3: Antonette Casarr

2K 74 1
                                    

Chapter 3





"Nagsasabi ako ng totoo. Yun lang talaga ang nakita ko."




"Hindi mo ba talaga nakita yung kulay ng van? Yung plate number? O kahit yung mga taong nagtapon doon ng bangkay?"




Sht! Bumalik na naman yung kaba ko na para sa interrogation na to. Grabe pala makapag-imbestiga tong lalaking to. Paulit-ulit na kami mukhang ayaw nya pa ata kong paniwalaan.




"Hindi nga. Paulit-ulit lang tayo e." Napakamot pa ko sa ulo ko. Tsk. Nagsisimula na talaga kong mainis sa lalaking to. Sayang, crush ko pa naman din sana sya.




"Medyo lasing nga kasi ko kagabi. Pero medyo lang. Tapos biglang nawala yon nung makita ko yung van na bigla na lang huminto sa may kabilang sidewalk. Tapos apat na tao yung bumaba. Yung isa may kausap sa cellphone, yung isa mukhang look-out at yung dalawa ang nagtapon nung sako. Pagkaalis nila tyaka ko lumapit doon sa sako. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kaso masama na ang kutob ko doon kaya tinawagan ko yung bestfriend kong si Ronan. At ang gago, saktong nasagot nya yung tawag ko biglang may humawak naman sa binti ko kaya ayun. Tumakbo na ko! Di ko na namalayan na nahulog ko pala yung cellphone ko! Speaking of my phone.. Pwede ko pa bang mabawi yon?"




...




...




Aba matinde! Sa haba ng sinabi ko, wala man lang syang nasabi. Nanatili lang syang nakatitig sakin. Tsk.




Napasandal tuloy ako sa inuupuan ko at napahalukipkip. Tinaasan ko pa sya ng isang kilay pero ang nakakayamot na gwapulis.. Bahagyang tinawanan lang ako.




"May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?"




Napailing naman sya bago ngumiti. Langya talaga! Konting-konti na lang talaga iisipin ko ng kursanada rin ako neto. Shet lang! Magkakaboyfriend na yata ko bago umuwi.




"Hinuhuli lang kita kung nagsisinungaling ka."




"Mukha ba kong sinungaling?"

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now