The End in 2,017 words

312 9 9
                                    

"Beginnings are usually scary. Endings are often sad. But it's what in the middle that counts and make things worth living "

Sobrang bilis ng panahon. Ang raming nangyaring bagay na kahit sa panaginip ko ay hindi ko inakalang mangyayari.

Akala ko noon, naranasan ko na lahat ng sakit. Wala na yatang mas sasakit pa sa mga pinagdaanan ko. Akala ko noon, hindi na ako masasaktan pa kasi nasanay na ako sa sakit eh, nasanay na ako sa pakiramdam ng masaktan pero hindi pa pala.

Ilang buwan na ang nagdaan simula nung magkabangga kami ni Reid sa hospital. Naaalala ko pa nun kung pano ako nabighani sa mga mata nya.

Akala ko noon, isa lang sya sa mga tao na dadaan lang sa buhay mo tapos mawawala na. Yung aksidenteng makakabangga mo lang o di kaya makakatabi mo sa jeep.

Pero hindi. Dinala si Reid ng pagkakataon sa akin. Nagtataka nga ako eh, ano kaya ako ngayon kung hindi ako dinala sa ospital nung araw na yun? Paano kung hindi kami nagkabangga sa hallway ng ospital? Paano kung hindi sya pumunta sa kwarto ko at nakipagkaibigan sa akin? Masaya kaya ako? Malungkot?

Nakakatawa nga eh kung paano kami pinagtagpo ng tadhana. Parehos kaming nawawala. Parehos kaming may hinahanap sa buhay. Halos magkapareho kami pero magkaiba din. Gusto nyang mabuhay, kabaliktaran naman ang gusto ko. Pero pag magkasama kami.. wala kaming ibang kagustuhan o hiling kundi ang maging masaya ng magkasama.

"Jayla.." Sinalubong agad ako ni Tita ng yakap nang dumating ako kinaumagahan sa hospital.

Gusto ko sanang samahan si Reid sa hospital habang inooperahan sya pero sabi sakin ni Mama bigla daw akong nawalan ng malay dahil sa stress at pagod kaya napagdesisyunan nya na iuwi nalang muna ako sa bahay para makapagpahinga.

"Kamusta po ang operasyon ni Reid?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong iyon kay Tita. Hindi ako sigurado kung gusto ko ba talagang malaman ang sagot. Natatakot ako at kinakabahan.

Paano kung..

"Jayla..." Niyakap nya ako.

Nakaramdam ako ng matinding takot. Tinulak ko sya ng mahina. "Tita.. Tita.. Please." Hinawakan ko ang mga kamay nya.

Wala syang ibang sinabi. Hinawakan nya lang ang mukha ko at dumako ang tingin nya dun sa operating room.

Tumango ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa silid na iyon. Hindi ko alam kung naglalakad pa ba ako o lumulutang na lang. Halos hindi ko na kasi maramdaman ang paa ko na tumatama pa sa sahig.

Habang papalapit ako ng papalapit sa Operating Room ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin.

Pagdating ko dun ay walang ibang tao.

"Reid.." sambit ko ng makarating ako sa harap ng pintuan. "Nandito na ako.." sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko na tila ba hindi nauubos. "Okay ka lang ba?"

"Reid.. naaalala mo ba nung sinabi kong natatakot ako kasi sobrang saya ko? Nung nakita kitang bumagsak nung mga oras na yun, sobrang kinabahan ako. Takot na takot ako Reid. Akala ko binabawi na ng tadhana ang kasiyahang iyon. Yun ang naisip ko. Hindi ko alam ang gagawin.." pinunasan ko ang luha ko.

"Please wag kang bibitaw dahil promise.. Ako din." Hinawakan ko ang pintuan habang nanginginig ang kamay.

"Tanga." Laking gulat ko ng biglang may nagsalita sa likod ko. Lilingon sana ako pero bago ko pa man yun nagawa ay niyakap nya ako kaya hindi ako nakalingon.

"Bat mo kinakausap ang pintuan? Nababaliw ka na ba?" Tumawa sya ng mahina.

"Reid..."

"Shhh..At tsaka walang pwedeng kumuha nyang kasiyahan mo ng wala ang permisyon ko." Hinawakan nya ang kamay ko.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon