25: SeanShan

1.2K 35 2
                                    

Chapter 25



Hindi na ko nakatulog ng maayos simula ng gabing nawala si Conan. It's been three days at natatakot ako na baka kung ano ng nangyari sa kanya. Ayon kasi kay Ronan na syang nag-aasikaso ngayon sa paghahanap sa boyfriend ko, may dumukot talaga kay Conan. Base na rin sa mga lubid, hagdan at iba pang ebidensyang naiwan noon sa crime scene.


Dito na rin ako sa isa pang unit nya tumutuloy dahil delikado raw kung babalik ako sa mansyon. Mukhang ako raw kasi ang target ng mga taong yon. At oo, Mga. Dahil sabi ni Ronan, imposibleng isang tao lang daw ang may kagagawan non.


Conan..


Sana okay ka lang..


"Shan.. Kumain ka na.. Hindi ako marunong magluto kaya si Summers na lang ang inutusan kong bumili ng pagkain para satin.. Bat kasi dito ka pa tumira e wala namang stock ng pagkain dito?" Naiinis pang sabi ni Fear Sean bago nya inilapag yung tray ng pagkain sa may paanan ng kama ko. Simula kasi nung nawala si Conan, di na rin ako pumasok kaya pinuntahan nya ko. Hindi naman sila nagpangabot ni Ronan sa mansion at dahil lagi nga syang busy, si Fear na lang ang palagi kong nakakasama ngayon. Nung una, pinagbintangan ko pa sya sa pagkawala ni Conan pero narealize ko, ako ngapala yung target. Sya lang yung nakuha. Wala naman sigurong dahilan si Fear Sean para pagtangkaan ako ng masama, di ba?


"Umiiyak ka na naman.." Sabay lapit pa sakin ni Fear bago nya pinunasan yung mga luha ko.


"Natatakot ako Fear.. Baka kung ano ng nangyari sa kanya.. Kasalanan ko na naman.." Sabay yakap ko pa sa mga tuhod ko.


"Shan.."


"Nung bata ko, nawalan rin ako ng isang taong importante sa buhay ko dahil rin sa kagagawan ko.. At natatakot ako na baka maulit na naman yon.." Sabay tingin ko pa sa kanya at hindi ko sigurado pero parang nag-iba yung ekspresyon ng mukha nya. From concerned to blank face.


"Kagagawan mo?"

Tumango naman ako.


"Nung bata ako ayoko sa mga manika. Pero meron akong isang manika na pinakainiingatan ko dahil galing yon sa isa ko pang kaibigan. Ibinigay ko yon doon sa isa pang batang nakilala ko sa park. Naging kaibigan ko rin sya at naging mahalaga sya sakin kahit palagi ko syang binubully.. Madalas nya kasi kong napapangiti.. At kahit anong away ko pa sa kanya, never nya kong iniwan.. Pero nawala sya.. Napahamak sya ng dahil sakin.."


"Laro tayo Shan.. Sige na.." Pilit ng isang batang lalaki sa batang Mishana na nakaupo sa may swing.


"Ayoko. Umalis ka!"


"Sige na please.."


"Ayoko nga! Wag kang makulit! Susuntukin na kita!"


Nalungkot naman doon yung batang lalaki.


"Shan.. Birthday ko ngayon.. Kaya sana.. Pagbigyan mo naman ako.."


"Birthday mo?!" Napatayo pa doon ang batang si Misha. At tinanguan naman sya ng batang lalaki. "Bat di mo kagad sinabi sakin?! Akala ko ba gusto mo kong maging wife sa future?! Dapat ngayon pa lang sinasabi mo na sakin ang lahat ng tungkol sayo!"


"Sorry.."


"Tss.. Sorry.. Sya intayin mo ko dito! Dito ka lang ha? Wag kang aalis dito! Babalik ako!" Sabay takbo na ng batang Misha palayo. Naiwan naman doon yung batang lalaki.


Inabot rin ng isang oras bago pa nakabalik si Misha dala ang isang manika na kasing lambot ng stuff toy. Malaki iyon at halos kalahati ni Misha ang tangkad.


"Gift ko to sayo. Ingatan mo yan ha! Mahal ko yan parang yung nagbigay nyan!"


Natuwa naman doon yung batang lalaki. "Talaga? Kung ganon SeanShan ang itatawag ko dito!"


