Chapter 39

237 7 0
                                    


I don't know what hurts more.. ang mawalan ng taong mahalaga sayo ng di mo inaasahan o mawalan ng taong mahalaga sayo nang inaasahan mo na.. Paano kung both? Kakayin mo ba?

Pakisabi kay Reid, alagaan tong organ ko ha! :D

Harry

Nagulat ako sa nabasa ko. Agad na hinanap ng mata ko si Harry para pigilan sya sa binabalak nya pero..

"Harry wa---"

Nasagasaan sya ng truck. Kitang-kita ko kung paano tumilapon sa ere ang katawan ng bestfriend ko. Ang katawan ng taong laging nandyan para sa akin. Ang taong kayang isakripisyo ang lahat para sa kaibigan nya.

Pakiramdam ko huminto lahat. Nawala ang bawat ingay sa lugar. Wala akong ibang makita kundi ang duguang mukha ni Harry.

Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko. Nanghina ang mga tuhod ko na parang pag ginalaw ko ang mga ito ay di nila kakayanin at matutumba ako.

Hindi ako makahinga. Para bang may sumasakal sa akin. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Nanginginig ang buo kong katawan na para bang binuhusan ako ng isang baldeng tubig na punong-puno ng yelo.

"Halaaa, yung lalaki nasagasaan! Tulungan natin!" Sigaw ng isang babae na di ko kilala. Dun ko lang narealize ang lahat ng mga nangyari. Para bang nawala ako saglit sa mundo at kung hindi sumigaw yung babae sa likod ko ay hindi ako makakabalik.

Tumakbo ako agad sa gitna ng daan kung saan nakahandusay ang duguang katawan ni Harry. Lumapit ako at lumuhod sa tabi nya.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" Nanginginig ang boses ko.

"Harry.. Harry.." pinikit ko ang mga mata ko habang hawak ang mga kamay nya.

I tried to convince myself that this is just a dream, a nightmare. Hindi totoo toh diba? Hindi totoo toh? Bangungot lang to diba? Magigising din ako!

"Miss, excuse me. " napilitan akong imulat ang aking mga mata nung may tumapik sa likod ko. Paglingon ko ay mga medic. Mas lalo akong nanginig. All of these are true.

Pagdating namin sa hospital ay diniretso agad si Harry sa Emergency Room. Hindi ko alam ang gagawin. My whole body is numb and shaking.

"Hija.." biglang dumating ang tatay ni Harry. His voice is shaking as well.

"Tito.." niyakap ko sya. "Tito, i don't know how.. I'm sorry."

"What happened? Paano.. Paano.." he let out a series of uncontrollable sobs. It broke my heart. Ngayon ko lang nakitang ganito si Tito.

"My son.. my son.." biglang dumating ang Mama ni Harry.

"Tita.." lumapit ako sakanya para yakapin sya pero hindi yakap ang nakuha ko.

"Hon! Why did you do that?" Sigaw ni Tito.

Kundi sampal.

"Ikaw! Ano bang meron sayo ha? Are you cursed or something? Bakit lahat ng napapalapit sayo namamatay o di kaya napapahamak? Sinumpa ka ba? Sinumpa ka!" Sigaw ni Tita sa akin habang hinahampas hampas ako ng bag nya.

Hindi ako umilag o gumanti, hindi ko sinangga o sinubukang pigilan sya. Tinanggap ko lahat. Tinanggap ko ang sakit, physically and emotionally. Siguro 1/4 ng brain ko was trying to convince me na hindi totoo ang sinasabi nya. Pero almost the whole part of me thinks.. "What if? What if tama nga sya?"

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon