Chapter 15

249 12 6
                                    

"Those three words are said too much.. "

-x-

Jayla


Kung may naituro man ang mundo sakin yun ay.. Bawat kasiyahan na nararamdaman mo ay panandalian lang at may kapalit.

Minsan nakakatakot na ngang maging masaya e. Kasi mapapaisip ka, Ano kaya kapalit nito? Hanggang kailan kaya ito magtatagal?

Bawat tawa at ngiti ay may kapalit na luha at pighati.

Sa tuwing nagiging masaya ako may masamang nangyayari.

Bakit ganun? Bakit ba hindi pwede maging masaya nalang? Bakit may kakambal pa itong lungkot?

Ang saya ko these past few days dahil kay Reid. Pinapasaya nya ako. Nang dahil sa kanya nakakalimutan ko ang mga problema ko. I'm like floating in Cloud 9. All of these are too good to be true.

Pero tulad nga ng sinabi ko,

Bawat kasiyahan na nararamdaman mo ay panandalian lang at may kapalit.

And it's payback time.

×

I have trust issues and i don't trust a lot of people that much. Bilang na bilang lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. Kasali na dun si Gale at si Johnson.

Simula kasi ng Grade school kami ng tatlo ang magkasanggang dikit. Magkakilala at magkakaibigan na kami. Sila lang ang nagtyagang samahan ko at kausapin kahit sobrang boring kong kasama.Bata pa lang kami ay gusto ko na si Johnson. Sya lang kasi ang lalaking nagpaparamdam na espesyal ako. Ang atensyon na hindi ko nakukuha sa tatay ko ay sya ang nagbibigay. Si Gale naman ay ganun din. Kaibigan ko sya simula preschool. Naging malapit kami dahil sobrang friendly nya. Lahat din ng atensyon na hindi ko nakuha sa nanay ko nung bata ako ay sya ang nagbigay. Hanggang sa dalawa nalang kami ang natira dito sa Pilipinas dahil umalis papuntang London si Gale.

Naging mas malapit kami ni Johnson. Nung panahon na ayaw sa akin ng lahat dahil puro kamalasan at kabwisetan lang daw ang dala ko sa pamilya namin, sya lang ang nandyan para sakin. Sya ang naiiyakan ko. Sya lang ang willing makinig sa walang hanggang mga reklamo ko sa buhay. At siguro kung hindi din dahil sakanya ay matagal na akong patay. Sa tuwing tinatry ko kasing magsuicide nandyan sya para iligtas ako. Hindi nya ako pinabayaan.

Kaya nung iwan nya ako.. Hindi ko lubos maisip kung bakit. Ang alam ko lang ay siguro napagod na sya sa pakikinig at pag-iintindi sakin. Sobrang nadepressed ako at tinangka ko ulit magpakamatay. Sya lang ang meron ako nun. Kaya nung nawala sya ay wala nang saysay ang buhay ko.

Pero ganun nalang siguro ang galit ng mundo sakin at binuhay nya pa ako..

----
Irish mentioned you in a post
----

Nacurious ako kaya tiningnan ko.

Tama nga sila, Curiosity can kill. Sana hindi ko nalang tiningnan. Sana hindi nalang ako nacurious.

Parang hinigop lahat ng lakas sa katawan ko.


Si Gale at Johnson..

Nagsimulang tumulo isa-isa ang mga luha ko. Biglang sumikip ang dibdib ko at para bang gusto kong magwala. Pero hindi ako makagalaw. Nanatili lang akong tulala habang pinagmamasdan ang mga picture nila na magkasama.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon