Epekto siguro ito ng mga nababasa kong fictional love stories eh. "Oh siya, sabihan mo ako kapag aalis ka na ipapahatid kita kay Manong Tasyo mo." Napangiti ako, finally! Magkikita ulit kami ni Allain, not that we haven't met for a year, pero buong summer hindi kami nagkita so he'll probably expect me to be like this.

Kagaya ng sinabi ni Yaya Alice ay hinatid nga ako ni Manong Tasyo sa mansion ng mga Del Valle.

Kilalang-kilala na ako ng bodyguards nila, kaya nang bumaba ako sa kotse ay agad din nila akong binati, ngumiti ako sa kanila at bumati rin. Ang ilan na halos kasing edad lang ni Allain, ay nakausap ko pa.

"Cline hija!" Bumungad sa akin si Ninang Jearri na naka- apron pa. "Hindi ka nagpasabi na pupunta ka." Ngumiti ako sa kanya.

"Biglaan lang po, kakauwi lang din po kasi namin last week. " Inakbayan ako ni Ninang at tsaka ako iginiya papasok sa loob.

"I heard about that. How was it?" Masayang tanong ni tita, habang diretso kami sa kusina. "Pasensiya ka na, hindi ko kasi alam na darating ka kaya heto hindi pa ako tapos magluto ng carbonara." Automatic atang naging heart shape ang mga mata. My all-time favorite!

"Mabuti na lang din pala at dumating ka, paborito mo 'to diba?" Tumango ako. "Pareho talaga kayo ng Ninong Laxer mo." Siguro ay nagtwi-twinkle na ang mga mata ko ngayon. Masarap kasing magluto si Ninang Jearri, mas masarap pa sa mga fine dining restaurant na kinakainan namin.

"Yes Ninang! Na-miss ko po kayo. Sarap niyo pa naman pong magluto." Papuri ko sa future mother in law ko. Napangiti pa lalo ako nang malapad sa naiisip ko. Siguro sa susunod dapat na mag-aral na rin akong magluto.

"Ikaw talaga, mas na-miss mo panigurado ang baby boy ko." Natawa ako, paniguradong maiinis si Allain kapag narinig niyang tinawag na naman siyang baby boy ng mommy niya. "Andun siya sa study room niya, may kung anong papel na naman na inaasikaso." Ngumiti ako nang malapad kay ninang.

"Pumunta ka na roon, at hahatiran ko na lang kayo nitong carbonara." Tumango-tango ako at ngumiti na abot langit.

"Sige po Ninang." Humalik muli ako sa kanyang pisngi at tsaka nagtungo sa study room ni Allain, malawak ang mansion nila pero sanay na sanay na ako sa bawat pasikot-sikot nito, kulang na nga lang ay dito na rin ako tumira. I smirked. I would be glad to.

Dahan-dahan akong nagtungo sa second floor kung nasaan ang study room ng future husband ko. Hindi na talaga maaalis pa ang ngiti sa aking labi kahit kailan. Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto at tsaka ito marahang binuksan, ni hindi man lang natinag sa pagkakaupo 'tong si Allain, na may seryosong tina-type sa kanyang desktop.

"Allain hubby!" Pambubulabog ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at matalim akong tiningnan. Abo't-abot na lamang ang inis niya sa likod ng kanyang eye glasses, grabe! Mas lalo siyang nagma-mature kapag naka-eye glasses. Kung ordinaryong babae ang makakakita ng titig niya ngayon ay paniguradong matatakot na, pero ako nasanay nang ganito siya, kaya normal na lamang ito sa akin.

"Will you shut up and stop calling me hubby!" Bulyaw niya agad sa akin. Nag-make-face lang ako dahil sanay na ako sa ganito.

Agad akong lumapit sa kanya at ninakawan ko siya ng halik sa pisngi. Mas lalong namula ang mukha niya dahil sa inis. "Bakit? Anong masama? Na-miss ka ng wifey mo." Nagkibit ako ng balikat.

Hindi niya ako muling pinansin pa. Nakakainis naman! Mas gusto ko pang lagi siyang naiinis at naiirita sa akin kaysa ganito na hindi na naman niya ako papansinin.

"Ang seryoso naman ng hubby ko..." Paninimula kong muli. Ang sarap niya lang kasi talagang inisin at asarin.

"Paano na tayo kapag kinasal tayo next year?" Sinamaan niya lang ako ng tingin. Totoo naman kasi, we'll have our engagement party right after my debut. It is already planned.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now