INVISIBLE 2: (ALEX)

Start from the beginning
                                    

Tuwang tuwa niya iyong kinuha sa akin. "Salamat, Lex. Galing! Kahit na nakaraming token ka."

 Ang gandang pakinggang tinatawag niya akon Lex, parang sobrang close na namin sa isa’t-isa.

Sumimangot ako kunwari para hindi niya mapansin ang kakaibang tingin ko sa kanya. "Pinagtawanan pa ako. Para sa 'yo kaya pinilit kong kunin 'yan."

Tumawa siya ng mahina. "Sorry!” nakangiti niyang paghingi ng tawad. “Oy, Bii!" sabi niya pa ng makita sila Bea na papalapit sa amin. 

"Ang ganda naman niyan,” narinig kong mahinang sabi ni Bea.

Tiningnan ko naman si Dave. "Oy, Dave, gusto daw ni Bea nang stuff toy."

Mayabang na ngumiti si Dave. "Sure. ‘Yan lang pala eh. Chicken!" Pampalakas sa kanyang nililigawan.

Ang yabang talaga kapag nasa harap si Bea.

Nakaisip ako ng magandang pang motivate kay Dave. "Kapag hindi mo nakuha ‘yan within five token, libre mo kami ni Son.”

“So, pag nakuha ko siya within five token. Kami naman libre mo ni Bea tapos sagot mo pa ang gasolina ng kotse ko," panghahamon naman  ni Dave.

"Sure!" lakas loob na sang-ayon ko dahil alam ko na ang kakalabasan.

Makalipas ang ilang minuto o oras? Hindi ko na namalayan.

Tumawa ako ng malakas nang palabas na kami ng Quantum. "Chicken pala ha!" pagpaparinig ko kay Dave. 

Napapakamot naman sa ulo si Dave dahil sa pagkapahiya. "Ang hirap pala no’n." 

Tumawa na naman ako. "Oh... paano ba ‘yan libre mo kami. Son, ikaw pumili kung saan tayo kakain."

 "Tamang-tama nagugutom na ako,“ sabi ni Son. “Gusto ko ng sundae and fries ng Mcdo. Gusto ko rin ng pizza sa Pizza Hut."

Natawa ako dahil sa dami ng gusto niyang kainin. "Ubos pala pera mo kay Son, Dave,” birong totoo ko.

 "Woy, Alex! Grabe ka naman!” sabi pa naman ni Son nang may kasamang paghampas sa braso ko.

 "Bea, 'kaw, ano'ng gusto mo?" tanong naman ni Dave kay Bea.

 "Kayo nang bahala," sagot lang ni Bea. Nahihiya pa rin siguro siya kay Dave kaya nakikisunod lang siya.

"Bili na tayo tapos sa foudcourt tayo kumain," suggest ko at baka magutom pa ang Son ko.

Pumunta na muna kami sa McDonalds para umorder na ng sundae and fries para kay Son ko. Natatawa ako, Son ko talaga kahit hindi pa naman siya sa akin.

"Two sundae sa akin, ha? At saka large fries,” sabi pa ni Son na parang batang nagyon lang kakain sa McDo.

"Ang takaw mo, Son,"  hindi ko mapigilang komento sa kanya. Biruin mo naman ang dalawang sundae at large fries.

"Shut up, Lex," nakasimangot niyang supapal.

Umorder na kaming dalawa ni Dave at nang matapos ay nagyaya sa Pizza Hut si Dave para sa pizza ulit ni Son. After no’n ay dumiretso na kami sa foodcourt para kumain na.

"Wow! Nagugutom na talaga ako!" bulalas pa n Son nang makita niya ang mga binili namin.

"Ang dami mo kayang pina-order," sagot naman ni Bea.

Sumimangot siya. "Bakit kasi sa ’kin kayo nagtanong?”

Kumain na siya at kami ay nakatingin lang sa kanya. Hindi halata sa katawan niya na malakas siyang kumain. 

"Malay ko bang ganyan ka palang kumain," hindi ko napigilang sabihin.

Inirapan lang ako ni Son at pinagpatuloy ang pagkain.

Tiningnan lang niya ako ng masama.

"Kain ka na lang d’yan, Alex. ‘Wag mo ng abalahin sa pagkain si Allison. Baka 'di ka niyan kausapin kahit kelan," mahinang sabi ni Bea.

"Ganyan ba talaga ‘yan kapag kumakain?" curious na tanong ko para alam ko na sa susunod. "Mataray?"

"Oo kaya 'wag ka ng maingay d'yan,” nakangiting sabi ni Bea habang nakatingin kay Son na parang walang kasama kung kumain.

"Okay, okay, magbebehave na po,” nakangiti kong sabi.

Nagkanya kanya na kaming kuha ng pagkain dahil nakakainggit tingnan si Son.

"Woah! Sarap!" mahinang sabi ni Son ng matapos na siyang kumain. Tumingin siya sa amin at nagtaka. "Bakit?"

 "Kanina pa kasi kami tapos kumain," sabi ko at pinunasan ko ang sundae na kumalat sa gilid ng labi niya. “Ang tagal mong kumain.” 

Napangiti siya sa ginawa ko. “Thank you.”

"Ang sweet naman ni kuya."

"Ampogi naman nung nagpupunas kay ate."

"What a sweet couple."

 Napangiti naman ako sa mga naririnig kong malakas na bulungan ng mga kababaihang malapit lang sa amin.

"Bii, sino ang mga tinutukoy nila?" tanong ni Son kay Bea at may hinanap sa paligid.

Napataas ang kilay ni Bea. “Hindi mo talaga alam?” 

 Hindi naman namin maiwasan ni Dave na mapatawa dahil sa sobrang pagka-slow ni Son. No’ng araw na ‘yon ko na confirm ang pagiging slow niya.

"Woy! Anong nakakatawa?" nakasimangot na tanong ni Son sa aming dalawa ni Dave.

“Ang slow mo pala, Son,” natatawa kong sabi.

“Ano ba kasi ‘yon?” pangungulit niya.

Natawa na ng malakas si Dave.

"Wah! Bakit kayo tumatawa?" clueless pa ring tanong ni Son.

Natawa na rin ako. “Wala---wala!”

“Hoy, Bii!” pangungulit pa rin niya.

 “Ikaw kasi ‘yong tinutukoy ng mga babae. Kayong dalawa ni Alex,” paliwanag naman ni Bea.

 “Hindi naman kami couple,” naguguluhan pa rin niyang sabi.

“Para kasi kayong couple,” nakangiting sabi ni Bea at tumingin sa akin. Napansin na pala niya ang kakaiba kong tingin at trato kay Son.

“Paanong para?” tanong na naman ni Son.

“N’o’ng pinunasan ni Alex ang sundae sa gilid ng labi mo,” walang kapagurang paliwanang ni Bea.

"Iyon lang? Bakit couple lang ba gumagawa ng gano’n?"

Sh¡t! Hindi pa rin niya maintindihan! Natatawa na ako. Kung alam mo lang, Son.

"Hindi naman," sagot pa ni Bea. Bilib na ako kay Bea dahil hindi siya napapagod mag-explain.

 "Tara. Nuod tayo movie," singit na lang ni Dave nang mapansin na walang patutunguhan ang usapan ng dalawang magkaibigan.

 "Sige! Sige!" hyper na namang pagsang-ayon ni Son.

 "Ano namang papanuorin natin?" tanong ko. Hindi ako updated sa mga movies.

 "Kahit ano, may gusto ba kayong panuorin?" tanong pa ni Dave habang nakatingin kay Bea.

"Kayo ng bahala," sabi ni Bea at ngumiti ng tipid.

Akala ko simula na iyon naming dalawa pero hindi pala. I am just her friend trying to reach her. Pero paano ko siya maabot kung siya mismo ay may taong inaabot?

Paano ba maging visible sa taong may tinitingnan nang iba?

Paano ba maging visible sa isang taong walang ibang nakikita kung hindi ang taong siya rin ang tinitingnan?

---

mensahe ni michiimichie

flashback po ampeg. Nagkukwento si ALex. Para hindi kayo malito especially for those who haven't read the Mr. Don't-know-the-name series.. A really fast flashback ang gagawin ko. Thank you!

InvisibleWhere stories live. Discover now