Chapter 11

596 41 7
                                    

Authors Note:

Hello po! Unang una thank you po sa mga patuloy na nagbabasa at sa mga nagvovote. Thank you din po sa mga comments. Kahit hindi ko po narereplyan ay nakakatuwa po pagnababasa ko sila.

This year ti-nry ko pong pumasok sa Wattys2016. Please support my stories You Change Me and Getting Back Mr. Richards. Ako po ay isa lang hamak na baguhan pagdating sa gantong larangan pero maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHANCE'S POV

"Blake! Blaze! Aurora! Pumasok na kayo dito! Wag nyong kalbuhin si Dora nyo!" Nakukulot ang buhok ko habang nakikita ko si Dora na manok na halos wala nang balahibo yung isang pakpak. Yung mga bulinggit naman ay nagsisitakbuhan na plaapit sa akin.

"Mama!" sabay sabay pa nilang sigaw habang mga nakabukas ang kamay pero puro putik naman at may mga balahibo pa nang manok.

"Hep! Hep! Hep! Bakit madudumi ang mga mukha at kamay nyo nang putik? Di ba sabi ni Mama wag kayong maglalaro nang putik? Tsaka hindi ba kayo naaawa kay Dora?" sabi ko. Mukhang nalungkot naman yung tatlo. Kaya imbes na yakapin ako ay itinago na nina Blake at Blaze ang kanilang kamay sa likod.  Pero si Aurora ay imbes na magtago lang nang kamay ay sa likod nang mga kapatid nya ito nagsitago.

"Eh Mama, pano po kami hindi maglalaro sa putik eh nasa farm po tayo?" nakakunot pang tanong ni Blake

"Yup, just like what he said." agree naman ni Blaze sa kapatid. Si Aurora naman ay tango lang nang tango.

"Hay nako... Tuwing pagsasabihan kayo ni Mama ganyan ulit ang sagot nyo. Mga nakaunli ba kayo?" tanong ko at nagbungisngisan naman sila. 4 na taon na ang nakakalipas, matatalino at malalaki na ang aking mga anak.

Naglakad naman palapit sa akin si Aurora at nakangiti lang.

Ang kaisa isa kong babae at sya pa ang bunso. Mala anghel ang ngiti nito na ang labi ay namana sa ama. Ang maaalon naman nitong buhok ay sa akin na kuha. Maputi at maamo ang mukha. Parehas naman sila Blake at Blaze na may makakapal na kilay, matatangos din ang ilong nilang lahat. Dark ang mga buhok nila at kulay abo ang mga mata. Hindi ko nga alam kung san nila nakuha ang kulay nang kanilang mga mata eh. Hindi sa akin at hindi din kay Phoenix... Pero okay lang... Gwapo at Maganda namna ang mga anak ko. Magkakaiba naman sila nang ugali. Si Blake ang pinaka unang lumabas, ay medyo seryoso at maikli lang magsalita. Si Blaze ay maikli ang pasensya sa kapatid na lalaki pero mahaba pagka sa bunso. Dapat daw kasi sya ang naunang lumabas. Sinipa lang daw sya ni Blake kaya ito ang nauna. Ang huli ay ang bunso, ang pinakamakulit pero mabait sa lahat. Kahit mga kapatid nito ay aakuin ang kasalanan nya dahil mahal na mahal nang dalawa ito.

*Signs Language*

"Wag na ba kamo ako magalit?"  tanong ko dito at paulit ulit din lang itong tumango.

Hindi naman namin alam kung bakit sya nagkaganito. Pinatingin na din namin sya sa doctor pero wala namang problema sa kanya. All normal pero nagsasalita na ang mga kapatid nya pero sya ay wala pa din kaya nagaral kamjng sign language para kung sakaling may nais itong sabihin ay maipaparating ni Aurora sa amin.

Tumango lang ulit ito.

"O cge. Hindi na magagalit si mama. Pero ang unang makapaglinis nang katawan at unang makapagpalit nang damit ay may hug at kiss pa kay mama. Call?" hindi na sila nagpatumpiktumpik pa at mga naghahagikgikang nagsisitakbo sa loob nang bahay

"Oh? Bat nandito ka sa labas?" napaling ang tingin ko kay Nanay Hermie. May bitbit itong mga bote nang gatas nang kalabaw.
"Pinapasok ko po yung mga bata at ang dudungis na po ang aga aga pa. Akin na po iyan." sabi ko at kinuha dito ang gatas.
"Aba'y hayaan mo na mga bata pa naman eh. Sya nga pala. Pagbaba mo mamaya eh ibili mong gamot ang Tatay Rudy mo. Sumasakit nanaman ang rayuma." natatawang turan ni nanay. Si tatay Rudy ang asawa ni Nanay Hermie.
"Sige po. Asan po ba si tatay at magaagahan na po tayo." sabi ko at ibinaba muna sa isang gilid ang mga gatas kasama nang mga itlog at gulay na ibebenta ko sa palengke.
"Ay ayun, kasama ang pinakamamahal nyang kalabaw. Kulang na lang ay iyon ang pakasalan nya." natawa naman ako sa sinabi nito.

"Nanay lola!" parehas pa kami ni Nanay na napatingin sa mga pababang hagdan na mga bulilit. Mga nakaligo na ito at mga nakaporma. Pano ay ngayon isasama ko sila sa pagbaba sa syudad at magmamall kami pagkatapos konh makabenta.
"Aba'y ang gaganda at gwapo nyo naman mga apo!" sabi ni nanay at pinugpog nang halik ang mga bata.
"Stop it Nanay Lola!" sabi ni Blaze na nakakunot ang noo.
"Ay sungit naman nang baby pogi ko?" sabi pa ni Nanay at ginulo ang buhok ni Blaze.
"Nay Lola... Wag po yung hair ko." natawa naman kami nang lumayo ito kay Nanay at inayos ang buhok nya.
"Wag nyo po syang pansinin nanay lola. Ako po pede nyong guluhin ang buhok." sipsip naman ni Blake kay Nanay.

Nawala naman ang tingin ko sa mga ito nang hilahin ni Aurora ang laylayan nang damit ko. Nakalukot ang mukha nito.

"Bakit baby?" tanong ko. Hinimas naman nito ang tiyan. Gutom na.
"Tara na po kain na tayo. Gutom na ang mahal na prinsesa. " sabi ko at nauna na sina Blake at Blaze na hawakan ang magkabilang kamay ni Aurora at naglakad sila paupobsa mesa nila. Ang sweet talaga nang mga binata ko sa kaisaisa naming baby princess.

Lahat ay kumakain na ng pumasok si Tatay Rudy.

"Tatay Lolo kain na po tayo!" sigaw ni Blake.
"Oo apo sandali lang at madumi ang lolo." sabi ni tatay at nagpunas muna  bago tuluyang umupo sa tabi ni Nanay.

"Chance?" tawag sa akin ni Tatay.
"Bakit po?" tanong ko dito. Sinusubuan ko kasi si Aurora habang yung dalawa ay sanay na kumain magisa. Marungis nga lang.
"Nakaayos na yung mga ibabang gulay. Nasa truck na eto ang susi." abot sa akin ni tatay.
"Salamat Tay. kain na po kayo!" sabi ko at inabutan ito nang pagkain.
"Tatay Lolo sasama po kami kay mama!" pabida ng sabi ni Blake.
"Ganon ba? Abay tiyak na ubos ang benta ni mama nyo!" tawa ni tatay.
"Opo... kasi po magsasayaw po kami! Para madami ang bibili!" sabi pa ulit nito.
"Your so noisy Blake. Tumatalksik yung food sa bibig mo." sita naman ni Blaze sa kapatid.
"O sya... wag magaway sa hapagkainan. Bilisan na nating kumain nang maaga din kayong makabalik." sabi ni tatay at bumalik ang saya sa hapagkainan.

I never expect na sa simpleng buhay ay mapapalaki ko nang maayos ang tatlo. Buti na lang ay mababait sina Tatay Rudy at Nanay Hermie...

Kamusta ka na Phoenix? Alam mo bang may mga anak na tayo? Napalaki ko silang wala ka. Wag kang magagalit sa akin oras na malaman mong may mga anak tayo. Gusto ko lang naman silang protektahan mula sayo. Balang araw darating din ang panahon... Magkikita tayo... Pero habang wala pa iyon... Wag mong kakalimutan... Mahal pa din kita... Walang  pinagbago. ..

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now