Chapter 17

247 14 0
                                    

"My parents broke my heart before anyone else could.. "

-x-

Jayla

Huminto ang sasakyan ni Reid sa tapat ng bahay namin. Bababa na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Hindi muna ako makakadalaw sa inyo mamaya ah?" Paalam nya. Medyo namumutla sya at pinagpapawisan.

"Okay ka lang Reid?" Tanong ko. Di ko maiwasang mag-alala. Baka kasi may lagnat to at di man lang sinabi sa akin. Takbo ng takbo at panay talon pa naman kami kanina, baka nabinat.

"Hindi. Nilalagnat ako. Kailangan ko ng kisspirin at yakapsul ni Jayla. Haha" sabi nya.

Inirapan ko lang sya. "Kailan ka ba makakausap ng matino?" Biro ko.

"Pag magaling na ako. Kaya dali bigyan mo na ko ng daily dose of kisspirin!" Sabi nya sabay nguso sakin.

"Sige, pumikit ka muna" utos ko.

Pumikit naman sya habang ang laki-laki ng ngiti sa mukha. Inilapit ko ang mukha ko sakanya at nung sobrang lapit ko na sakanya ay kinagat ko ang ilong nya. Ang tangos tangos kasi eh. Nanggigigil ako.

"Aray Jayla.. Baliw ka talaga!" Sabi nya sabay himas ng ilong nya habang natatawa. "Pwede namang nose to nose nalang para mas romantic" dagdag nya pa.

"Eh mahihirapan tayo.." Sabi ko. Bigla naman syang napakunot ng noo.

Tinawanan ko lang sya at nung lalabas na sana ako ay bigla syang humalakak na parang nakarinig sya ng isang dakilang joke .

"Ah.. Mahihirapan tayo kasi wala kang ilong?" Tukso nya.

Napahawak ako sa ilong ko. Oo, hindi to ganun kaaas tulad nung sakanya pero may ilong naman ako.

"Huy, ikaw!" Sigaw ko sabay hampas ng braso nya. "May ilong kaya ako!"

"Hmm.. Meron ba? Wala naman akong nakikita e" tukso nya ulit habang humahalakhak.

Hinamhapas ko lang sya ng hinampas ng mahina sa braso habang sya ay walang ginawa kundi umilag at tumawa.

"Ewan ko sayo.." Sabi ko at binuksan ko na ang pinto pero hinawakan nya ulit ang kamay ko.

"Lapit ka sakin." Utos nya. Seryosong-seryoso ang mukha nya. Ibang-iba sa ekspresyon nya kanina. "Kahit anong mangyari, lagi mong iisipin na mahal na mahal na mahal kita." Sobrang lapit namin sa isa't isa. Halos magkadikit na nga ang mga labi namin. Napakabango ng hininga nya at sobrang init. I never felt so alive not until his breath touched my skin.

Bigla nyang iniangat ang mukha nya para halikan ang noo ko. Pero pinigilan ko ito. I held his chin at ibinaba ito para maging magkalevel ang labi naming dalawa.

"Magpagaling ka ah. Here's your kisspirin.." Sabi ko sabay halik sakanya. Biglang nanghina ang tuhod ko. God, his lips. It was so soft against mine.

Our kiss wasn't that deep. Smack lang pero ang romantic parin.

He caressed my cheeks, staring at every angle of my face. Memorizing me na para bang hindi na kami magkikita ulit.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon