"Ah... You were asking kung paano kami nagkakilala ni Allain." Sabi niya na tila ba may naalala talaga sa sinabi ko. Mukhang alam naman niya talaga na iyon nga ang tinanong ko.

"My father worked for his dad." I can't just stay quiet. Yup, I'm irritated but I can't let an information slipped away just like that.

"Ah... bodyguard din?" Nakita ko ang pagngisi niya. He looked at me through the front mirror with a playful smile. Di ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin.

Tumango siya. "I was 12 and Allain's 10 when we knew each other." Oh...I see. Tumango-tango at masayang-masaya ako dahil unti-unti ko nang nalalaman ang ilang impormasyon tungkol kay Allain.

"Paano mo nakilala si Amari?" Okay Cline. Inhale, Exhale. Be prepared for another information.

"You don't know?" Para bang isang pagkakamali na hindi ko alam ang ganoong impormasyon. Umiling ako tsaka ngumuso. "Laging nagpapasama sa akin si Allain para makita si Amari." Okay...okay...I need to absorb this information.

"Ibigsabihin mas close si Allain at Amari...kaysa." My voice broke. Napahawak ako sa dibdib ko, not minding if Ford's looking."kaysa..." Sa amin. Akala ko sobrang clingy ko na kay Allain, pero mukhang mas clingy pa siya kay Amari.

"Ano pang gusto mong malaman?" Aniya mula sa isang seryosong tono ng boses. May mas matindi pa bang information doon.

"Ilang taon na ba silang magkakilala?" Gusto kong magtakip ng mukha at tainga. Parang hindi ko ata kakayanin na marinig ang sagot ni Ford.

"Hindi ko alam. Pero ang kwento sa akin ni Allain ay 3 years old pa lang siya gusto na niya si Amari." Three years old? That's...that's...ako nga 12 years old nung ma-realize kong mahal ko si Allain, tapos ang future husband ko, gusto na si Amari three years old pa lang siya...

Parang sumikip ang dibdib ko. My breathing became uneven. I shouldn't have asked for more information. May mga bagay talagang kahit gaano ka ka-curious ay dapat isinasantabi mo na lang. To save yourself from hurting. But we humans tend to look for more, ask for more...minsan ay hindi tayo makuntento. Just like me...I got a piece of information and I'm not yet contented so I asked for more...kaya heto, parang may paunti-unting tumutusok sa puso ko. Funny it is how I describe what I felt right now...ramdam kasi talaga...ramdam na ramdam kong mukhang walang pag-asa.

"C-can you please not follow me here. Inside our school." Sabi ko, ramdam pa rin ang sakit mula sa mga nalaman ko.

"I don't follow you inside this school." Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Tuwing papasok lang kita sinusundan, tsaka kapag uwian na." He added just enough to convince me.

"Eh saan ka pupunta pagkatapos?" Of course, he'll visit Allain today after this.

"May klase ako at 10 AM." Namilog ang mga mata ko. He still goes to school? College perhaps. "Cute." He chuckled. Cute daw? Anong cute? Luminga-linga ako sa paligid. May nakikita ba siyang hindi ko naman nakikita?

"College?" Here we go again...me being so curious. Tumango siya. I saw a ghost of smile on his face. "Anong course mo?"

"You're gonna be late." Tsaka siya tumingin sa relo niya. I don't mind when I'm really this curious. Lumabas siya ng sasakyan at tsaka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Lumabas din naman ako tsaka tumingin sa kanya. He's towering over me. Ang tangkad pala talaga niya pero mas matangkad sa kanya si Allain.

"Ano ngang course mo? Tsaka saan ka nag-aaral?" Akala niya siguro ay nakalimutan ko na. Pinagtitinginan na kami ng ibang senior high school at college students. Yup, my school is for high school, senior high school and college students. That's why.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now