Chapter 1

1.6K 42 5
                                    

Chance's POV

"Knock, knock! " sabi ko sa mga kasamahan ko sa department.
"Ano nanaman yan? Susko magtigil ka na nga at may exams tayo maya maya. " sabi ng friend kong si Denise. "Eto naman! Pampa goodvibes to ngayon! Bili na! " pilit ko dito. Itinigil naman nito ang pagrereview at hinarap na ako.
"Fine, pero siguraduhin mong last mo na yan ha? Who's there? " sagot nito sa akin.
"Fine, Phone na Nokia. "
"Phone na Nokia who? " pilit na sagot nito.
"Ehem... Phone na Nokia, di sinasadya. Di kayang magtapat ang puso ko! Hahaha" todo birit pa ako ha?
"Shhhh..." saway sa amin nung mga tao sa library.
"Sorry... Sorry... " paghingi namin ng paumanhin ni Denise sa library. Pagkatalikod nila napatawa na lang ako.
"Kalokohan mo talagang babae ka. Magaral ka na nga lang. Porke matalino ka eh puro ka kalokohan. Hala sige wag mo na akong kakausapin. " sabi ni Denise.

Napangiti na lang ako. Ang sweet ko sa best friend ko no? Graduating na kasi kaming dalawa and nagdedelikado ang lola mo. Kaya todo kayod sa pagaaral.

Bumalik na din ako sa pagrereview ko. Running for Cumlaude ako ngayon, para naman pag graduate ko sa business management. Madaming opportunities ang pepede sa akin.

Almost two hours din kami sa library. Nang napagpasyahan naming umalis na para sa next class namin.

Ngunit sa pagtayo, hindi sinasadyang nasagi ni Denise ang braso ko.
"Aaaaah... " sabi ko ng mahina, dahil sa sakit.
"Oi OA naman nere, hindi naman ganon kasakit ang pagkakasiko ko sayo. " sabi nito. Umiling na lang ako at nginitian at tumawa na lang ako dito.
"Ha... Ha... Syem... Syempre joke lang yun. Tara na. " sabi ko at lumabas na kami sa library.

After namin mag exam, nauna na akong umuwi dahil kailangan ko ng maghadali, bago ito makauwi.

Nagdahilan na lang din ako kay Denise nang magyaya ito na kumain sa labas.

Dalidali akong sumakay ng taxi para mabilis akong makauuwi.

DIAMOND VILLAGE

Nang nakita ko na kung saan ako nakatira nagpababa na lang ako sa labas ng gate.

"Good Afternoon po Mam Chance. " bati sa akin ni Mang Bert. Ang security guard sa village.
"Andyan na po ba? " tanong ko dito.
"Buti nga at wala pa. Hala bilian mo at baka abutan ka pa noon dito. Malapit na ding umulan. " sabi nito at tinignan ko nga ang mga ulap. Oo nga konting konti na lang ay uulan na.
"Cge po manong, mauuna na po ako ha? " kinawayan ko na lang ito at nagtatakbo. Ayaw ko nang abutan pa ng ulan.

Medyo may kalayuan din ang bahay namin. Yun kasi ang pinili nya. Wala din masyadong tao, malalayo din ang mga kapitbahay.

Nang natatanaw ko na ang bahay namin after mga 15 minutes akong naglalakad. Bigla namang bumuhos ang ulan. Kaya mas binilisan ko pa ang takbo dahil basa na ako.

Pagtapat ko sa bahay namin, kinuha ko yung susi sa ilalim ng paso at binuksan na ang bahay.

Pagpasok ko ay madilim, ibig sabihin ay wala pa sya.

Dali dali kong hinubad ang aking damit at nagpalit. Hindi na ako nagabala pang maligo dahil kailangan ko ng magluto ng dinner nya.

Habang nakasalang ang niluluto ay nagwalis ako ng buong bahay at naglampaso, pinunasan ko na din yung mga ibabaw ibabaw para wala itong makitang ni isang kalat. May pagka OCD kasi iyon eh.

'Achoo!' hala mukhang magkakasakit pa ata ako.

Ding Dong...

Inalis ko na sa aking isipan na baka magka sakit pa ako at lumabas ng bahay para pag buksan ng gate si Phoenix.

"Anu ba?! Bakit ang bagal bagal mo naman?! Kanina pa ako nandito! Buksan mo na yung gate!" sigaw nito sa akin. Kaya kahit walang payong payong eh lumapit ako sa gate at pinagbuksan sya.

Makalipas nyang ipark ang sasakyan nito ay ako naman ay isinara agad ang pintuan.

Then papasok na ako agad dahil basa nanaman ako ng bigla ako nitong hinila. Kasabay noon ang paghigit nito sa braso ko.

"Ano?! Lalabas ka ng bahay na ganyan lang ang suot suot mo?! Paano.pag may nakakita sayo ha? Madadamay pa ang apelido ko dahil sa kalandian mo!" sabi nito at tsaka lang ako binitawan at nauna ng pumasok.

Tinignan ko ang suot ko, maayos naman ito. Tshirt at short. Atsaka wala namang makakakita dahil ang lalayo ng mga kapitbahay namin.

Nahwakan ko na lang ang pinisil nito at nakitang may namumuong pasa na doon... Oo nga pala meron pa ako ngayon.

Napailing na lang ako at pumasok. Yung niluluto ko doon.

Nakapaghain na ako ng pagkain nito at nakapagpalit na din ako ulit ng dami. Nilabhan ko na din agad para wala na akong labahin pagdating ng Biyernes.

Nakita kong bumaba na si Phoenix at mukhan bagong ligo ito. Buti pa sya. Nakapagbihis na din ito ng pambahay nya.

"Ano tinitignan tignan mo?! Umalis ka nga at baka mawalan pa ako ng gana sayo!" sabi nito. Ako naman ay naghadaling umalis at pumunta na lang sa kwarto ko.

Nagpainit ako agad ng tubig sa banyo para naman hindi ako magkasakit pero I bet mayroon na ako.

"CHANCE!" napahinto ako ng narinig ko ang pamilyar na boses ni Phoenix at ang tono nyang alam na alam ko.

Iniwan ko ang ginagawa ko sa kwarto at pinuntahan ito sa kusina.

Pagdating ko doon ay nakapamewang na ito at nakakunot ang mga noo.

"Ba... Bakit Phoenix?" kinakabahan kong tanong dito.

Pak...

Napahawak ako sa pisngi ko na ngayon ay nagiinit dahil sa sakit ng sampal nito sa akin.

Nakita ko pang mas lalo itong lumapit sa akin at sinabutan ang buhok ko.

"Ahhh! Ma... Masakit Phoenix! Please bitawan mo ako!" sabi ko dito pero mas hinigpitan pa nito ang pagkaka sabunot.

"Ano ba naman to Chance! Nagtratrabaho ako at pagod ako tapos magluluto ka na nga lang eh yung lasang basura pa?! Sabihin mo nga san mo dinadala ang pera na binibili ko para sa pagkain natin! At nagaaral ka pa ng culinary ng lagay na yan ha!" sigaw nito sa akin at pinipiga na nito ang may pasang braso ko.

"Ple... Please bitawan mo ako. So... Sorry na Phoenix." napaiyak na lang ako dahil sa sakit ng ginagawa nya.
"Walang kwenta! Mabuti pa ang aso may pakinabang pa sa akin. Eh ikaw?! Basura!" sabi nito at binitawan ako pero bago ako makaalis ay natadyakan ako nito.

Iyak lang ako ng iyak dahil sa sakit ng aking katawan.

Hindi ko naman alam kay Phoenix kung bakit sya nagkaganito.

Ok namana ng pakikitungo nya sa akin ngunit ng ikinasal kami saka sya nagkaganito.

Tatayo na sana ako para ayusin ang kalat na ginawa nito ng bigla akong nahilo at napakapit na lang sa upuan.

Eto na ba?

Kung mamatay na ba ako matatapos na ang ginagawa nya sa aking pagpapahirap.

Kahit naman mahal ko sya, may hanganan pa din ang aking makakayang ibigay na pagmamahal sa kanya.

You Change Me  (#Wattys2016)Where stories live. Discover now