Miraculous 35

7.3K 260 8
                                    

Uzziah's POV

Pinulot namin ang mga gamit na hindi tuluyang nasira ng higanteng agila. So far, so good. Sinubukan kong kunin yung bag ko kay Aezi pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat ko sa likod pero heto na naman, may lumitaw na pasa sa may bandang balikat ko. Napansin ko yun kanina nung nagbibihis kami pero hindi na ako nagabalang ipaalam pa sa kanila.

Sanay na naman ako sa mga ganito at hindi na bago. Pansin ko ang panghihina ng iba sa amin, dahil narin sa paggamit nila ng kapangyarihan kanina kahit ilang ulit ng sinabi na huwag. Wala e, mas matimbang pagbibiruan.

Tiningnan ko ang palad ko, hindi ako pwedeng magpalabas ng kapangyarihan ko na ginawa ko tulad ng dati, kung hindi, matutunton na nila kami.

"Lalim ng iniisip a?"

Nagangat ako ng tingin. Bumungad sa akin si Hanz na pasimpleng tumingin sa akin.

"Ah, wala." Tipid na sagot ko. Huminga ako ng malalim. Muli siyang nagpalabas ng bolang liwanag. Huminto siya saglit at kinuha ang palad ko, lumipat doon ang liwanag na iyon at inabsorb ng palad ko.

"Bakit?"

Bumuntong hininga siya bago tingnan ako ng seryoso. Hindi ako sanay na ganito ang inaakto ni Hanz, hindi ako sanay sa seryosong mata niya at sa titig niya. Napaiwas ako ng tingin.

"Uzziah, kahit anong mangyari. Nandito ako."

Kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa kamay namin na pinagsiklop niya.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari o kung ako lang ang nakakaranas nito.. hindi ko na alam."

"Hanz, tumingin ka sa'kin." Sinunod niya ang sinabi ko. Sinalubong ko ang mga mata nitong naguguluhan.

"Pagkatiwalaan mo ako, Hanz." Lumunok ako mg ilang ulit. "Makakauwi tayo sa Miraculous."

Ilang sigundo bago siya tumango at bahagyang pinisil ang kamay ko.

"Oo, makakauwi tayo."

Minasdan ko siyang naglakad at sumabay sa iba pa naming kasama na parang walang nangyari. Hanggang sa magtama ang tingin namin ni Aezi na huminto rin pala at sa tingin ko, nakita niya lahat, sinundan niya ang kanina ay tinitingnan ko bago marahang kumuyom ang kamao at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Hanz... hindi lang ikaw ang maguguluhan.

Naikuyom ko ang kamao at muling tiningnan si Hanz mula sa likod niya. Kahit anong mangyari, makakauwi ka sa Miraculous, Hanz. Makakauwi ang Supremes sa Miraculous.

Nakita ko ang hinaharap. Nakita ko ang kung ano mang gustong ipakita ni Queen. Pwede kong baguhin iyon, pwede.. kong baguhin ang bagay na iyon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Walang nagtangka na sumalubong sa amin o manggulo. Pagkatapos ng ilang oras ay nagpasya kaming magpahinga.

Malapit na kaming makalabas sa gubat, kapansin-pansin ang pagnipis ng mga puno sa paligid at ang pagiba ng pakiramdam na ibinibigay nito.

"Pagkain?" Muli akong inabutan ni Hanz ng dalawang prutas na galing sa mga puno dito. Nginitian ko lang siya at kinuha iyon. Mabilis din naman siyang bumalik sa mga kasamahan namin, at nakipagbiruan kasama sila Zhyver na hindi na naman mapakali.

"Uzziah." Itinabi ko ang prutas na galing kay Hanz. Napatingin do'n si Aezi pero hindi na siya nagtanong.

"Kumain ka." Tipid na banggit niya at iniabot sa akin ang isang biscuit na alam kong galing sa Miraculous.

"Salamat." Umupo siya sa tabi ko at minasdan din ang Supremes na nagtatawanan.

"Gusto mo siya?" Napabaling ako ng tingin kay Aezi na diretsong nagtanong. Sinundan ko ang tinitingnan nito, si Hanz na nakikipaghabulan kay Nikyla.

"Si Hanz?" I asked. Walang emosyon na tumango siya. Hindi ako nagsalita. Binalingan niya ako mg tingin.

"Honestly, takot ako na magustuhan mo siya." Kumunot ang noo ko. "I'm afraid that you might fall inlove with him or you.. already did. I saw what he did, and.. you just let him do it."

"Sa park. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makita kita. I've known you before even Gavin met you." Marahan siyang natawa at umiling bigla.

"Nevermind." Biglang tumayo ito at sinabi sa iba pa na aalis na kami. Nanatili akong nakatingin sa kanya bago marahan na ipinilig ang ulo ko.

I know.. I know you, Aezi. Before even Gavin intertwined our paths again.

×

Third Person.

"Anong tawag sa bear na walang ngipin?" Hanz Daryn asked the whole squad.

Tiningnan siya ni Jaye Shi at Zhyver.

"Another pawn again, Hanz?" Natatawang sambt ni Zhyver.

"Sige naaaaaa!"

"Oh, ano?" Inip na sambit ni Nikyla para lamang manahimik ito. Nakakainis ang ingay at walang kwentang hirit nito kaya kailangan na niyang patahimikin.

Nikyla thinks of way how to make Hanz Daryn shut up but knowing Hanz, walang makakapigil dito.

"A gummy bear!" Sumayaw sayaw pa si Hanz habang tumatawa habang nag makeface sila Allyrie.

"Buti nalang pre, nandito kami para suportahan ka." Natatawang asar ni Jaye Shi. Hanz pouted.

"How do you organize a space party?" Hanz asked again. Excited ang mukha nito.

"Ahh, Hanz. Can you please shut up?" Tiningnan ni Hanz si Nikyla na nagsalita pero tumagos ang tingin niya dito.

Sa gilid ng isang puno, kung saan nakatayo ang isang babaeng may pulang kasuotan. Itim ang mahabang buhok,  at malapad na nakangiti sa kanya. Lumipat ang tingin niya kay Uzziah na seryosong nakatingin sa kanya bago muli sa puno. Pero wala na ang babaeng iyon doon.

"Hanz! Ano na? Binibitin mo kami." Nabalik siya sa reyalidad ng akbayan siya ni Zhyver.

Tumikhim siya bago nagsalita. Teka, ano ulit yung tanong ko?

"Ano na?" Tiningnan ni Hanz si Aria at nahihiyang nagkamot ng batok.

"You planet?" Nakangiwing sambit niya. Nakatulala naman sa kanya ang Supremes.

"Grabe, di nakakatuwa joke mo Hanz. Binibigyan kami ng riddle." Inalis ni Zhyver ang pagkakaakbay sa kanya.

"Alam niyo yon, plan it? Planet?" Napa face palm nalang ang iba sa inakto niya.

Nakangiting inilibot nito ang tingin sa paligid bago bumuntong hininga.

Ano na naman yung nakita ko? Tama na please. Di na nakakatuwa.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now