38: His Story - Part I

1.2K 30 1
                                    

Chapter 38

Nilagyan muna ko ni dad ng blindfold bago ko naramdaman na binuhat nya ko at dinala sa kung saan. Tumigil na rin naman ang mga luha ko. Siguro nga tanggap ko na rin na.. Hanggang ngayong gabi na lang ang buhay ko.

Naramdaman ko na lang na marahan nya kong inupo sa sahig bago nya tinanggal yung piring ko.

Teka~ nasan ako?

Bat ang dilim dito? Wala akong makitang kahit ano.

"D-dad?"

Then biglang may bumukas na spotlight mula sa taas. Pero hindi yon sakin nakatutok. Sinundan ko na lang ng tingin yung iniilawan noon at nagulat ako ng makakita ng isa na namang human doll na nakatayo ilang dipa mula sakin.

At ang nakakagulat pa, sya yung..

"Sweetheart.. Meet your mom.." Sabi pa ni daddy na hindi ko alam kung nasaan.

"Anna Maria.." Mahinang sambit ko na lang habang hindi inaalis ang tingin sa human doll na tanging nakikita ko.

Kung totoo man sya.. Sobrang ganda nya. Gusto ko sana syang lapitan at mahawakan man lang pero paano ko naman magagawa yun kung nakatali ako?

Sya ang tunay na ina nina Ronan at Conan. Hindi ko maisip kung anong pwedeng maging reaksyon nila pag nakita nila ito. At pag nalaman nilang tatay pala nila ang may pakana ng lahat ng to.

"..Problema to ng pamilya ko at nadadamay ka lang." Kaya pala yun ang sinabi sakin ni Ronan. Alam na nya ang mga nangyayari tho hindi pa rin sya sigurado kung sino ang totoong mastermind.

"Now let me tell you a story.. The whole story baby.." Biglang sabi pa ulit ni dad kaya tumahimik na lang ako.

"Eizen gising! Eizen! Gumising ka please! Eizen wag mo kong iwan! Eizen!"

"Eizen!!!"

Napabalikwas na lang ng bangon si Eizen ng mapanaginipan nyang tinatawag sya ni Anna Maria na umiiyak.

"Annia!" Hinihingal pa sya at pinagpapawisan.

"O? Buti naman at nagising ka na!" Nakangiting sabi ng isang babae na pumasok ng silid na may dalang tray ng pagkain.

Napakunot lang ang noo ni Eizen sa babaeng di kilala bago sya napatingin sa kwartong kinaroroonan nya. Maayos at halatang pambabae ang disenyo niyon. Pero hindi kalakihan na gaya ng kwarto nya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Ang haba rin ng itinulog mo a." Sabi pa ng babae habang inaayos ang dala nyang pagkain sa bedside table na nasa tapat ng bintana. "Ako ngapala si Arra.."

"Ilang araw ba kong tulog?" Natanong na lang ni Eizen habang bumabangon.

"Mga limang araw din.. Ipapadala na nga sana kita sa hospital e.. Kaso wala pa yung bangkang bumabyahe papunta doon." sabay tingin pa ng babae kay Eizen. "O kumain ka na muna para mabawi mo yung lakas mo."

Tumango naman si Eizen bago kumuha na rin ng pagkain dahil gutom na gutom na rin talaga sya at sa kama na lang sya umupo. Nanatili namang nakatayo sa may gilid ng bedside table si Arra at pinapanood lang ang binatang kumain.

"Ano ngapalang pangalan mo? At tagasaan ka ba? May mga kamag-anak ka pa ba? Gusto mo tawagan ko na sila para masundo ka?" saglit namang napahinto si Eizen at napatitig na lang sa maamong mukha ng dalagang palaging nakangiti. Isa lang ang naiisip nya, si Anna Maria.

Isang linggo pang nanatili sa islang yon si Eizen dahil mahirap bumyahe at palaging walang bangkang dumarating na maghahatid sa kanya pabalik ng Main City. Natuto tuloy syang pakisamahan na lang ang mga taga roon at si Arra at ang lola nito na kumukupkop sa kanya.

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now