Prologue

304K 3.5K 241
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, events are just product of the writer's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely coincidental. 

All rights reserved 2016. No part of this story may be reproduce in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the writer.

Finished: December 30, 2016- July 29, 2017

Former title: TEARS FOR A HEARTLESS BILLIONAIRE 

Warning: this is written year 2016, you might hate it in the middle, the characters are so immature, martyr in terms of love, so might hate them at all cost. Instead of judging all of it, I suggest it's up to you if you'll continue reading this. I have other stories way better than this. Thank you so much. God bless you.
 ----

"Yaya I'll have M & S malted milk biscuit." Ani ko kay yaya nang makababa ako mula sa aking kwarto para sa merienda. "And a cup of tea please. Thank you po." Ngumiti ako kay Yaya Alice.

"Yun lang Cline?" Tumango ako at nagtatakang tumingin sa kanya. "Mabubusog ka ba nun?" Sabi niya habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok na halos hanggang baywang ko na. Nang matapos kong suklayin ay ginamit ko naman ang mga daliri ko para masuklay koi to.

"Opo Ya!" Masaya kong sabi sa kanya. "Pakidala na lang po sa may pool." Tsaka ako lumabas patungo sa pool namin. Nilagay ko ang towel ko sa may gilid ng sun lounger. Sakto lang ang init ng panahon ngayon na sinamahan ng marahan na pagsaway ng hangin sa aking buhok.

"Magswi-swimming ka?" Umiling ako tsaka umupo ako sa sun lounger namin. Naghintay ako para sa hinahandang merienda ni Yaya.

This week's the last week of summer, kakagaling lang namin nila Mommy and Daddy sa South Korea last week, and I'm about to rest for this week, kasi pasukan na naman next week. I'm turning eighteen next year. God! I'm so excited.

"Yaya, hindi pupunta si Allain?" Tanong ko nang ilapag ni yaya ang pinahanda kong merienda sa may gilid ko.

"Hindi naman nagpasabi ang mommy at daddy mo na may bisita ka ngayong araw." Tumango ako tsaka ngumuso. Hindi niya man lang naisip na bisitahin ako. Di bale, next year hindi na naman niya ako kailangan pang bisitihan dahil araw-araw ko naman siyang makikita, iniisip ko palang kinikilig na ako. Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Paniguradong, nagpapaka- busy yun sa pagiging trainee ng daddy niya. Kung sabagay okay lang naman yun, sa dami ba naman ng negosyo ng daddy niya ay paniguradong siya rin ang magmamana ng lahat ng ito. "Dito ka lang muna ah, at sasabihan ko lang yung ibang kasambahay ng mga gagawin nila." Tumango ako tsaka nagpasalamat.

May naalala ako kaya tinawag ko ulit siya. "Uh... yaya!" Lumingon sa akin si Yaya Alice. "Would it be nice if I visit him today? Hindi ko naman kasi siya nakasama ngayong summer eh." Sabi ko kay yaya, ngumuso ako at tsaka nilaro ang mga daliri ko. Sana pumayag si yaya.

"Naku! Ang balita ko ay nag-a-advance yun sa pag-aaral niya. Baka lalo lang yung mainis sayo kapag naistorbo." Ngumisi ako. Okay lang naman yun eh, at least napapansin niya ako kahit lagi siyang naiinis at naiirita sa akin.

Akala mo laging may dalaw. Ang daldal ko pa naman pero ayos lang, sa sungit niyang yun kailangan niya ang isang madaldal na tulad ko, wala nang iba pa. Si Allain ay para kay Cline lamang. Si Cline ay para kay Allain. Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko.

"Yaya pag naubos ko na 'to, pupunta po ako sa kanila ah. Nami-miss ko na rin si Ninang Jearri eh." Syempre nami-miss ko na rin si Allain.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka na nadala riyan kay Allain. Alam mo namang napakasungit nun diba?" I don't know but snob, cold hearted, heartless guy, malakas ang dating ng mga ganyan sa akin.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora