The End in 2,017 words

Start from the beginning
                                    

"Kaya wag ka ng umiyak.. Hinding hindi ko bibitawan ang kamay na to."

Hindi ko alam pero kakaiba ang kasiyahan na naramdaman ko sa mga oras na yun. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at mas hinigpitan naman ni Reid ang yakap nya sa 'kin.

-----

"Reid.. halika na kakain na." Sigaw ko. Napangiti naman ako nang lumingon si Reid sakin sa di kalayuan at ngumiti. Tumango sya at naglakad papalapit sa akin.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung operahan si Reid. Nasa Jeju Island kami ngayon sa Korea. Napagdesisyunan namin na magbakasyon muna kasama sina Mama at Tita.

"Oh bat ganyan ka makatingin?" Tanong ko ng mapansin kong tinititigan nya ako.

"Tsk." Umiling sya sabay hawak ng balikat ko at pinatalikod ako sakanya.

"Mas bagay sayo yung nakatali ang buhok." Sambit nya sabay suklay ng buhok ko at tinali ito.

Hindi ko namang mapigilan ang sarili kong ngumiti.

"Ang sweet mo naman." Humarap ako sakanya tsaka kinurot ang pisngi nya.

Napapikit sya dahil sa sakit pero tumawa lang ako at tinanggal ang kamay ko.

"Halika na." Hinawakan ko ang kamay nya at naglakad na kami pabalik sa cottage.

"Oh san ba kayo nanggaling. Kanina pa namin kayo hinahanap. Kakain na." Sabi ni Mama pagpasok na pagpasok namin dun.

"Mare naman, hayaan mo na. Alam mo naman yang mga anak natin. Namiss nila ang isa't-isa. Kailangan din nila ng private time together." Sabi naman ni Tita sabay ngiti sa amin ng nakakaloko.

"Diba Anak? Yiee." Dagdag pa ni Tita sabay kurot sa tagiliran ni Reid.

"Yah! Ano ba yang pinag-iisip mo Ma? Naglibot libot lang kami." sagot ni Reid sabay kamot sa batok nya.

"Weh? Talaga ba? Wala bang.." ngumuso si Tita sa harapan namin.

"Ma naman! Ano ka ba! Wala! Ugh" Napatakip ng mukha si Reid dahil sa hiya. Ako naman ay tawa lang ng tawa habang tinitingnan ang namumulang mukha ni Reid.

"Oo na. Oo na. Tsk defensive. Ayan, kain na kayo." Sabi ni Tita habang hindi parin nawawala sa mukha nya ang nanunuksong ekspresyon.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Reid na mag grocery.

"Huh? Bat tayo maggogrocery? Eh wala pa naman tayong kailangan na wala dito." Nagtataka kong tanong.

"Wala lang. Gusto ko lang" sagot nya sabay kindat at tawa ng mahina.

Sobrang layo ng Market kaya medyo natagalan kami. Pero pagdating namin dun ay narealize ko na worth it naman. Kahit market nila ay mukhang tourist spot. Ang ganda.

"Aray." Bigla kong natapakan yung sintas ng sapatos ko kaya natumba ako. Lumingon lingon pa ako sa paligid para siguraduhin na walang nakakita.

Tumayo ako at nagkunwaring walang nangyari pero paglingon ko ay laking gulat ko na nandun pala si Reid sa likod, pinagtatawanan ako.

"Ang saya mo ah." Sabi ko sabay irap.

Umiling lang sya at lumuhod sa harapan ko tsaka tinali ang sintas ng sapatos ko.

"Paglagi kang ganyan ka careless, nag-aalala ako baka.." bigla syang napatigil.

"Basta. Mag-ingat ka nga lagi" sabi nya sabay pitik ng noo ko.

"Aray!" Sigaw ko naman sabay himas nung parteng pinitik nya.

"Neo babo ee-eh-do, sarang hae." [You're stupid but i love you.] Sambit nya sabay kurot ng pisngi ko.

Lost StarsWhere stories live. Discover now