Chapter 37

264 6 0
                                    

Jayla

"Matagal na po ba toh?" Sunud sunod ang pagpatak ng luha ko. Hanggang ngayon, di ko parin matanggap. Ang . Ang sakit na malaman na yung taong mahal mo ay pwedeng mawala sayo ng kahit anong oras.

"Oo.." tumango ang Mama ni Reid habang pinupunasan ang mga luha nya. "Matagal na..."

It all made sense now.

Yung nagkabangga kami sa hospital. Nandun pala siya kasi nagpapagamot din sya.

Yung mga panahon na nanghihina sya at parang may iniindang sakit. Kasi meron naman talaga.

Yung mga panahon na ang putla nya at nahihirapan syang kumilos. May sakit pala sya.

Yung mga panahon na bigla nalang syang mawawala ng ilang araw. Nasa hospital pala sya, nag aagaw buhay.

Yung "short term amnesia" na nararanasan nya at yung therapy na tinutukoy nya.. ito pala yun.

At yung rason kung bakit sinubukan nya akong iwan, para hindi pala ako masaktan. Para masanay ako na wala sya sa tabi ko.

"Bakit..." napasandal ako sa pader habang pinipigilan ang sarili kong magbreakdown. Ang sakit. Ilang beses ko na bang nabanggit ang mga salitang "Ang sakit"? Araw araw? Nakakapagod na. Dapat sanay na ako sa sakit diba, pero bat ganun? Walang nagbabago. Ang sakit sakit parin. Ang sakit sakit paring masaktan.

Nandito kami ngayon sa labas ng Emergency Room. Inooperahan sa loob si Reid. Hindi pa sigurado kung makakalabas sya ng buhay. Yung donor kasi sabi ng Doctor, di pa daw pwede ibigay yung organ nya eh. Kaya hahanapan lang daw nila ng paraan.

Pero hindi daw sigurado kung makakahanap sila agad.

Kung makakasurvive naman si Reid ngayong gabi, dalawang araw lang ang itatagal nya.

Kapag sa loob ng dalawang araw na yun ay wala pa ring donor, mawawala na sya ng tuluyan sa amin.

"Hindi pwede..." sinabunutan ko ang sarili ko. "Di pwedeng mawala si Reid." Bulong ko habang humahagulhol.

"No..." mas hinigpitan ko ang pagsabunot sa sarili. "Mababaliw ako." Bigla akong napatayo.

"San ka pupunta?" Ang hina ng boses ng mama ni Reid pero rinig na rinig ko parin. Ang tamlay ng mga mata nya na para bang nakabaon na, nangingitim na din ang ilalim na bahagi nito. Sobrang gulo ng buhok nya. At basang basa ang damit nya ng luha.

"Babalik po ako kaagad." Yun lang ang sinabi ko at tumakbo na kaagad palabas. Bakas sa mukha ng mama ni Reid ang pagtataka pero di ko na ito pinansin.

Pumara kaagad ako ng taxi.

"San po tayo?" Tanong nung driver.

"Sa Doctor Wells Hospital ho." Sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kaagad kami dun. Nagtanong ako sa isang nurse kung saan ang room ni Gabby Zunia, yun daw kasi ang donor ni Reid.

Room 402, 3rd floor.

Pagdating ko sa room na yun, may isang bata. 15 years old yata sya. Nakahiga sya sa hospital bed habang ang raming tubes at kung anu-ano ang nakaturok sa kanya.

"Hija? May maitutulong ba kami?" Napalingon ako para tingnan kung sino ang nagsasalita. Isang babaeng nasa forties, nakangiti sya pero ang tamlay ng mga mata nya.

"Si..Si Gabby po ba to?" Tanong ko sabay turo dun sa bata.

Tumango sya sabay takip ng bibig nya para pigilan ang mga luha na bumagsak.

"Oo.. siya si Gabby. Ang nag-iisang anak ko." Sabi nya sabay lakad palapit sa bata. Hinalikan niya ito sa noo at umupo sya sa tabi nito.

"Mawalang galang na hija, pero sino ka?" Tanong nya.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon