7: Sylvanna Aranda

1.7K 66 1
                                    

Chapter 7





"Miss bat di ka na lang umamin? Ikaw siguro yung pumatay sa kanya no?"




Sinamaan ko naman kagad ng tingin yung pulis na kausap ko ngayon. Malalim na ang gabi pero after ko pa magtagal ng konti sa shortcut na iyon, tumawag na rin ako ng pulis. Si Detective Conan sana ang tatawagan ko pero bigla ring nagbago yung isip ko.




And again, mukhang magiging tambayan ko nga ata tong interrogation room na to a. Dahil nandito na naman ako. Yun nga lang, ibang pulis tong kausap ko. Hindi kasing gwapo ni Detective Conan at medyo matanda na rin itong pulis na kaharap ko ngayon kaya mas naiirita ako sa kanya. Tsk.




"Alam mo aminado naman akong pasaway ako pero di ko pa natatry pumatay. Gusto mo subukan ko na ngayon?" Sabay halukipkip ko pa ng mga kamay. Tsk. Inaantok na ko. Gusto ko ng matulog. Bwisit talaga!




Napansin ko namang napalunok yung pulis bago umayos ng upo.




"Tsk. Nagmamatigas ka pa. Lagot ka kay chief. Tinawagan na namin sya." Tinaasan ko lang sya ng isang kilay sa sinabi niya. Pake ko sa chief nya!




Hanggang sa may kumatok kaya tumayo sya at nagtungo roon sa may pinto.




"Tinawagan ako ni chief dahil hindi sya pwede ngayon." Sabi ng bagong dating na pulis.




Sht naman talaga! Wala na bang ibang pulis dito? Boses nya pa lang kilala ko na.




Pumikit na lang ako habang nakahalukipkip pa rin.




"Ikaw ng bahala dyan Ichiro. Napakasungit! Akala mo kung sinong napakaganda!"




Aba loko yon a! Maganda naman talaga ako! Psh.




Hindi na lang ako kumibo pa hanggang sa narinig ko ng sumarado yung pinto at may umupo na sa tapat ko.

The Doll Maker ✔ Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt