Chapter 28

640 44 7
                                    

CHANCE'S POV

Kangina pa ako hindi mapakali sa kwarto nato. Wala pa si Phoenix kasi nagshower sya at ako? Kangina pa paikot ikot dito sa kwarto nya? Hindi ko naman pedeng sabihing amin kasi matagal na akong hindi nakatira dito. Wala pa ang mga bata bukas pa namin balak puntahan, sa ngayon ay nakila jen yung dalawa at si Blake naman ay nasa hospital pa pero madidischarge na sya bukas. May kasama naman itong private nurse. Care of Phoenix kasi kailangang ayusin ang mga gamit nila.

Click...

Feeling ko ay kakawala na sa lagayan nya yung puso ko sa kaba.

"What are you doing?" Sabi nito pero hindi ko halos mapansin kasi ba naman... Lalabas na nga lang... Nakaboxers pa... Gash... Yung abs nya... Yung... Yung v line nya sa... Doon... Sa... Sa...

"Are you done?" Sabi nito sa akin kaya naman nabalik na ang ulirat ko dito. Namula ako sa hiya dahil kangina pa nya ako nakitang naktitig sa kanya...

"Ahm... Sa... Saan ako matutulog?" Tanong ko dito. Bigla na lang itong ngumiti at walang sabi sabing dahan dahang naglalakad palapit sa akin.
"My... My... My alam mo naman kung saan hindi ba? " sabi nito at huminto itosa tapat ko at dinukwang ang kanyang ulo at inilapit sa tainga ko.

"Ede syempre.... Sa TABI ko..." Sabi nito. Mapulang mapula na talaga ang mukha ko at kahit malakas ang aircon ay bakit init na init ako?

"Ah... Eh... Niloloko mo naman ako eh." Sabi ko at pilit itong nilalayo sa akin.

Nagulat ako ng bigla na lamang itong humalakhak... He's mocking me.

"Of course! Niloloko lang kita! There's no way I want to sleep again with you. Such a lousy human being! You know where the matress are and the extra pillow. You'll sleep on the couch." Sabi nito at tumungo na sa higaan nya at pinatay ang ilaw. Tanging ilaw na lamang mula sa lamp shade sa gilid nito ang nakabukas. Im es na mainis sa ginawa nito ay dapat alam ko na ito ang magiging kilos nito towards sa akin. Tanging mga bata na lamang talaga ang kailangan nito. Hindi pa din ako nito mapapatawad.

Napailing na lamang ako at pumasok sa banyo, kumuha ako ng extrang towel since alam ko pa naman ang lahat ng lalagyan pa sa bahay nato. Naghilamos lang ako ng kaunti at sinilip ko kung andito pa ba ang mga damit ko dati. Kakasya pa naman siguro ang mga ito? Nasa kabilang kwarto ko kasi naibaba ang mga gamit ko. Tinatamad na akong pumunta pa doon at pagod na ako.

Nope... Ang manganak ng tatlo ay hindi na katulad pa ng dati ang katawan ko... Kaya hindi naman siguro mapapansin ni Phoenix ang pagkuha ko ng shirt nya at nagsuot na lang akong ng itim na cycling na dati ko pa. Kumuha na akong mga kumot at unan at inilatag sa sahig. Maliit kasi yung couch... Hindi ako kasya tsaka magps komportable sa sahig nakacarpet naman.

Tinignan ko muna si Phoenix at nakitang mahimbing na itong natutulog. Inayos ko ang aking hihigaan at nagdasal muna.

Dear lord, alam ko pong may reason kung bakit lahat ng ito ay nangyayari sa buhay ko...namin? Pero kung ano man po iyon ay nasa kamay nyo na po. Salamat po sa pagpapagaling sa anak ko lord. Kahit sila na lang po ang maging masaya kasama ang tatay nila okay na po ako doon. Wag nyo lang po sila hahayaang masaktan or makaramdam ng pagkabigo sa ama nila. Maraming maraming salamat po lord. Amen.

Dumiretso higaa na ako at pumikit.

Kasi wala nanaman akong makita.

Nagunat unat ako at naramdamang asa isang malambot na ako na higaan. Dinilat ko ang mata ko at buti nakakakita na nga ulit ako. Masyado ng  madalas ang pangyayari na iyon. Hindi ko pa kaya kung sakaling may malala na akong sakit. Kasi hindi naman normal itong nararamdaman ko. Kung... Kung sakaling mawawala man ako... Tama na din siguro na nakilala ng mga bata si phoenix, atleast nasa ama nila sila.

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now