6: Shortcut

1.7K 62 1
                                    

Chapter 6





Kinabukasan, pag labas ko ng kwarto.. Naabutan ko sina mama na naghahanda na ng almusal sa kusina kaya doon na rin ako dumiretso.




"Good morning anak!" Nakangiting bati ni mama sakin as usual.




"Kamusta ang date nyo ni Sir Ichiro kagabi?" Nakangiti ring tanong ni papa na nagpakunot ng noo ko.




Bakit nila iyon alam? Edi ba sabi ni Detective Conan wala sila?




"Ay nako anak, kumain ka na lang! Wag mo ng pansinin yang papa mo! Agang-aga nakikichismis!" Biglang sabi na lang ni mama bago ko pinaupo at pinaglagay ng pagkain sa plato.




"Akala ko ba wala kayo dito kagabi?"




"A.." Nagkatinginan pa silang dalawa bago si mama na rin ang sumagot. "Oo, oo! May pinuntahan lang kasi kami dyan sa kapitbahay! Nakita lang namin si Sir Ichiro nung hinatid ka nya dito.. Yon! Sige lang kain ka pa ng marami anak! Namamayat ka na o!"




Tsk. Bat parang ang weird yata nila ngayon?




O well, di naman ako close sa kanila kaya di ko na lang din inusisa pa. Pagkakain ko, nag-ayos lang ako ng sarili tyaka ko sinimulan ang pag-aayos ng kwarto. Mabilis rin naman ako natapos kaya napagpasyahan ko na munang manood ng tv sa sala habang nagpapahinga. Wala rin naman kasing ibang magagawa dito kundi manood lang ng tv. Umalis rin si mama kanina, sinabi nya kung pasaan sya pero di ko na narinig. Si papa naman napasada ng jeep. Kaya ngayon, ako lang dito sa bahay. Sobrang tahimik. Papuntahin ko kaya dito si Ronan?




Pinindot ko na lang yung speed dial #1 dahil si Ronan lang din naman ang madalas kong tawagan kaya sya lang din ang nakaspeed dial sakin. Same din sa kanya. Ako palagi ang una.




Wala pa yatang isang minuto ng sagutin nya yung tawag ko. Himala. Pero bago pa man din ako makapagsalita ay inunahan na ko ng nasa kabilang linya.




"Misha? Napatawag ka. May problema ba?"

The Doll Maker ✔ Donde viven las historias. Descúbrelo ahora