"Anong SeanShan? Anna Marie pangalan nyan! Wag mong papalitan ha! Kukutusan talaga kita!"


"Anna Marie? Wow! Parang pangalan ng mama ko!"


"Tss. Basta ingatan mo yan!" Sabay yakap pa bigla ni Misha sa batang lalaki na halatang ikinagulat naman nito. "Happy birthday Sean!"


"Wow ang sweet naman!" Sabi bigla ng isa pang malaking batang lalaki na dumating. Napakalas tuloy sa yakapan yung dalawa. Itinago pa kagad ni Misha yung batang lalaki sa may likuran nya.


"Hoy Wino! Subukan mo lang guluhin si Sean, malalagot ka talaga sakin!" Matapang na sabi pa ni Misha na ipinakita pa ang kamao nya.


Tinawanan lang naman sya ng malaking bata bago mabilis nitong inagaw ang manika at itinapon sa may karsada.


"Tsk. Sabi na nga ba bakla yan e. Bat mo ba yan nagustuhan? Kaya nagagalit sayo yung isa e." Naiiling pang sabi ng malaking bata bago umalis. Sinundan lang naman sya ng nakamamatay na tingin ni Misha. At di na nya namalayan na tumakbo pala palayo sa kanya yung kaibigan nya.


Nawala lang yung inis ni Misha ng makarinig sya ng malakas na busina ng sasakyan. And before she knew it, naestatwa na sya sa kinatatayuan nya ng makita nya yung kaibigan nya. Nakabulagta sa gitna ng karsada, duguan habang yakap yakap yung manikang ibinigay nya.


"Hindi.. Sean.."


"Kaya ka ba umalis? Kasi inakala mong patay na sya?" Napakunot naman ang noo ko sa itinanong bigla ni Fear. Parang maiiyak na rin sya anumang oras kaya mas nagtaka pa ko. Pero di ko na lang din iyon pinansin at ipinatong ko na lang yung baba ko sa mga tuhod ko.


"Mm. Simula rin noon hindi na ko nakipagkaibigan pa sa iba.. Kasi natatakot ako na maulit pa yon.. At heto na nga.. Nangyari na.." Napapikit na lang ako ng mariin dahil ayaw huminto ng mga luha ko. "Nangyari na naman.. Kasalanan ko.."


Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman kong niyakap ako bigla ni Fear. Hindi ako sure kung bakit pero parang may kakaiba sa mga yakap nya ngayon. Feeling ko, napapagaan nya rin kahit papano yung pakiramdam ko.


"Hindi mo yon kasalanan Shan.. At sigurado rin akong babalikan ka ni Ichiro kaya wag kang mag-alala.." Naramdaman ko pang mas humigpit yung pagkakayakap nya sakin kaya niyakap ko na rin sya pabalik.


"Patawarin mo ko Shan.. Patawad.. A-akala ko iniwan mo rin ako.. Nagalit ako sayo Shan.. I'm sorry.."


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya kaya kumalas ako sa pagkakayakap nya. "A-anong sinasabi mo?"


Hinawakan nya pa ang makabilang pisngi ko at marahan nyang pinunasan ang mga luha ko.


"Shan.. Ako to.. Buhay ako.." Paiyak na rin nyang sabi.


May nagiging ideya na ko sa sinasabi nya pero.. Parang imposible..


"Ako si Sean.. Shan ako to.. Yung batang nangangarap noon na maging future husband mo.." Sabay tulo pa ng luha nya.


Imposible..


Paanong..


"I-ikaw..?"


"Shan.. I'm sorry.. I'm really really sorry.." Sabay yakap nya pa ulit sakin pero hindi pa rin ako nakareact kagad sa sobrang pagkabigla.


Totoo ba to? Buhay ba talaga sya? Sya ba talaga si Sean?


Hanggang sa mapatingin na lang ako sa may pinto ng kwarto.. At mas lalo akong natigilan sa dalawang taong nakatayo doon ngayon.


Si Ronan na halatang nabigla at sa may likuran nya ay si.. Conan na ang halatang galit.


Si Conan.. Bumalik na sya.. My ghad! Ligtas sya!


Pero bakit parehong bangas ang mga mukha nila??

Anong nangyari?

***

Wala akong update sa Mr. Taxi.. Dito lang. ✌

Merry Christmas!

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now