23: Mama

1.2K 39 0
                                    

Chapter 23





"Kumain ka pa ng madami Misha.. Di naman uso sayo ang diet a." Sabay lagay pa ni Ronan ng pagkain sa plato ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.




Siraulo talaga to! Gusto pa kong ipahiya sa boyfriend ko?




Kasalukuyang kaming kumakain na ng dinner ngayon. Katabi ko si Conan at katapat ko naman ang epal kong bestfriend na kanina pang inaasar si Conan. Buti na lang din talaga at hindi sya pinagpapapansin nitong isa kahit halata ko na ring naiinis sya kay Ronan.




"Kumain ka lang ng kumain.. Kaya nga ko nagluto ng marami dahil paborito mo yan e!" Hirit pa ni Ronan kaya sinipa ko na sya sa ilalim ng mesa pero nginisian nya lang ako.




Napatingin na lang tuloy ako sa katabi ko na seryoso at walang imik pa rin na kumakain.




"Kumain ka rin ng madami.." Pinaglagay ko pa ng pagkain si Conan kaya napalingon sya sakin. Nginitian ko naman sya bago ko tiningnan ulit ng masama si Ronan na tatawa-tawa na naman.




Jusko, please lang Roro umayos ka na! Hot-tempered tong si Conan at baka maupakan ka pa!




Siguradong hindi ko alam kung anong gagawin ko pag silang dalawa ang nagkagulo!




Matapos naming kumain, tahimik pa rin kami habang naglalakad papunta sa sala. Sabay kami ni Conan at nauuna naman samin si Ronan.




"A.. Syangapala.." Panimula ni Ronan kaya napahinto kami sa paglalakad. "Makikitulog muna ako ngayon ha Misha.." Sabay lingon nya pa sakin ng nakangiti.




Nagulat naman ako doon kaya hindi kagad ako nakasagot. Naramdaman ko na lang na hinapit ni Conan yung bewang ko papalapit sa kanya.




"May pinapaayos kasi ko ngayon sa unit ko e.. Baka sa sunday pa daw yon matapos.."




"H-huh?"

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon