27: Protect

1.3K 36 0
                                    

Chapter 27

"What did he tells you? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Conan habang nasa byahe na kami pabalik ng unit ni Ronan na tinutuluyan ko.

"A wala naman. Hindi lang talaga maabsorb ng utak ko yung mga nangyari. Para kasing.. Ang hirap paniwalaan na kayang gawin yon ni Fear." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Sa daan naman sya nakafocus kaya napatitig na lang ako sa kanya.

Ayokong maniwala sa mga sinabi sakin ni Fear. Pero kung iisipin kong mabuti, nagpapakita sakin yung mga multo sa tuwing lumalapit o kinakausap ko si Conan. Posible nga kaya yung sinasabi nya o.. Baka galit lang talaga sya kay Conan kaya nya sinabi yon? At si Ayesha.. Kaya ba ganon na lang sya kung makatingin sakin kasi.. Sya yung unang babaeng minahal ng boyfriend ko? Sino bang paniniwalaan ko sa kanila?

"Conan.."

"Mm?" Tumingin pa sya sakin saglit bago ulit sa karsada.

"Babalik ka na rin ngayon sa Eder Ville di ba?"

"Mm. Ang dami ko pa kasing kailangang asikasuhin sa presinto. Medyo natambakan kasi ko ng trabaho. Pero wag kang mag-alala, pupuntahan ulit kita bukas. Magfifile na lang ulit ako ng leave."

Napailing naman ako doon. "Hindi na, ano ka ba? Okay na naman ako dito. Tapusin mo na lang muna yung mga trabaho mo."

"Pero Shana.. Pano kung balikan ka na naman ni Sean? Busy rin ngayon sa intel si Ronan kaya wala kang makakasama."

"Conan.. Nagkausap na kami ni Fear. Okay na. Wala ng problema okay? Tapusin mo na lang muna yung mga dapat mong tapusin sa trabaho.. Isa pa di ba.. Gusto mo na rin namang magpalipat dito? Mas magkakaroon na rin tayo ng maraming oras na magkasama nun."

"Shana~

"Conan."

"Okay. Just call me if something happens alright?" Tiningnan nya pa ko ulit kaya tinanguan ko sya ng nakangiti. Hinalikan nya pa yung kamay kong hawak nya.

Alam kong nito lang tayo nagkakilala pero sigurado ko sa nararamdaman ko para sayo Conan. Kaya sana hindi totoo yung mga sinabi sakin ni Fear.. Dahil kung totoo man yon.. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakin.. Baka mabaliw lang ako.

Umalis rin kagad si Conan matapos nya kong maihatid sa unit na tinutuluyan ko. At ng makaalis sya, tinawagan ko agad si Fear.

Bahala na. Pero hindi talaga ko matatahimik hangga't hindi nasasagot ang mga tanong sa isip ko.

"Shan?"

"Puntahan mo ko dito. Gusto kong sabihin mo sakin lahat ng alam mo tungkol kay Conan."

***

Meanwhile...

Sa opisina nina Ronan.. Habang busyng-busy syang nagtatrabaho sa loob ng cubicle nya ay bigla na lang syang nakatanggap ng tawag mula sa tauhan nya.

"Di ba sinabi ng busy ako kaya ayoko ng istorbo." Diretsong sabi nya ng sagutin nya yung tawag mula sa teleponong katabi ng computer nya.

"Hello din Sir! May sasabihin lang po ako."

"Tss. Sabihin mo na agad." Sagot pa ni Ronan bago inipit na lang yung telepono sa pagitan ng pisngi at balikat nya. Busyng-busy kasi sya sa pagtatype.

"May dalawang lalaki po kasing bisita ngayon si Ms. Mishana."

Natigilan naman doon si Ronan kaya napatigil sya sa ginagawa at napahawak sa telepono.

"Bisita?"

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now