16: Bestfriends

1.3K 43 3
                                    

Chapter 16





Maaga akong umalis samin pero hindi ko na dinala yung mga gamit ko dahil marami pa rin naman akong naiwang gamit sa mansion kaya di rin hassle kahit nagbyahe lang ako papunta sa tower ni Ronan.




Jusko. Sana naman okay lang talaga sya. Ilang linggo rin syang hindi nagparamdam.




Saktong dating ko pa sa floor ng unit nya ng makareceived ako ng text galling kay Conan na nagsasabing susunduin nya daw ako mamaya.




Aish, oo ngapala nakalimutan ko na. Ihahatid nya nga daw pala ako. Ano bang sasabihin ko?




Magrereply na sana ko ng mapansin kong may taong bigla na lang humarang sa dinaraanan ko kaya napaangat ako ng tingin.




"Mishana.."




"R-ronan.."




Nayakap ko na lang sya bigla at niyakap rin naman nya ko pabalik.




***




"Aray ha Misha! Umayos ka nga! Bat ba ang bigat ng kamay mo?"




"Wow ha, hiyang-hiya naman ako sayo at ako pa ang pinapaayos mo! Ikaw ang umayos dyan!" sabay kuha ko ulit ng panibagong bulak na may betadine at dahan-dahang ipinahid sa mga sugat nya sa mukha. Wala akong alam sa ganito pero iniingatan ko rin naman syang masaktan kaya nga hinihipan ko pa yung sugat nya bago ko nilalagyan ng gamot e. "Napano ka ba Ronan at puro tama ka sa mukha? Sinong may gawa nito ha? Gusto mo resbakan natin?"




Parang nung elementary lang. Ang kinaibahan nga lang ngayon, ako na ang gumagamot ngayon sa kanya. Dati kasi ako ang ginagamot nya at sya ang rumeresbak sa mga nakakaaway ko e. Suki kasi ko ng mga away noong elementary. Nabawasan lang nung middle school at high school dahil di na kami schoolmates ni Ronan. Medyo bumait naman ako. Tapos nung college, aloof ako sa iba para iwas sa gulo at di na mamroblema sakin si Dad.




Napangisi naman sya sa sinabi ko at inalis nya yung kamay ko sa mukha nya.

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon