Chapter 16

264 13 12
                                    

"Suicide is not stupid. You know what's stupid? Hurting someone emotionally that they will think suicide is the only answer"

-x-

Jayla

Minulat ko ang mga mata ko. At wala akong ibang nakita kundi mga puting dingding at mga tubes ng dextrose at oxygen.

Unfortunately, i survived death for the 6th time.

Buhay na naman ako. At nandito nanaman ako sa hospital.

"Wow.. Welcome back Jayla." Bulong ko sarili habang nakangiti ng mapait at nakakuom ang kamao. "You're one of a hell bad grass. Aren't you?" dagdag ko.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Reid habang may dalang kape sa kamay.

"Oh.. Jayla. " bati nya. "Gising ka na pala. Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin? May kailangan ka? Sabihin mo lang ha.." Sabi nya habang nakatitig sa akin. Namumugto at pulang-pula ang mata nya.

"Reid.. Ilabas mo na ako dito." I said in a cold tone.

"Oo. Lalabas tayo pag magaling ka na." He responded with a grin.

Heto na naman sya, he's acting again like nothing happened.

"Reid! Please ilabas mo na ako dito!" I raised my voice.

"Jayla.. "

"Ano? Ha? Sasabihin mong hindi pagkakamatay ang solusyon? Wala kang alam Reid! Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko! Bat hindi mo ako hinayaang mamatay? Di ba alam mo naman na yun ang gusto ko?" Halos maubos na ang boses ko sa kakasigaw. Nakatayo lang si Reid sa harapan ko habang nakayuko.

"Hindi ko kay--"

"Fuck! Urgh! Ayoko na! Gusto ko nang mamatay Reid.. Please. Just let me die. Pagod na ako." Sabi ko habang humahagulhol..

Wala syang sinabi. Nanatili lang syang nakayuko habang umiiling.

"Ganun na lang yun Jayla?" Bigla syang nagsalita at tiningnan ako. Hindi ko alam kung lungkot o galit ang bumabalot ngayon sa puso nya. Pero isa lang ang alam ko.. Nasasaktan sya. "Magpapakamatay ka dahil kay Johnson? Dahil ikakasal na sya sa bestfriend mo?" Sigaw nya. His knuckles turned white.

"Wala kang alam Reid.. Hindi mo alam kung gaano kasakit. Si Johnson ang buhay ko!" Sigaw ko. Bigla akong napatakip ng bunganga. Kahit ako ay nagulat sa mga sinabi ko.

Nakita kong biglang umiba ang ekspresyon sa mukha ni Reid. Kitang kita ko kung gaano sya nagulat.

"Eh ano ako Jayla ha? Comfort Blanket mo ganun? Panakip butas? Akala ko ba parehos tayo ng nararamdaman? Akala ko ba mahalaga din ako sayo?" Sumbat nya. Tumawa sya pero tuloy-tuloy parin ang pagpatak ng luha nya.

"Reid.. Sorry--"

"So totoo nga? So totoo nga na ginamit mo lang ako?" Napahawak sya sa dibdib nya. Habang umiiyak parin.

"No Reid.. Gusto kita. " sabi ko. I tried to hold his hands pero inilayo nya yun sa akin.

"Gusto mo ako.. Pero mahal mo parin si Johnson.." He said while smiling bitterly.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon