Chapter 24

285 12 6
                                    

-x-

Jayla

Nagising ako kinabukasan na nakaupo si Reid sa dulo ng kama ko. Masaya akong makita sya pero iba ang ekspresyon na nakikita ko sa mukha nya.

Sinubukan kong dedmahin ang mga hinala sa isip ko at ngumiti sakanya. Tumango naman sya at lumapit sa akin.

"I'm sorry.." Bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita" bulong nya.

Bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na sya at naglakad papalayo sa akin.

Gusto ko syang habulin.. Gusto ko syang pigilan, pero naguguluhan parin ako. Ano bang nangyayari? Bakit ba sya nagkakaganyan? Ano bang problema?

Masyado akong nalunod sa sarili kong pag-iisip na hindi ko namalayan na wala na pala sya sa loob ng kwarto ko, nakaalis na pala sya.

Natapos ang araw na yun na hindi na ulit nagparamdam si Reid. Kahit anino man lang nya ay hindi ko nakita.

Hindi ko alam kung anong nangyayari.. Pati ako ay naguguluhan din.

Buti nalang at nandyan si Harry para aliwin ako kasi kung hindi baka nabaliw na ako sa kakaisip. Idagdag mo pa lahat ng binubulong sa akin ng sarili kong inner demons.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa walang humpay na pagring ng cellphone ko. Masigla akong tumayo galing sa pagkahiga. Nag cross-fingers pa ako bago tingnan ang cellphone pero nadissapoint naman ako kaagad ng makitang hindi si Reid ang nagtext o tumawag.. Kundi si Harry at ang Detective.

From Harry:

Good morning!

Napangiti naman ako ng makita ang text ni Harry. Parang narinig ko nanaman sa isip ko ang british accent nya. Sobrang sarap sa tenga.

Buti pa si Harry nag-gugood morning eh no? Eh yung boyfriend mo? Walang keber! Sinabunutan ko ang sarili ko. Nakakapagod. Ayokong mag-overthink pero paano ko naman maiiwasan yun eh laging naka buntot sakin tong inner demons ko.

Napabuntong hinga nalang ako at dinedma nalang ang mga sarili kong paghihinala.

From Detective:

Alam na namin kung sino ang may sala sa pagkamatay ng Daddy mo. Magkita tayo sa Presinto at 8pm sharp.

Pagtingin ko ay 7:45 na. Dali-dali akong naligo at nagbihis tsaka bumaba na.

Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na pabalik-balik na naglalakad galing kusina papuntang sala at galing sala papuntang kusina. Bakas sa mukha nya ang takot at pagkabahala. Nang makita nya ako ay bigla syang tumigil.

"Halika na" sabi nya. Tumango lang ako at sinundan sya papunta sa kotse.

————×

Medyo malayo ang byahe pero nakarating naman kami agad. Bukod sa walang traffic dahil may holiday ngayon ay mabilis ding magpatakbo ng sasakyan si Mommy.

Pagdating namin dun ay as katulad ng dati, pinapasok kami sa isang silid na walang kabuhay-buhay ang kulay ng dingding at isang mesa, ilaw at tatlong silya lang ang laman.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon