Chapter 13

546 41 6
                                    

PHOENIX'S POV

I spent 3 days... para lang malocate ang eksaktong lugar na ito. Masyadong liblib ang barrio at wala sa GPS nang sasakyan kaya nagtanong tanong pa ako hanggang mapadpad ako dito.

Tahimik ang lugar, may mga farmers na nasa lupa nila at nagtatanim. Magandang pagtaguan pero tapos na iyon.

Nakapagtanong na ako at pagkatapos lang nang arko ay iyon na ang tinutuluyan ni Chance. Mukha kasing kilalang killaa ito dito sa barrio kahit maliit lang.

Pagkahinto ko sa isang bahay makalagpas lang sa arko ay nakita ko ang isang simpleng bahay. Maraming pananim na gulay at mga hayop. Pero meron ding mga swing na nakakakabit sa mga puno. Tatlo to be exact. Mukhang madaming bata ang nandidito. Pero alam ko wala namang iba pang kamaganak si Chance?

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pumasok ako agad. Wala namang ibang tao para makapagpaalam man ako kung kanino.

Inikot ko muna ang buong labas nang bahay. Madami ding puno na bumubunga nang mga mangga, saging, at mga oranges. Mukhang naging magsasaka ang buhay nang kanyang asawa.

"Ano ho ang kailangan nila?"

CHANCE'S POV

Maaga kaming bumbaa ngayon sa bayan para ibenta ulit ang mga nakuha naming gulay at inaning mga prutas. Since walang ibang tao si Tatay at kami kamilang ay kami lang din ang mga nanguha nito sa puno. Kaya sa loob nang apat na taon ay natutunan ko kung paano maggatas nang kalabaw, baka at kambing. Pagkuha nang mga itlog sa kulungan nang mga manok. Pagakyat nang mga puno, pagtatanim at pagaani. Kahit ganto lang naman ay sana makabawi man lang ako sa kanila sa pagpapatira sa akin at pagtrato na isang tunay na anak at apo sa mga anak ko.

Nasa usual kaming pwesto ngayon sa pamilihan at as usual ang mga anak ko ang tumatawag nang costumer. Para sa mga anak ko gusto day nilang tumulang kay Nanay at Tatay pero para sa iba. Ang tingin nang iba ay pinagtratrabaho ko ang mga ito. Pero kagustuhan to nang mga bata kaya hinahayaan ko na lang sila.

"Mama?" inangat ko ang tingin ko mula sa pagliligpit kasi nakaubos na kami. Si Blake pala. Pinunasan ko muna ang kamay ko at hinaplos ang gwapo bitong mukha.

"Mama gutom na si Aurora." sabi nito at tinuro pa ang kapatid nya sa tabi ko. Tumango naman ito.
"Ako din Mama! Kain tayo sa may malaking bubuyog na pula!" sabi pa ni Blaze habang kinekembot kembot pa ang cute na puwit. Natawa naman ako dahil pati sa kuya nya ay dinidutdot ito sa pagkembot.

Kinuha ko muna ang mga kinita namin ngayong araw at binilang ito. Manghihiram muna ako kila Nanay at Tatay kahit na konti dito.

"O cge, pupunta tayo doon sa bubuyog na pula at doon tayo kakain. Okay ba iyon?" sabi ko at nagpalakpakan naman silang tatlo at nagapir pa.

Tinulungan ako nang mga ito sa pagliligpit at para makaalis na din agad. Medyo papadilim na din kaya naghadali na din ako.

Pagkakita pa lang nila sa Jollibee ay naguunahan na sila pagbaba. Bale yung dalawang lalake lang kasi si Aurora ay nagpapabuhat sa akin. Kaya inilock ko muna yung truck at binuhat na ito.

Pagpasok pa lang ay madami nang pamilya ang nagkakainan. Yung ibang bata pa nga ay naglalaro sa playground.

"Mama! Pwede ba kami doon? Please sandali lang po kami!" sabi ni Blake na tinuturo pa ang playground.
"O cge. Pero balik din kayo agad ha?" sabi ko at tumango naman ang mga ito. Ibaba ko na sana si Aurora para sumama sa mga kapatid nya pero kumapit lang ito sa leeg ko at umiling.

Pinauna ko na yung dalawa doon at umorder na lang ako kasama si Aurora.

Nang naka order na kami ay nagpatulong ako sa isang waiter dahil kalong kalong ko nga si Aurora at umupo na din ako malapit doon sa playground. Nang makita ni Blake at Blaze ang pagkain ay umupo agad sila sa tabi ko.

Minsan lang kasi kami nakakain dito. Bukod sa walang pambili ay sayang nan ang pera kung laging dito mapupunta, nagiipon din naman ako para sa mga bata.

"Blaze, Blake paki ayos po ang pagkain. " sabi ko habang pinupunasan ng tissue ang mga bibig nilang puno nang spaghetti sauce.

"Thank you mama!" sabay nilang sabi at bumalik na sa pagkain.

Binalik ko ang pagsubo kay Aurora na magana namang kumakain naman. Pero pinapanood nya lang ang mga kapatid nyang nagaagawan sa sundae. Hindi ko mapigilang maluha dahil kahit papaano napalaki ko silang mababaut at magagalang na bata. Kahit kapos na kami ay kaya naman. Kaya lang magaaral na sila sa susunod na pasukan. Mukhang kulang pa ang naiipon ko para sa kanilang tatlo.

Nang matapos makakain ay umalis na din kami agad. Nakatulog na nga din yung tatlo dahil sa pagod. Buti na lang linggo bukas. Makakapagpahinga kami.
Ginising ko na yung dalawa at kinarga ko ulit si Aurora. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Blake at hinawakan naman nito ang kamay ni Blaze. Diniretso ko sila agad sa kwarto namin at lumabas na ako para ibigay ang pera kila Nanay at Tatay.

Hinanap ko pa sila at nakitang nagkakape sa alikod nang bahay.

"Nay, tay?" tawag pansin ko sa mga ito. Napalingon naman sila sa akin, ngunit parang ang seryoso ng mga mukha nila.

"Ma...May problema po ba?" sabi ko. Nilapitan ako ni Nanay at kinuha nito ang kamay ko.

Malungkot ang tingin na binibigay nito sa akin.

"Iha... kasi... may dumating dito kanina..." nagaalangan pa si Nanay kung sasabihin pa ba nya ang sasabihin nya. Parehas pa kaming napatingin kay tatay na tumayo na din at lumapit sa amin. Ito na din ang nagsalita.

"May pumunta dito kaninang umaga... Ang sinabi nya.... Sya daw ang iyong asawa."

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now