8: Landi rin

1.7K 79 2
                                    

Chapter 8





"What the hell?!" Sigaw kagad ni Ronan ng pagkagising na pagkagising nya pa lang ngayong umaga, ako kagad ang nakita nya. Ngiting-ngiti pa ko sa kanya habang nakahiga ng patagilid sa tabi nya. Muntik pa syang nahulog kaya napatawa ako bago tuluyang humiga sa kama nya.




"Bat ang aga mo yata dito?" Tinaasan nya pa ko ng isang kilay bago sya umayos ng higa sa tabi ko. "Inaantok pa ko Mish."




Halata ko naman. Kaya lang, kailangan ko ng bestfriend ngayon e. Kinikilig pa kasi ko. Tss. Ganito pala talaga ang feeling non. Nakakabano lang!




"Para kang tanga! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"




Nakangiting nilingon ko naman sya.




"Ronan.. Inlove na nga yata ako."




Halata ko ang pagkagulat sa kanyang mukha pero napalitan din kagad iyon ng tuwa bago sya mas dumikit pa sakin.




"Kanino?"




"Kay Detective Conan." Sabay tingin ko na lang ulit sa kisame. Napansin ko pang napakunot ang noo nya pero di ko na lang din yun inintindi. Takte! Hindi mawala-wala yung ngiti ko!




"Umayos ka Misha.. Maraming ibang lalaki dyan.. Wag kang magpapaloko sa pulis na yon!" Sabay dapa nya pa at doon sya sa kabilang side humarap habang nakayakap sa kanyang unan.




"Bakit naman? Di ba nakwento ko na rin naman sya sayo? Di ba tuwang-tuwa ka pa nga at nagvovolunteer ka na kagad na magninong!"




"Basta Mishana! Tigilan mo yan! Gwapo rin yung magtataho doon sa kanto, yun na lang ang patulan mo kesa doon sa pulis na yon!"




"What?! Are you crazy?!"




Lumingon naman sya sakin pero napakaseryosso pa rin ng facial expression nya.

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now