag lang akong tahimik at pinagmamasdan ang unti unting pagbabago nang itsura ng aking buhok. Meron pang kasamang iba sa ginawa sa buhok. Nariyang inunat ito at kinulot pa ang dulo. Nang malapit nang matapos ay natuwa ako sa naging itsura ng aking buhok. Mas bumagay na ito sa akin ngayon. Kinulayan ito nang brown at nilagyan ng highlights. Kinulot pa nya ang laylayan kaya mas naemphasize ang heart shape kong mukha.

"Anu say mo sisteret?" tanong nito sa akin...

Sobrang tuwa ko sa ginawa nya ay hindi ko napigilang yakapin ito. Kahit papaano ay mas naging kamukha ko dito si mama ko. Kahit ilang taon ko na syang hindi nakikita... Pag harap ko sa salamin ay sya na ang makikita ko.

"Walang anuman sisteret." sabi ni Denice. Natawa naman ako kasi sa tuwa ko ay hindi na ako nakapagthank you.

"Ay sorry denice. Thank you at sobrang ganda nang ginawa mo sa akin." sabi ko dito at nakangiti lang ito sa akin.

"Alam mo... konting makeup lang sayo pak na pak na! Kaya be confident na dalhin mo ang sarili mo. Cause trust me Chance. You're beautiful." parang hinaplos naman nito ang puso ko sa magagandang bagay na saad nito sa akin.

"Thank you for being my fairy gaymother Denice. Dito na lagi ako mag papasalon para may ka chikahan din ako!" nagapiran pa kami at nagbeso bago ko tuluyang magbayad at nagiwan naman ako nang malaking tip para kay Denice.

Habang pauwi at bitbit ang mga pinamili ko. Madaming napapatingin sa direksyon ko. Marahil sa bagong gupit at kulay ko. Pero iyon nga ang point ko. I want to get attention. For I already hide myself for a long time.

Nagtaxi na ako pababa sa daycare nila Blake, Blaze at Aurora. Maraming parents na din ang nandodoon at sinusundo ang kanilang mga anak. Kaya nang nakita kong palabas na sila ay tinawag ko na ang mga ito.

"Blaze, Blake, Aurora!" kinawayan ko pa ang mga ito nang tumingin sila sa direksyon ko. Hinatid naman sila sa akin ni Teacher Jenny.

"Wow! Chance ikaw ba yan? Bagay sayo!" sabi sa akin ni Teacher Jenny. Nahiya naman ako kasi lahat ata ng magulang na nandidito pa ay nakatingin sa akin.

"Mama ikaw ba iyan?" tumungo ako at namamanghang nakatingin sa akin ang tatlo.

"Abay oo naman. Malaki ba ang nagbago kay mama?" tanong ko at tumakbo ang mga ito paakap sa akin.

"Mukha ka pong beauty queen mama!" apakaboler talaga nang pangalawa ko habang umagree naman dito ang panganay at ang bunso.

Nakita kong nagsign language si Aurora.

"Wag kang magaalala anak. Syempre paglaki mo kasing ganda mo si Mama." hinalikan ko ang mumunti nitong pisngi at nagpaalam na kay Teacher Jenny dahil maglalakad na kami pauwi at ng maka paghanda na sa hapunan.

Kinabukasan ay hinatid ko ulit sila. Pagkatapos ay nakapormal na tinungo ko ang building na pagmamay ari ni Phoenix.

Hindi na dapat ako namangha sa pagkataas taas nitong gusali pero napanganga pa din ako. Umiling na lang ako.

Dumiretso ako sa front desk.

"Hello." sabi ko sa babaeng nagfifile nang kuko. Pwede bang gawin ito?

"Anong kailangan nila?" tanong nito.

"Ah... magaapply sana ako. Kahit anong open na trabaho." sabi ko dito. Tinaasan ba naman akong kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. Aba... para san pang nag ayos ako at titignan nya lang ako nang ganon.

"Sorry... pero walang trabaho ngayon sa HR. Makakaalis kana. " bumqlik na ito sa una nyang ginagawa. Ako naman ay hindi na umangal. Pero nakakaloko naman atang lahat ng kompanyang pinuntahan ko ay dito ako tinuturo ngunit walang bakanteng trabaho.

Palabas na akong entance nang building ng harangin ako ng mga guards.

"B... bakit po?" walang nagsasalita sa mga ito. Pero yung isang guard ay may kinakausap sa earpiece nya. Basta iyon ang ginagawa nito.

"Excuse me po mga kuyang guard. Padaan lang po." sumisingit pa ako sa mga pagitan ng mga ito ay wala ding silbi. Ilang ulot ko pa sinubukan ngunit wala talaga.

"Ms. Chance." lumingon ako sa tumawag sa akin at may lalaking nakaformal suit ang nasa likudan ko.

"Ano bang nangyayari dito? Bat ayaw nyo akong palabasin para naman makapaghanap ako ng ibang trabaho." sabi ko dito. Huminto ito saglit at tinignan ang babaeng kausap ko kanina at nakita kong namutla ito. Ibinqling agad nung lalaki ang paningin sa akin.

"I'm very sorry Ms. Chance. It seems that our HR doesn't fully inform our staff in here about an opening. You say your here for a job right? Please follow me." iginaya nitong mauna na ako. Tinitigan ko naman ang mga guard sa likod ko at nawala na ito at bumalik sa mga puwesto nila kanina. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa lalaki.

Sumakay kami sa isang elevator at pinindot nito ang last floor na 50th. Antaas pala talaga nitong building.

"Ms. Chance? Can I have your resume?" sabi nung lalaki. Dali dali kong inabot dito ang envelope kung san naglalaman ng resume ko at iba pang kailangan sa pagaapply.

"May interview po ba?" tanong ko sa lalaki pero umiling lang ito.

"You're already hired. You can start today. " hindi na ako magugulat. Mukhang napaghandaan na ni Phoenix ang pagpunta ko dito.

"Ganon po ba? San po ba ako magtratrabaho?" tanong ko dito dahil sobrang taas naman ata ng pupuntahan namin.

"You will be Mr. Faulkerson's secretary." sabi nito at bumukas na ang elevator.

At ang unang sumalubong sa akin ay ang malalalim na titig ng walang iba kung hindi si Phoenix Faulkerson.

You Change Me  (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon