Miraculous 50

8K 264 29
                                    

Third Person.

Itinukod ni Uzziah ang palad sa lupa at kumuha ng lakas para tumayo. Naninikip ang dibdib, naramdaman niya ang pamilyar na kirot sa dibdib nito. Pagka-guilty, galit, pagdadalawang isip. Mabilis na tumingin siya kay Urriah na nakatingin sa kanya.

Nararamdaman niya.. nararamdaman niya ang kung anumang nararamdaman ng kapatid niya.

"Huwag niyo ng hangarin ang Miraculous." Mariing sambit ni Uzziah at pinagsawalang bahala ang nararamdaman.

Bakit, Urriah? Ginamit ka rin ba? Pinaglaruan?

Mabilis na tumalon paatras si Uzziah, palayo sa kanyang ama.

"Sa tingin mo, sa ginagawa mong paglaban sa pangalan ng Miraculous mawawala ang mga naging kasalanan mo?" Tanong ng kanyang ama.

Sa bawat hakbang ng paa nito, sumasakop ang dilim sa paligid.

"Sa tingin mo, mapapatawad ka nila sa ginawa mong pagpatay sa kanilang kaibigan?"

"Sa tingin mo sa ginagawa mo, tatanggapin ka ng buo ng iyong mga pinaniniwalaang kaibigan?"

Umatras si Uzziah. Palayo sa kanyang ama. Alam niya kung gaano kadelikado ang pagsakop ng dilim sa paligid. Alam niya kasi siya mismo ay ito ang kapangyarihang taglay!

"Wala kang kwentang kaibigan! Wala kang kwentang anak! Traydor at taksil ng palasyo!" Galit na sigaw ng kanyang ama at tuloy tuloy ang paghakbang palapit sa kanya.

Palaki rin ng palaki ang sakop ng kadiliman.

"Mamatay ka kasama ng lugar na ito! Mamatay ka kasama ng lahat ng ito!"

Natigilan si Uzziah at tumigil sa pagatras. Tama. Kung anong kapangyarihan ng kanyang ama ay siyang kapangyarihan niya. Tama. Ikinuyom niya ang kamao at hindi pinansin ang pagdugo ng kanyang likuran.

Pasensya na kapatid, kung wala akong nagawa para tulungan ka.

Inihakbang nito ang paa palapit sa kanyang ama. Hindi kita itinuring na ama, at hindi ko pinagsisisihan iyon.

Hawak ng kanyang ama ang isang punyal. Katulad ng ibinigay niya kay Aezi. Ipinilig niya ang ulo, hindi pwedeng ang kanyang ama ang makakapatay sa kanya. Hindi pwede. Si Aezi. Siya ang nararapat.

Alam niyang kapag sa kanyang ama napunta ang kapangyarihan na hihigupin ng punyal upang tuluyan siyang mawalan ng buhay, gagamitin niya lang ito sa pagsakop sa buong Miraculous.

Hindi niya hahayaang mangyari iyon. Sa ngalan ni Hanz Daryn, ni Aezi. Ang Supremes, si Queen at ng buong Miraculous.

Dugo niya lang ang itim at hindi ang kaluluwa niya. Kapangyarihan niya lang ang itim at hindi ang pagkatao niya.

Si Uzziah. Buo na ang isip. Sinalubong ang sariling ama kasabay na nagkasagupa ang kapangyarihan ng dalawa na naglikha ng malakas na pwerda.

Sa kabilang dako, nahinto ang lahat sa pakikipaglaban ng maglaho lahat ng nilalang na umaatake sa kanila. Tila ba umatras ang lahat dahil sa lakas ng prisensya. Maging ang mga dark casters na kasapi ng dilim at huminto at umatras.

Hindi nila kayang maramdaman ang ganuon kabigat na kapangyarihan. Nakakapagpataas ng balahibo, nakakapangilabot ang kuryente na dulot ng pangyayaring iyon.

Ramdam ito sa kadulu-duluhang bahagi ng Miraculous.

"Si Uzziah.." sambit ni Aezi sabay bato ng fireballs sa kung sino mang madadaanan ng kanyang mata na kalaban.

Si Uzziah lang ang may ganitong klase ng kapangyarihan na kaya kang takutin maramdaman mo lang ang prisensya nito kahit ilang milya ang layo mo sa kanila.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now