13: Official

1.5K 51 0
                                    

Chapter 13






"Ang ganda dito sa inyo.." Nasabi ko na lang habang pinagmamasdan ang malawak na bakuran nila sa likod ng kanilang bahay. Nakaupo lang kami ni DC sa may bangkong yari sa kahoy sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga. At si lola, siguro tulog na. Kami kasi ni DC halos buong hapon lang natulog kaya ngayong gabi hindi naman kami makatulog.




Madilim sa labas dahil mukhang hindi uso dito ang mga poste ng ilaw pero dahil sa liwanag ng buwan, makikita mo pa rin ang kabuuan ng bakuran nila. At sa hindi kalayuan, mas madilim na kakahuyan naman. Parang nakakexcite tuloy pumunta doon bukas. Naaalala ko tuloy si Ronan. Pareho kaming mahilig sa mga thrills at adventure noon e!




"May malapit na waterfalls dito.. Dadalhin kita doon bukas.." Sabi pa nya kaya napalingon ako sa kanya.




"Talaga? Hindi pa ko nakakapunta sa mga talon!" Napangiti naman sya sa sinabi ko bago mas dumikit pa sya sakin at inakbayan ako. Pinahilig nya ko sa balikat nya at hinawakan naman ng isang kamay nya yung kamay ko.




Jusmiyo~ kinikilig na naman po ako!




Buti na lang medyo nakatungo ako kaya di nya nakikitang pinipigilan ko lang yung ngiti ko.




"Mishana.."




Waaa~ bat ang husky ng boses nya? Jusko! Dahil lang ba sa lamig o.. Sht lang! Natatanga na naman po ako!




"Mm?"




"Bakit mo ko nagustuhan?"




Nagulat naman ako sa tinanong nya kaya umayos ako ng tayo at humarap sa kanya.




"Kailangan ba ng rason para magustuhan mo ang isang tao?"




"Gusto ko lang malaman.. Dahil natatakot ako.."

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now