Chapter 14

577 40 5
                                    

CHANCE'S POV

Malamig na ang gabi at malamang tulog na ang lahat. Pero kaming tatlo nila Nanay at Tatay ay gising na gising pa. Matapos nilang sabihin sa akin iyon ay parang bigla na lang ako nang hina.

"Heto ang kape... Magpainit ka muna at baka lamigin ka. " inabot sa akin ni Nanay ang kape at hinigop ko din ito agad.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo?" sabi ni Nanay. Hinawakan pa nito ang kamay ko.

"Oo nga iha... ang tagal ka pang hinintay nung binata para makausap ka. Pero sa huli ay umalis din dahil buong araw na syang naririto. " sabi naman ni Tatay.

Nag aalangan pa ako pero kailangan din naman nilang malaman ang totoo.

"Nay... Tay..." panimula ko. Nakatutok lang naman sila sa aking sasabihin.

"Ang totoo po niyan... umalis po ako sa poder nya apat na taon na pong nakakaraan." sabi ko.

"Bakit mo naman sya iniwan? Mukha namang mabait sya." sabi ni Nanay.

Medyo mapait akong natawa. Mabait? San banda?

"Nay hindi sya mabait! Hindi nyo alam ang dinanas ko sa kamay nya dahil lang sa isang pagkakamali. Hindi ko pa nga alam kung isang araw ba ay gigising pa ba ako? O makikita pa ba nang bata sa sinapupunan ko ang mundong ginagalawan ko dahil sa kanya!" hindi ko napigil ang aking mga luba sa mapait na alaala na dala ni Phoenix at nakatatak na sa isip ko.

"Hi... hindi namin maintindihan nang Tatay mo Chance! Ano bang nagyari sa inyo?" tanong pa ni Nanay.

Pinahid ko ang mga luha ko at umupo ulit sa harap nito.

"Nay... Sinaktan nya ako! Binubugbog nya ako Nay! Kaya wala akong choice noon na umalis sa kanya kasi kinulong nya ako nang tatlong linggo sa isang kwarto. Ni walang pagkain o inumin. Nay... kahit mahal ko sya... Muntik na mawala ang mga bata sa akin Nay... Muntik na. Kaya napagpasyahan ko nang umalis nasa dati ko pa nagawa. Tinulungan ako nang ate nyang magpakalayo layo. Hanggang sa dito ako napadpad." nakita kong napapaiyak na din si Nanay at dinaluhan naman sya ni Tatay.

"Kaya Nay... kahit san banda ko tignan ang lalaking iyon. Wala na ang bait na sinasabi nyo... Masama syang tao!" tuluyan na akong naupo sa sahig at dinaluhan naman ako ni Nanay.

"Shh....tahan na iha... Naiintindihan namin..." hinahagod pa nito ang aking buhok.

"Kaya Nay... Tay... please... paalisin nyo sya dito... Hi... Hindi nya pedeng malaman ang tungkol sa mga bata." sabi ko sa mga ito.

"Hindi nya alam na buntis ka nung umalis ka noon?" tumango namna ako sa taning ni Tatay.

"Opo... nawalan po akong pagkakataon na masabi sa kanya. Kasi lagi na lang sya umuuwing lasing or wala sa bahay... Pagka naman po nasa bahay sya... Nananakit po sya.... Natakot din naman oo ako para sa baby ko. Huling beses na yung nilock nya ako sa kwarto. Pagkatapos po noon ay nagpatulong ako sa ate nya na makaalis." tumango tango naman si Tatay habang si Nanay ay naluluha pa din. Hindi ito tumitigil sa pagiyak.

"A... ano na lang ang sa... sabihin nang mga magulang mo. Iniwan ka sa akin... pero hindi ko nagawang protektahan ka dahil sa layo natin sa isa't isa... Patawarin sana ako nang iyong mga magulang." sabi ni Nanay. Pinunasan ko naman ang luha nito at umiiling.

"Matutuwa po sila mama na alam na inaalagaan nyo na ako. Kasama ng mga apo nyang makukulit." kahit papaano ay napatawa ko kahit bahagya si Nanay.

"Wag kang magalala iha... Kahit anong mangyari ay hindi ka namin ulit hahayaansa lalaking iyon, proprotektahan ka namin nang tatay mo." sabi ni Nanay.

"Iuupog ko sya sa muscles ko makita mo. Kaya wag kang magalala iha... Kami nang nanay mo na ang bahala." pinakita pa ni Tatay ang muscles 'daw' nya. Natawa naman si Nanay at hinila ako para magyakapan kaming tatlo.

Namiss ko na sila Mama... Siguro ganito din ang pakiramdam pagka andidito sila.

Maaga pa lang ay gising na ako. Kahit alam kong proprotektahan ako nila Nanay at Tatay. Maraming pwedeng gawin ang isang iyon na baka ikapahamak pa lang nila Nanay at Tatay. Baka kung ano pa mangyari sa kanila.

"Chance iha? Ang aga mo namang magising?" si Tatay pala. Nakabihis na ito dahil maaga talaga itong umaalis papunta sa taniman.

"Ah medyo hindi po ako nakatulog eh. Kayo tay alis na po kayo?" sabi ko dito. Kinuha nito ang sombrero na nakasabit sa likod nang pinto.

"Oo... paggising nang Nanay mo. Smunod na kayo doon ha? Magaani tayong kamatis at mais ngayon." sabi nito at kinuha na nag kalabaw nya.
"Cge po tay. Ingat po kayo." sabi ko.

Naglinis muna akong bahay at nagluto na ng agahan dahil mayamaya lang ay gising na yu g tatlo at magkakalat na agad.

"Nasan na ang tatay mo?" tanong ni Nanay na bagong paligo pa.
"Nauna na nay. Pgadalhan na lang natin ng agahan at hindi pa iyon nagaalmusal. Magaani po kasi ngayon nang mais at kamatis sa taniman. " tumango tango naman ito.

"O cge. Mgahanda ka na at ako nang bahala dito. Gisingin mo na din yung tatlo at alam mo namng gusto nilang mamitas nang pananim. " ibinaba ko na ang basahan at nagtungo sa kwarto.

Nadatnan kong ganon pa rin ang pwesto nang tatlo. Nasa gitna si Aurora at nakayakap naman sa kanya sina Blake at Blaze.

Hindi ko muna sila gagambalain at maliligo muna ako.

Pagkatapos kong malig ay nagsuot agad akong long sleeves na kamiseta para hindi naman ako mangitim mamaya.

"Mama?" nakita ko si Blaze na bagong gising at naguunat pa. Sumunod si Blake at Aurora na mga naghihikab.

"Good Morning mga babies ko." isa isa ko silang pinaghahalikan sa noo at bahgyang kiniliti.

"Mama stop!" pigil sa kamay ko ni Blake. Bungisngis lang ang sagot naman ni Aurora.
"Wash na kayo at nang makakain na. Tutulungan pa natin si Tatay Lolo sa pagpitas diba?" sabi ko at tumango naman silang lahat. Bumaba na yung dalawa sa kama at nagtungo sa banyo. Habang nagpapabuhat naman si Aurora. Binuhat ko naman na nga ito at tinungo na din ang banyo.

Nadatnan kong nagtotoothbrush ang dalawa. Kaya inupo ko sa lababo si Aurora at kinuha ang toothbrush nito at inabot sa kanya. Kumuha na din akong bimpo at isa isa silang pinunasan at binihisan para hindi sila masyadong bilad sa araw.

Natanaw na namin si tatay na nagaani nang mais kaya yung tatlo ay nagtakbuhan na palapit sa kanilang Tatay Lolo. Dali dali nilang tinulungan si tatay habang kami ni Nanay ay pumunta sa isang maliit na kubo at inilapag ang basket na dala dala namin.

"Tay... kain muna po kayo at kami na po diyan!" lapit ko dito. Tinanggal muna nito ang kanyang sombrero at nagpaypay.

"O cge... kayo munang bahala ha? Gutom na din ako." tsaka ito nagalakad palapit sa kubo ni Nanay. Kaming apat naman ay kahit nagkikulitan ay nagpipitas pa din kami kahit papaano.

Makapananghali ay bumalik muna ako sa bahay kasi nakalimutan naming kumuha nang mga baso. Hindi ko na din pinasama yung tatlo at gutom na gutom na sila.

"Asan na ba iyin... eto." kinuha ko na yung mga plastic cups at kinandado ko na ang bahay. Maglalakad na sana ako pabalik sa kubo.


"Chance..."

Alam ko ang boses na iyon... Sa apat na taon na iyon kahit minsan hindi ko ginustong madinig ulit ang boses na iyon...

"Phoenix..."

You Change Me  (#Wattys2016)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora