4: Ayesha Signe

2K 66 6
                                    

Chapter 4





Kinabukasan.. Habang kumakain kami ng lunch, tutal naman kwento rin ng kwento si mama, nagtanong na lang ako tungkol sa ate ko. Mukhang nagulat pa sila nung una, pero kinwentuhan rin naman nila ko ni papa.




"Napakabait ni Ayesha.. Mahinhin, palangiti at palakaibigan.." Simula ni mama.




"Matulungin din iyon at malambing." Sabi pa ni papa.




Tss. Mukhang paiyak na naman tong dalawang to.




"Alam mo ba, excited rin yon na makilala at makasama ka.."




"Kilala nya ko?"




"Oo naman.. Alam nyang may kapatid sya.. Napakabata nyo pa nga lang noon ng huli kayong nagkita.." Sagot pa ni mama.




"Kaya nga rin yon nagpursige na makatapos ng pag-aaral kahit alam mo na, gipit din kami.. Kasi gusto nya, kung sakali man na bumalik ka samin, masustentuhan nya lahat ng pangangailangan mo at maibigay ang mga bagay na nakasanayan mo.." Kwento pa ni papa bago si mama na ulit ang nagtuloy.




"Nak baka naman pinapagod mo na ang sarili mo.. Alam mo namang hindi rin pwede sayo ang magpagod.." -mama




"Ma.. Hindi po. Alam ko naman po yon kaya nag-iingat ako. Gusto ko lang po talagang makatapos kagad kaya kumuha na ko ng part time job.. Madali lang din naman po yung trabaho ko. Mabait po kasi yung boss ko.. Si Sir Sean.." Nakangiting paliwanag pa ni Ayesha sa mga magulang nya habang kumakain sila ng dinner.




"Pero anak hinay-hinay lang a.. Pasensya ka na talaga at hindi regular ang trabaho ko. Nahihirapan tuloy kayo ng mama mo.." -papa




"Ano ka ba pa, okay lang yon. Pamilya tayo kaya tulungan tayo. Pag nakatapos na ko, ako ng bahala sa pamilya natin.. Tapos, magpapakilala na tayo kay Misha.. Malay nyo naman, bumalik rin sya satin! Naeexcite na talaga kong makita ulit sya! Siguro mas maganda na sya ngayon.. Nung bata pa lang kami, mukha na yung anghel e.. Lalo na siguro ngayon!" Hindi pa mawala-wala ang mga ngiti ni Ayesha habang naiisip ang nakababatang kapatid kaya napangiti na lang din sa kanya ang mga magulang nya.

The Doll Maker ✔ Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα