Chapter 22

618 42 8
                                    

CHANCE'S POV

Eto na ata ang pinakadabest na tulog ko all these years. Walang maingay na mga bata at lalong hindi sa matigas na higaan. Katulad lang ng dati. Naginat inat muna ako pero bakit hindi ko magalaw ang isa kong kamay? Hinila hila ko ito pero may nakapaikot dito. 

Clank... Clank...

Dali dali ko itong tinignan at nakita kong may posas na nakakabit sa palapulsuhan ko.

"Ano to?!" pagpupumiglas ko pero wala, di ito matinag tinag.

Lumingon pa ako kung nasan ako pero nasa puting kwarto lang ako may dark blue na kurtina, itim na mga cabinet at drawers. Pati yung kama na kinalalagyan ko is dark ang bedsheet pero puti ang mga unan. 

Asan ba talaga ako?!

Tinignan ko ang suot ko. Napalitan na din! Like isang malaking shirt lang ang suot suot ko. Wala na din akong undies! Anu ba talaga to? Umaga na din? Paano na yung mga anak ko? Yung bag ko?!

Pilit kong kinakalas yung posas or hinahanap ko yung susi pero wala talaga.

"You..r... awake..hik..." napaangat ako kung san naroroon ang pinto at nakita ang isang lalaking gumegewang gewang pa at hawak pa ang isang buong bote ng jack daniels na alam kong pabiroting paborito nya.

"Ph... phoenix... anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya at sa likod ko ay kinakalas ko talaga ang kamay ko sa posas.

"Ah... that... haha... well you fainted last time... was it yesterday or the other day? don't care... hik... inalagan lang naman kita cause your sick!" sabi nito at tinungga pa ang boteng hawak nito.

"Ga... ganon ba? Salamat kung ganon. Pero para san to?! Kailangan ko ng umuwi!" sabi ko dahil yung mga anak ko. Yung mga gamit ko? My phone! Ilang araw na ba?!

"Tsk... tsk... tsk.. your never getting away from me darling. Never again." sabi nito at pagewang gewang na lumapit sa akin.

Itinapat pa nito ang kaniyang kamay sa aking mukha at hinaplos pa ito.

"Matagal ko mang hindi nakikita ang mukha nito. Kahit kailan hindi ko malilimutan bawat kurba ng mukha nato. " kahit naiilang ay hinayaan ko lang ito. Nasa impluwensya ito ngayon ng alak.

"Eto... ang mukha... ng taong... pumatay sa mama ko..." iniiwasan ko mang masaktan ay hindi ko pa din mapigilan. Kasi hanggang ngayon sa paningin nya ay ako ang namatay sa mama nya.

"Phoenix! Hindi iyon sadya! Hanggang kelan mo ba ako sisisihin?!" sabi ko dito. Pero sa lasing nito ay ibinato nito ang bote sa pader at mahigpit na hinawakan ang mga braso ko.

"Baka... hanggang sa mamatay ka na... Hahahaha......" kasabay nito ay ang pagsapo ko sa kanya dahil tumumba na lamang ito.  Kinapa ko ang susi sa bulsa nya. Nang makapa ko ay kinuha ko muna ito at tinanggal ang pagkakaposas sa akin. Mamula mula na ang wrist ko at nakabakat dito ang posas.

Hindi ko na muna iyo n inayos at inihiga ko muna si Phoenix sa kama. Pinagmasdan ko muna ito.

Mahal na mahal nito ang mama nya at ang pagkawala nito ang labis na nakapagpabago ng ugali ni phoenix. Pero hindi naman nito nalalaman ang totoo kaya sa mata talaga nito ay ako ang may sala.

'Baka... hanggnag sa mamatay ka na.... hahahaha'

Kahit langgo sya sa alak ay alam ko g totoo iyong sinasabi nya. Sabi nga nila ang mga lasing na tao ang pinakahonest na mga tao.

Hindi na ako nagtagal at hinanap ko ang damit ko, nagbihis at hinanap ko ang mga gamit ko at umalis.

Sa byahe ay tinignan ko ang phone ko at buong araw na akong walang malay? Puro na lang ako text ni Jenny. Buti na lang ansa kanya ang mga bata. Kaya tinext ko muna ito at sinabing pupunta ako sa kanya at mabilis naman itong sumagot na asa day care na nga sila.  Kaya doon na lang ako pumunta.

Nakita kong naghihintay si jenny sa labas.

"Jenny!" tawag ko dito at nung napansin ako ay lumapit agad aa akin.
"Jusko Chance alam mo bang pinagalala mo kami hindi mo nasundo ang mga bata at hindi ka nagrereply sa mga text at tawag ko! Anu bang nangyari!" sabi nito.
"Eh kasi nagkasakit ako nung naulanan ako nung isang araw. Hinimatay ako sa opisina kaya naman hindi na ako nakareply." sabi ko at sinuri naman ako nito.

"Maayos na ba pakiramdam mo? Hinahanap ka na ng mga anak mo!" sabi nito at sinabihan ito kung pwede ko bang makita ang mga bata.

Sa loob ng classroom ay maraming mga naglalarong mga bata. Pero may bukod tanging mga bata na nakaupo lang sa isang mesa at mga magkakahawak kamay pero mahahalata mo ang lungkot.

Nalungkot naman ako dahil nalayo ako sa kanila ng isang buong araw. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko at nilapitan ang mga ito.

"Bakit kaya sila malulungkot? hmmm..." pahimig ko sa mga anak ko. Nang mapansin naman nila ako ay walang anu ano ay niyakap na lang nila akong tatlo. Walang nagsasalita. Lahat lang sila ay nakadukdok lang sa akin.

"Shh... pagpasensyahan nyo na si mama. Sorry na mga anak. " sabi ko sa kanila at hinimas ang mga likudan nila. Hinayaan ko lang muna ang mga ito at nang okay na sila ay pinunasan ko muna ang luha nila.

"Mama.. bat di ka po uwi last night? umiyak si Aurora eh!" sabi ni Blake.
"Sorry na... may importante lang na ginawa si mama kaya hindi ko kayo nasundo." sabi ko.
"Buti na lang po ay sabi ni teacher jenny na pinagslsleep over nyo po kami sa kanya." sabi naman ni Blaze. Tumingin ako kay jenny na nasa pinto at nginitian ito at nagpapasalamat na hinayaan nya muna ang mga bata sa kanya.

"Oo mga babies. Sorry talaga. Pero promise dina ito mauulit pa. " sabi ko sa mga ito. Naintindihan naman nila iyon. Pinagtataka ko ay so Aurora na hindi pa umaalis sa yakap sa akin.

"Baby ko?" inalog ko lang ito ng bahagya at natawa na lamang dahil naghihilik na ito.

"Hindi po sya makatulog last night kaya po ganyan." sabi ni Blaze.
"Opo kahit na sining na namin favorite song nya at kwento din pong story ayaw nya po magsleep kaya po ganyan." sabi ni Blake. Napangiti naman ako. Kasi napakathoughtful nilang magkuya sa bunso namin.

"Apaka galing naman ng mga kuya ko. Sige na fix your things na at maaga tayo uuwi today." sabi ko at tumayo at binuhat na si Aurora.

Nilapitan ko na din si Jenny.

"Salamat sa pagpapatuloy sa mga bata." sabi ko. Tumango lamang ito.

"Anu ka ba... okay lang iyon. Mauuna na ba kayo?" sabi nito. Nasa tabi ko na si Blake at Blaze.
"Oo para naman makapagpahinga ng maayos ang mga bata. Mauuna na muna kami. Hahatid ko na lang sila ulit sa lunes." tumngo naman ito at nagpaalam kina Blake at Blaze.

Sa bahay ay pinunasan ko muna sila at pinagpalit ng pambahay . Nagluto na din ako g pagkain pero mga inaantok daw sila kaya matutulog muna sila. Kaya hinayaan ko na lang. Habang natutulog sila ay sinamantala ko ng maglinis bahagya ng bahay at maglinis na din ng katawan.

Sa kadahilanang nararamdaman ko na din naman ang pagod ay tumabi na ako sa mga ito.

Ang bilis ng panahon... Dati karga karga ko pa lamang sila. Pero ngayon ay malalaki na... Unti unti na talaga din nila na kakamukha si Phoenix...

Sana lang wag muna sila maghahanap ng ama... Kasi di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, sa kanila na magaama sila.
Hindi ko din makakaya kung ilalayo sa akin ni Phoenix ang mga anak ko.

Kaya hanggat kaya pa... Kay mama muna kayo.

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now