Chapter 8

583 36 12
                                    

TARA'S POV

Nandidito ako ngayon sa bahay nang kapatid kong si Phoenix. Paano ba naman kasi tawag ako nang tawag kay Chance pero hindi ako sinasagot nito. Antagal ko na kasing hindi ito nakikita kaya nagaalala ako na baka may nangyari nanaman ditong hindi maganda kaya dali-dali na akong pumunta dito.

Kinuha ko yung spare na susi nang bahay nato. Kung bakit meron ako nito ay secret. Basta for emergency purpose ko lang.

"Phoenix?" tawag ko dito. Pero walang sumasagot.
"Chance!" hanap ko kay Chamce habang nagiikot dito sa baba. Pumunta akong kitchen, sa garden, sa laundry room, sa bathroom, sa isnag kwarto dito sa baba. Pero mukhang walang tao. Puro lang nagkalat na mga alak, take out meals at damit ang nakikita ko sa paligid. Impossible namang hindi ligpitin to ni Chance. Masinop ang isnag iyon.

"Chance! Andito ka ba sa bahay?!" mas nilakasan ko pa iyon para marinig ako kung sakaling nasa taas ito.

Pero wala. Kaya naisipan ko na lang umuwi at mukhang wala naman sila dito sa bahay ngayon.

BLAG!

Naphinto ako at napatingin sa taas. May parang nabasag kasi eh. Kaya dali dali akong umakyat at nagpalinga linga sa taas.

"Chance!" una kong pinunthaan ang master's bedroom pero wala ito doon. Puro ulit mga nagkalat lang na dmait at beer cans.

"Chance! Nasaan ka?!" sigaw ko at binubuksna ko na ang mga pinto dito sa taas. May isang pinto na hindi ako mabuksan. Kaya idinikit ko ang tainga ko doon para mapakinggan.

"Chance? Are you in there?" tanong ko.
"A... ate... H... Help me please..." natakot ako sa boses ni Chance. She sound so weak.
"Sandali lang ha! Tu... tutulungan kita. " sabi ko dito at dali daling bumaba par kunin ang emergency kit ko sa sasakyan ko at umakyat na.

I get my credit card from my wallet at iniislide ko sa may gilid nang pinto kung san nakakabit ang door lock. Matagal ko din itong ginagawa.

Tik...

Sa wakas ay bumukas din.

Nanlumo ako sa nakita ko.

Nakasalampak si Chance sa sahig katabi ang isang basag na glass. Nakapikit ito at wala nang malay.

"Chance? Chance!" tinapik tapik ko pa ito pero wala. Mas namayat ito. Madami din syang pasa at galos. May black eye pa.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tinignan ko na ang kalagayan nya. Nagpatawag na din akong ambulansya. Her Blood Pressure is too low. Mababa din ang glucose nya sa katawan.Nilagyan ko nang gamot ang mga sugat nya at binendahan. Sinaksakan ko na din sya nang dextrose.

"Dra.?!" napa baling ako at nandoon na ang mga taga hospital.
"Tulungan nyo kong buhatin sya dali! Kailangan na natin syang dalhin sa hospital!" tumango naman ang mga ito at nilagay agad si Chance sa stretcher. Pagkababa ay madaming tao ang nakatongin kay Chance at halata sa amga ito ang awa sa sinapit nya.

"A... ate..." napatingin ako dito nang nagsalita na sya.
"Chance... wag kang magalala dadalhin ka na namin sa Hospital. Ok? Wag kang bibitaw." sabi ko pero napapapikit na ito.
"S... sa.. save my baby ate... Please save my baby." sabi nito tango lang ang naisagot ko dito. Tapos nahimatay ulit ito. Iniwan ko na ang sasakyan ko doon at sumakay na sa ambulansya.

Habang binabagtas namin ang daan papuntang ospital ay hindi ko mapigilang magalit kay Phoenix. Sobra na ito! Wala na syang galang sa babae! Hindi ko matanggap na ang kapatid ko ay kayang gawin ang mga ito.

"She's stable now. But muntikan na ang bata. Hindi ko alam kung anong nangyari but sa tagal na hindi ata nya pagkain ay nakakaapekto ito sa bata. Kaya nilagyan din namin nang gamot ang nakakabit s akanyang dextrose to help give the baby the nutrients it needs. " sabi nang OB na nadalhan namin sa kanya. Eto na kasi ang pinakamalapit.
"Thank you po doc. " sabi ko at nagpaalam na din ito habang ako ay bumalik na sa private room ni Chance.

She's too thin na parang mahipan lang ito nang hangin ay bibigay ito agad. Hinaplos ko din ang tyan nito.

Sorry pamangkin. Walang kwenta ang tatay mo.

CHANCE'S POV

Nagising ako sa isnag hindi pamilyar na lugar. Pero mas mabuti na ito kesa doon sa guestroom sa bahay ni Phoenix.

Naalala ko nanaman kung gaano ako katagal doon. Magthrethree weeks akong nasa loob nang kwartong iyon. Kung hindi pa sana dumating si Ate Tara siguradong bangkay na akong aabutan doon.

Napatingin ako s amga galos ko at pasa na nakabenda na. Napuruhan talaga ako ngayon.

"Chance! Mabuti naman at gising ka na!" nakita ko si Ate tara na may dalang pagkain at isnag basket nang prutas. Bigla namang kumalam ang tiyan ko.... Ang baby ko!

" A... ate yung baby ko?! Kamhsta ang baby ko?!" sabi ko at dali dali namang binaba ni ate ang mga bitbit nya at dinaluhan ako.

"Kumalma ka. Maayos ang baby mo... Maayos sya. " napahinto naman agad ako at tuluyan nang napaiyak... Mabuti naman kung ganoon. Hindi ko ata kayamg mawala ang anak ko.

"Salamat sa pagtulong ate." sabi ko dito at umiling lang ito.
"Wag kang magpasalamat kapamilya na kita. Kaya natural lang na tulungan kita." sabi nya at napangiti naman ako.

Nalaman kong dalawang araw na pala akong natutulog. Pinakain na din ako ni ate nang maraming marami kaya nabundat na ata ako eh. Pero ang sabi naman nito para sa baby dahil kailangan nito nang lakas kaya inubos ko ang binibigay nito.

"Ano bang nangyari Chance? Bakit ka nilock ni Phoenix doon?" tanong ni ate sa akin.

"Ate kasi may nakita syang lalaking kasama ko nung nagkita kita kami nang mga kaklase ko dati. Kami lang dalawa naiwan sa mesa nung oras na nakita nya kami. Akala nya ay na... nakikipaglandian ako doon s akaibigan ko. Hindi ko alam na ganoon sya magalit ate. Ayoko na doon ate! Natatakot na ako. Baka kung ano magawa nya sa baby ko ate!" hindi nako nahiyang umiyak kay Ate Tara. Dinaluhan lang ako nito at hinagod nya ang likod ko.

"Wag kang magalala Chance. Tutulungan kita. Tutulungan kitang makaalis sa poder nya."

You Change Me  (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon