Chapter 36

256 9 10
                                    

Reid

"May nakita na kaming possibleng donor mo Reid, there's a big chance na gagaling ka na." Masayang ibinalita sa akin ni Doctor Maxwell. "We just have to wait." Dagdag nya.

"Diyos ko.." sambit ni Mama sabay yakap sa akin. Isa ngang masayang balita ito. Akala ko ay bilang nalang talaga ang oras ko sa mundo.

"Doc, pwede ko po bang malaman kung sino ang donor? I just want to thank that person." tanong ko kay Doc.

Umiling sya. "Ayaw sabihin ng donor mo sayo ang identity nya. Pero sabi nya, gusto nya daw malaman mo na masaya sya at makakatulong sya sayo." Sagot ni Doc.

"Naku, kung sino man yang anghel na yan Doc, pakisabi maraming maraming salamat. Napakasaya ko." Singit naman ni Mama.

Tumango lang si Doctor Maxwell at ngumiti.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa hospital, una kong naisip si Jayla. Ngayon na malaki na ang chance ko na mabuhay ulit ng normal, i have to win her back.

"Ma, pakibaba ako sa school." pakiusap ko kay Mama.

"Inexcuse ka nanaman ng school mo, di mo na kailangang pumasok. Magpahinga ka nalang muna nak." Ani ni Mama.

"Sige na Ma, may importante lang ako na kailangan gawin. Please?" Pakiusap ko sabay puppy eyes.

Umiling lang si Mama at tumawa, sabi ko na nga bat kahit kailan ay hindi nya matitiis ang charms ko.

*****

Masaya akong naglakad sa hallway, ngayon lang ulit ito nangyari. It seems like this is my saving grace. Ngayon lang ulit ako sumaya. Punong-puno ako ng pag-asa.

Tumakbo ako papasok ng classroom. Anong oras na kaya? Napatingin ako sa wrist watch na suot ko, hindi ako nakatingin sa daan kaya hindi na ako gaanong nagulat nang may nakabangga ako. Mas nagulat ako ng malaman ko na si Jayla pala yun.

Nahulog sa kamay nya ang isang singsing. Laking tuwa ko ng makita na ang singsing na ito ay yung singsing na bigay ko sakanya.

Pinulot ko ito at ibinigay sakanya. Bigla akong napatigil. Parang napaniginipan ko na to. Hindi ako sigurado kung panaginip ba talaga pero wala naman akong maalala na nangyari to dati kaya baka panaginip lang.

Ito na yata ang magandang timing para tanungin sya kung pwede ba syang makausap. "Jayla.."

"Ah..salamat" Hindi ko na nya ako pinatapos at agad na syang naglakad papalayo.

Nakaramdam ako ng pagkahilo pero dinedma ko nalang at sumunod ako sa Science Laboratory.

"Hi Reid! Sabi ni Prof, absent ka daw ngayon. Buti naman at pumasok ka hihi." Bati ni Eleanor sa akin pagpasok ko sa Science Lab.

"Ah oo." Sagot ko habang nakatingin parin kay Jayla. Hinawi nya ang buhok nya habang may binabasa sa notebook. Ang gulo gulo ng buhok nya at mukhang hindi sya nagsuklay pero ang ganda nya parin.

"Reid? Nakikinig ka ba?" Tanong ni Eleanor. Halata sa boses nya ang pagkainis.

"Huh?" Nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Wala." Ani niya sabay walk out.

Ginrupo kami sa tig aapat at sa kasamaang palad, hindi ko nakagrupo si Jayla. Di bale at mamaya, sisikapin ko na makausap sya. bulong ko sa sarili.

Ilang minuto ang lumipas at bigla nalang syang lumabas,susundan ko sana sya pero napag utusan akong iexamine ang lab sample sa microscope kaya hindi natuloy. "Reid, ikaw na mag examine oh, please! Genius ka naman diba! Pleaseee!"

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon