Chapter 2

875 40 6
                                    

COLLENE'S POV

Kamusta Philippines! My name is Collene De Guzman. 21 years of age. Representing Tondo!

Hahaha ganda di ba? Pang Binibining Pilipinas na ba? De joke.

Ako lang naman ang kaibigan/kapitbahay ng dakilang martyr na nasa hospital bed ngayon. Ba ang lola nyo, hindi nakokontento sa ilang beses na nyang pagbisita sa hospital.

Naku pag andito lang yung Phoenix na yun ako manraratay sa kanya sa Hospital Bed, kung pede lang 6 feet under.

"Hmmm..." napatayo ako ng nakita kong nagumpisa ng gumalaw si Chance. Nilapitan ko ito at umupo ako s atabi nito.

"Co... Collene? A... Anong ginagawa mo dito? Nasaan ba ako?" sabi nito at inaaninaw ang paligid.

"The usual, ede nasa Hospital ka nanaman. Kung di ako pupunta para bumisita para naman masurprise kita. Eh ako papala ang masusurprise sa kalagayan mo." sabi ko dito. Ayaw nitong tumingin sa akin, alam kong nahihiya ito sa akin dahil ako na lang ang laging nakakakita sa kalagayan nyang ganto.

"Salamat ha? Pede na ba akong madischarge?" sabi nito na pilit na tumatayo.

"Friend wag muna hintayin muna natin si Doc Pogi. Naku pag lagi ko yun nakikita parang nahuhulog panty ko hihihi napaka yummy! Hmm..." sabi ko dito.

"Huy, wag ka nga. YUng disenteng tao eh minamanyak mo nanaman." sabi nito sabay kurot sa tagiliran ko.

Tok... Tok...

Sabay kaming napatingin ni Chance samay pinto. Bigla namang nagningning ang aking mata, dahil sa macho, gwapo, matangkad na at matalino na si Doc Pogi! Lumapit na ako dito at inilingkis ang kamay ko sa matipunong braso nito.

"Hi Dr. Martin! Why so gwapo? You're single, I'm single. Why don't we try and be together?" sabi ko dito at hinihimas pa ang braso nito.

"Collene, lumayo ka nga dyan, tuwing nakikita mo si Doc Martin eh nagkakaganyan ka." sabi ni Chance. Tumingin lang ako to at ibinalik na ang tingin kay Doc Martin.

As Usual, nakakapanginig ang titig naman nitong napakalamig.

"Please keep you hands off me. Your contaminated with bacteria. Please properly sterilized your hands before touching me." sabi nito at nabitawan ko na ito as usual, hindi nanaman pinansin ang beauty ko. Dire- diretso itong lumakad papunta sa hinihigaan ni Chance at may kasunod din na nurse ito at kung makatingin ay akala mong girlfriend sya ni Doc Martin my loves ko. Pwee... Etsuserang Froglet.

"Chance, I see we met again."

CHANCE'S POV

"Hi Doc. " pilit kong sabi dahil masakit pa ang gilid ng labi ko.

"Anyway, the usual findings. Meron kang broken ribs in your lower right. Then may fracture ka sa kanang braso mo then bruises on your thigs and stomach which is critically bad as of now." sabi nito. Critical? Ngayon ko lang narinig yun sa tanang pagpunta ko dito.

"Wala ako sa pusisyon para panghimasukan ang nangyayari sayo but, as of now kailangan mong isipin ang ikakabuti ng bata sa sinapupunan mo." sabi nito... Ano? Bata? Sinapupunan? Kanino?

"Sayo?" turo ko kay Collene.

"Gaga, kung pede lang na anakan ako ni Doc Martin eh. I wish!" sabi nito.

Ede ibig sabihin... Akin?

Napatingin ako kay doc Martin para maka hingi ng confirmation. Tumango lang ito.

"Ka... Kamusta po yung baby?" napahawak na lang ako sa impis kong tiyan sana andito pa.

"Mabuti na lang ay malakas ang kapit nung bata. Pero sa sobrang stress mo at kung sa kaling may mangayayari nanamang ganto, wag sana. Malaki na ang chance na malaglag ang bata." kinilabutan ako sa sinabi nito. Hindi maaari, hindi pwedeng mawala sa akin ang bata.

"Sa ngayon, bibigyan muna kita ng mga gamot for the bruises and pain killers. Don't worry safe din ito for the baby. May irerefer din akong OB sayo na mas alam ang kondisyon mo." sabi nito at tanging pagtango na lang ang nasabi ko dito.

"Sige, you need to have a complete 3 day bed rest para naman gumaling agad ang mga sugat mo at yang fracture mo ay mga 2 weeks bago natin tatanggalin ang pagkakabandage nya. But pede ka nang madischarge." sabi nito.

"Huy friend ha sabi Ni Doc bed rest. 3 days. Ibig sabihin di ka muna makakapasok sa school and bawala gumawa ng gawaing bahay." sabi nito.

"I have to go. May rounds pa ako. I guess this is not the good bye eh?" sabi ni Doc Martin." napangiwi ako dito dahil alam kong suki nya ako sa lugar na ito.

"Bye Doc Martin! Date tayo next time na andito ulit kami! Iloveyou!" nagflying kiss pa ang lola mo bago tuluyang makalabas sa kwarto na ito si Doc Martin.

Napailing na lang ako sa pinaggagawa ni Collene at tumabi na ito sa akin.

" Oh narinig mo yun ha? Kaya kung ako sayo kung gusto mo pa makita yang anak mo. Iiwan ko na yang mistisong hilaw mong asawa na ang tingin sayo ay katulong." masakit man ang sinabi nito di ko ikakailang tama sya.

"Alam mo namang kailangan at sya lang ang natitira kong pamilya. Tingin mo san ako pupulutin kung umalis ako sa puder nya? Asa lansangan pa din kung sa kali." sabi ko dito. Nakuwento ko na sa kanya ang nakaraan ko at alam nya kung saan ko hinuhugot ang sinasabi ko ngayon.

"Oo nga chance. Alam kong blessing ang pagdating ni Phoenix sa buhay mo. Dati. Iba na ang nangyayari sayo ngayon. Mas malala pa compared dati." sabi nito.

"Mahal ko sya eh." tanging naisagot ko kay Collene.

Napailing na lang ito.

"Alam mo kung di lang kita kaibigan sinabunutan na kita. Mahal ka dyan? Pagpapakatanga yan! Gising gising din friend! Hindi na lang kapakanan mo ang kailangan Mong isipin ngayon. May isa nang buhay ang umaasa at nakadepende sayo ngayon." tama ang sinabi nito. May anak na ako, kami. Kaya kailangan ko itong maprotektahan.

Pero paano?

Paguwi ko after kong maidischarge binili muna namin ni Collene yung gamot ko atsaka kami umuwi. Kahahatid nya lang sa akin.

Pagpasok ko pa lang ng gate, nakita kong andyan na ang sasakyan nya. Patay.

Dahan dahan akong pumasok sa loob na dinadasal na sana ay hindi nya ako makita at baka mapagbuntunan nanaman nya ako ng frustrations nya.

"Pucha naman oh! Bakit wala ng kwenta ang mga palabas ngayon?! Magsarado na nga kayo!" sabi nito at naibato ang remote at muntik pang tumama sa TV.

Dahul sa gulat napaatras ako at may nasagi akong maliit na figurine.

Patay.

"Babae ka! Bakit ngayon ka lang?! Alam mo ba kung anong oras na?!" sabi nito at nakatayo na at nagumpisang maglakad patungo sa direksyon ko.
"Pa... Pasencya na Phoe... Phoenix." mas lalo akong napapaatras pero dead end. Aparador na ito.

Itinaas nito ang kamay nya at akala ko ay sasampalin nya nanaman ako kaya napapikit ako.

Pero ang naramdaman ko ay hinahawakan na nito ang aking mukha.

"Kanina pa ako bagot dito." mas lalo itong lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga.


"Entertain me."









You Change Me  (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon