37: Her Dad

1.1K 27 3
                                    

Chapter 37



"Kumain ka na muna anak.. Mukhang stress na stress ka nung nawala ako at pumapayat ka na.." sinubukan pa nya kong subuan pero hindi ko ibinubuka ang bibig ko at sinamaan ko lang sya ng tingin.

Bakit kung umarte sya parang wala lang lahat ng to?!

"A-anong dahilan at ginagawa mo to? B-bakit dad? B-bakit mo ko pinaniwalang may sakit ka at nagpapagamot sa ibang bansa when all this time nandito ka lang pala?"

Napangisi naman sya ulit bago nya inilayo yung dala nyang plato ng pagkain sakin. Umupo pa sya sa tabi ko sa kama.

"Gusto mo bang kwentuhan ulit kita? Gaya ng madalas kong ginagawa sayo noon?" tanong pa nya na tinanguan ko lang.

Mas dumikit pa sya sakin at hinaplos-haplos pa nya saglit ang buhok ko. Parang matic na nawala naman kagad yung galit ko dahil sa simpleng ginawa nya lang.

Huminga pa sya ng malalim bago nya ko inakbayan at pinahilig sa balikat nya. Gusto ko sana syang yakapin kaya lang, di pa rin naman nya ko kinakalagan ng tali sa kamay at paa. Iniupo nya lang din ako.

He's still my dad.. And whatever his reason for all of this. I know and I'm sure.. Mapapatawad at matatanggap ko pa rin sya.. Kahit na.. Kinukutuban na kong after this.. Isusunod na rin nya ko..

"Tanda mo pa ba yung palagi kong kinukwento sayo noon? Yung kung paano kami nagkakilala ni mommy mo?"

Napatingin naman ako sa kanya pero ipinahilig lang nya ko ulit sa balikat nya.

"Sabihin mo nga sakin yung mga natatandaan mo sa kwento ko.."

Napaisip naman muna ko doon bago nagsalita.

"Papunta ka noon sa US.. When you suddenly found mom.. Sabi mo, mukha syang kawawa noon kaya isinama mo na rin sya.. You fall inlove with her and you help her to revenge.." then bigla akong natigilan ng may marealized ako. "Sya ang unang bumalik dito para maghiganti sa mga taong umabuso da kanya. That you later found out.. That they were your friends.."

O ghad! Parang yun din yung nabasa ko sa mga files ni Ronan.. At yun mga picture na nakita ko doon.. Ibig sabihin..

"Please continue sweetheart.." masuyong sabi pa ni dad habang hinahaplos nya ang buhok ko. Akala ko ba sya ang magkukwento? Di na lang ako nagreklamo pa at itinuloy yung mga natatandaan ko noon sa mga kinuwento nya.

"You helped mom.. And.. You.. Y-you told me that you killed those bad guys for mom.."

"Uh-huh..?"

"But then.." bakit doon sa file ni Ronan
..? "D-dad.. It's not mommy.." iniangat ko pa ulit yung ulo ko para matingnan sya. "Hindi si mommy yung kinukwento mo sakin.."

Bat ngayon ko lang narealized yon?

Humarap naman sya sakin ng nakangisi. "Yes baby.. She's not your mommy.. But she's supposed to be your mom.. She's the only woman I loved.. The only one I need.." sabay dilim pa ng mukha nya. "The one that turned me into this.."

"She's Anna Maria sweetheart.. Anna Maria Centeno.. Your bestfriend, your boyfriend and your childhood friend mother."

Hindi naman ako nakareact kagad doon dahil sa sobrang pagkabigla.

Ibig sabihin.. Si Ronan at si Conan.. Kambal talaga sila? At yung mga kuya na hinahanap ni Fear.. Sila ring dalawa..? Paanong..? A-anong nangyayari? Paanong nagkaganito ang lahat?

At bakit yon alam ni daddy? Paano nya nalaman lahat ng yon?

"Buhay pa ang tatay ko." naalala ko pa yung sinabi sakin noon ni Ronan.

Ibig sabihin..?

"I-imposible.. Z-zeno Akane ang pangalan mo dad.. I-imposibleng ikaw si.. Si.."

Napangisi naman sya bago hinaplos ang isang pisngi ko.

"No baby.. That's just my new name before I adopt you.. My real name is.."

"Eizen.. Eizen Akane Nichii.."

Mas lalo naman akong natigilan sa sinabi nya at sunod-sunod na ring nagpatakan ang mga luha ko habang nakatitig lang kay dad.

Kaya pala pamilyar sakin yung picture na nakita ko sa files ni Ronan..

Ibig sabihin.. Sya ang..

"K-kung ikaw dad si E-eizen Nichii.. Ibig sabihin.. I-ikaw din ang.. Totoong tatay nina.. Ronan at Conan.."

Napakunot naman ang noo nya doon habang nakatitig sakin. At nagulat na lang ako ng bigla nyang hilahin ang buhok ko mula sa likod.

Takte ang sakit! First time tong ginawa sakin ni dad.

"D-daddy.."

"Kung anak ko sila sa tingin mo aampunin pa kita?! Hindi ako ang tatay nila!" sabay tulak nya sakin pahiga sa kama at bigla na lang syang tumayo. Mas napaiyak na lang ako ng magwala si daddy at pagsisipain ang mga gamit nya.

I used to see my dad as my hero. My loving, understanding and perfect dad. And seeing him like this.. Sobrang sakit. Lalo na't kahit naguguluhan pa rin ako.. Malinaw naman saking sya ang may pakana ng lahat ng to.

"D-dad.. Why? Bakit mo ginagawa lahat ng to?"

"Bakit?! Bakit ha?! Dahil ginawa ko ang lahat para sa kanya! Tangina! Pinatay ko yung kaibigan ko at hinayaan ko syang gawin ang mga gusto nya! Pero ano?! Nang mawala ako anong ginawa nya?! Naghanap sya ng iba! Tangina! Naging masaya sya kahit wala ako!"

Iyak lang ako ng iyak habang di na makatingin ng diretso kay dad. Nagagalit sya because he was hurt. Nagagalit sya dahil minahal nya ng sobra si Anna Maria.

"P-pero dad.. Akala ko.. Nagsuicide ka.." Natahimik naman sya doon at madilim ang ekspresyon ng mukha nya ng tumingin sya sakin habang hinihingal pa. "P-papaanong.."

"Suicide?" Napangisi pa sya bago sya pumunta sa may bintana at hinawi ang kurtina. Gabi na rin pala. "Sana nga namatay na lang ako.. Pero hindi e. Iniligtas pa kasi ko ng mommy mo.."

Napailing naman ako doon. "Don't say that dad.." Napalingon naman sya sakin. "D-dahil sayo.. Dahil sayo kaya nabuhay pa ko.."

Mapait naman syang napangiti doon bago tumingin sa labas. "At dahil rin sakin kaya ka mamamatay."

Mas napaiyak naman ako doon bago nag-iwas ng tingin kay dad. Gusto kong bumangon at yakapin sya pero di ko magawa. "Dad please.. It's okay.. Just kill me if you want.. Just kill me if that's will make you happy.. Just don't hurt them.. My bestfriend and my boyfriend are your sons!" Sabay tingin ko ulit kay dad pero di pa rin nya ko nililingon. "I didn't know the whole story but I'm sure that they are your sons!" Nilingon naman nya ko ulit pero blanko lang ang mukha nya. "Intel si Ronan.. Nabasa ko doon sa mga files nya na Eizen Nichii at Anna Maria Centeno ang pangalan ng real parents nila ni Conan.. Alam nya na rin ang totoo dad.. Alam nyang buhay ka pa at kilala na nya ang mga kapatid nya.. Pero sa tingin ko, hindi nya pa alam na ikaw ang daddy ko.."

"Dad please.. Ako na lang dad."

Lumapit naman sya sakin at bigla na lang nya kong niyakap.

"Daddy.."

"Sshh.. Hush down baby.. Please don't cry.. Your mom will be mad at me pag nakita nyang umiiyak ka.." natigilan naman ako doon. Ano na naman bang sinasabi nya? "A alam ko na para tumahan ka.. You wanna see your mom sweetheart?" sabay tingin nya pa sakin bago nya hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"W-what do you mean dad?"

"Let's go baby. I'll bring you to your mom."

***

Babalik na tayo sa past ni Eizen.. ~^O^~

Wala pa rin talaga kong maisip na ending.. Maganda siguro kung.. Happy ending na lang no? Malayo naman sa kinahitnan ni Anna Maria.. *^O^*

The Doll Maker ✔ Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin