Chapter 33

248 14 0
                                    

Jayla

Huminga ako ng malalim at hinalikan ko sya.

Hindi ko alam kung anong naisip ko at ginawa ko yun. Namimiss ko lang sya. At alam ko namang wala syang maaalala pagkatapos nito.

Tumayo na ako at aalis na sana pero hinawakan nya ang kamay ko.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

Hindi ako makasalita. Para bang nalunok ko ang sarili kong dila.

Tumawa sya ng mahina. "Magpanggap nalang tayo na hindi nangyari yun. Promise, kakalimutan ko na yung ginawa mo. Samahan mo lang ako dito."

Napabuntong hinga ako bago umupo ulit at tinabihan sya.

Ilang minuto kaming tahimik. Wala ni isa sa amin ang balak magsalita. Siguro ay pareho kaming naiilang sa isa't-isa dahil sa nangyari kanina.

"Bat mo ginawa yun?"

"Sabi mo kakalimutan mo na?" Reklamo ko.

"Ah hehe. Curious lang."

"Ewan. Lasing na yata ako." Palusot ko.

"Ah. Haha" umiling-iling sya.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nagsalita. Kaya itunuon ko nalang ang atensyon ko sa hawak kong buti ng beer. Ganun din ang ginawa ni Reid. Uminom kami ng uminom.

Ilang minuto ang lumipas, sobrang init na ng katawan ko. Lumalabo na din ang paningin ko at ang sakit sakit ng ulo ko.

"Hoy weid *hik* bat ka ba *hik* nagthetherapy? Hahaha"

"Hahaha. May *hik* cansher kashi *hik* ako hahaha"

"Gago *hik* hahaha. Yung sheryoso *hik*"

"Hahaha. Ewan, *hik* di ko din alam *hik* eh"

"Eh ikaw? *hik* bat ka umiinom?"

"Hmp! Shikret! Ayowkong shabihin seyu!"

"Shige na. Di ko naman din maalala toh hahahaha."

"Eto kasing bote! Ang gago eh! Iiwan nalang ako bigla! Ang unfair! *hik* Ano bang nagawa ko? Wala naman ah. Tas sabi nya mahal nya ako? Eh kung mahal nya ako! Bat nya ako iiwan! Gago ba sya? Gago tong bote! Walang hiyaaaa!"

"Eh gago pala yang bote *hik* na yan eh!"

"Oo nga! *hik* inom nalang tayo!"

"Shige shige hahaha!"

"Cheers! Hahaha"

------->

Paggising ko ay umaga na. "Urgh!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo ko na parang sinusuntok suntok.

Pagtingin ko ay alas dose na. Sakto at wala kaming pasok ngayon. Balak ko lang humiga dito sa kama at kalimutan na nag-eexist pala ako.

Wala akong maalala sa nangyari kahapon. Ang naalala ko lang ay may kainuman ako. Yun lang. Ang absurd pakinggan. Para akong lasinggero na tambay dyan sa kalye na walang patutunguhan sa buhay. Pilit ko mang alalahanin pero wala talaga akong maalala.

Pagbaba ko ay nandun si Mama sa kusina. Halatang busy sya dahil sa rami ng papel at documents sa harapan nya.

"Oh, gising ka na pala?" Bati nya. "May pagkain dyan sa ref. Kumain ka na kung nagugutom ka."

"Paano ako nakauwi kahapon?" Tanong ko.

"Hinatid ka ni Reid." Matipid na sagot ni Mama.

"Ni Reid?" Sigaw ko.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon