5: Date?

1.9K 59 0
                                    

Chapter 5





"Hahaha! Dalaga ka na Mishana Akane! Woooo! Magiging ninong na rin ako sa wakas!" May pagtalon at pagsuntok pa sa hanging nalalaman si Ronan matapos kong maikuwento sa kanya yung crush ko. Sht talaga. Akala ko pang-teenager lang yon e. Di ko kasi napagdaanan yon dati.




"Para kang tanga. Ano namang konek non sa pagdadalaga ko at sa pagiging ninong mo? Hello? Kahapon ko lang kaya sya nameet." Inirapan ko na lang sya bago ko nagtungo sa ref. Ano bang masarap inumin ngayon?




Kinuha ko yung isang beer doon ni Ronan ng maalala ko bigla yung paala ni Detective Conan. Tsk. Juice na nga lang.




"Ano ka ba besh? Pulis yon kaya asintado yon! Timo! Kakikilala nyo pa lang kahapon niyaya ka kagad ng date ngayon.. Alam na kasunod nyan!" Sabay upo nya pa sa may mesa habang nakapamulsa ang mga kamay.




"Ano?" Tinaasan ko pa sya ng isang kilay bago ko ininom yung juice.




"Sa hotel." Diretsong sagot pa nya kaya naibuga ko sa kanya yung iniinom ko.




"What the pak Akane!" Sigaw pa nya bago sya nagtungo sa may sink at naghilamos. Hinubad pa nya yung suot nyang shirt at yon na rin ang ipinunas nya sa mukha nya. "Kadiri ka. Matuturn off sayo yon!"




"Di rin! Maganda ako." Confident ko pang sabi bago ko inibuos yung lamang juice ng baso ko.




"Tsk. Yan ang hirap sa mga di pa nagkakaboyfriend e. Kaya ayoko rin sa mga pavirgin." Naiiling pa nyang sabi bago sya nagtungo sa kwarto nya. Para magbihis na rin siguro.




Psh. Kalokohan nya. Sadyang maloko lang din sya sa mga babae kaya ayaw nya sa mga pavirgin. Mabilis din kasi sya maguilty.




Almost 6pm na rin ako nakauwi ng bahay. Naabutan ko pa si mama na naghahanda ng hapunan kaya nagpaalam na rin akong sa labas ako kakain with someone. Napansin ko pa na nagkatinginan sila bigla ni papa pero wala rin naman silang sinabi kaya dumiretso na ko sa kwarto ko. Nadoon na rin naman yung mga pinadeliver ko kaya inayos ko na lang muna yon sa isang tabi. May lakad ako ngayon kaya bukas na lang ako mag-aayos ng kwarto.

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now