Miraculous 13

15.5K 528 7
                                    

Not edited.

×

I was woke up with a harsh knock on my door saying that the Magical Duel has started. Labag man sa loob ko ay nandito na naman ako sa Mystic Circle habang pinapanuod ang walang kakwenta-kwentang laban ng dalawang istudyante sa gitna.

They've announced this last thusday. Kailangan na daw kasi nilang malaman kung may ibubuga ba ang mga istudyante o kung nag improve na daw sila sa makalipas na isang taon na page-ensayo.

Kalahati din ng puntos dito ay gagamitin at ihahalo sa puntos ng nakaraang Magical Examination para sa Magic Ranking.

Marami pang laban ang natapos sa gitna ng Mystic Circle pero parang hindi pa tuluyang nagiinit ang lugar. Alam kong may hinihintay silang laban. May inaabangan silang maglalaban.

Tumingin kaming lahat sa hologram na nasa ere kung saan pinapakita ang image ng mga susunod na lalaban. Random sampling ang ginagamit. Kung sino ang makatapat mo sa hologram ay siyang makakalaban mo.

Nagkataon na nagkatapat si Jassy at Jaye Shi. Hindi naman sineseryoso ni Jaye Shi ang laban nila kasi inaasar lang nito ng inaasar si Jassy at nagtagumpay naman siya doon. I guess, wala talagang balak magpatalo si Jaye Shi pero dahil sa kadaldalan nito, nadulas siya palabas ng Mystic Circle kaya idineklarang nanalo ang galit na si Jassy. Hindi ko na pinansin kung anong nangyare pagkatapos na'n kasi panigurado ay magbabangayan lang ang mga ito.

Sunod na sumabak si Hanz and as expected, nanalo ito gamit ang physical niyang lakas. Ngayon ko lang din nalaman na bukod sa mystic nitong manggamot, mabilis din siyang kumilos at malakas. Hindi lang ako sigurado kung talagang iyan lang ang kapangyarihan niya.

Hindi sumabak sa Duel si Aezi sa hindi malaman na dahilan. Nandito siya ngayon sa tabi ko pero sinabi na niya kanina hindi siya makikipaglaban kasi may iniutos daw sa kanya si Headmaster Yashie.

Natapos ang duel ng bupng Supreme at ang hinihintay ko na lamang ay ang paglitaw ng mukha ko sa hologram. Ilang laban pa ang nagdaan bago nangyari iyon.

At ang makakatapat ko? Si Nikyla Aphro. Ini-announce ng isang gnome na siyang emcee namin ang pangalan ko at ni Nikyla. Ngumisi ito sa akin ng mauna na itong tumayo at pumunta sa gitna. Nag-goodluck din sa kanya ang ibang Supremes at sinabihan na huwag niyang masyadong seryosohin ang laban.

"Goodluck, Uzziah." Tumango lang ako.

Kahit ramdam na ramdam ko ang kaba na nararamdaman nila. Seriously? Ako ata ang lalaban at hindi sila.

Wala akong balak manalo. Iyon ang plano. Wala akong balak lumaban, pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan ko siyang masaktan ako.

Nagtapat kami sa gitna. Kung saan naghihiyawan ang mga istudyante at nagchi-cheer kay Nikyla.

Mabilis na pinalibutan siya ng sariling kapangyarihan at doon nagbago ang suot niya. Isang armour. Hindi siya balot na balot kundi isang uri ng armour na para bang hindi tapos na ginawa.

Napatingin ako sa mga palad ko. Wala naman akong armour at ayokong mag armour kung sakali. I clicked my tounge ng wala sa wrist ko ang panali ko sa buhok. Mahaba na kasi ang buhok ko at ayokong madamay ito kung sakali.

"Seriously, bitch?"

Hindi ko siya pinansin at pinunit na lamang ang dulong bahagi ng tshirt na suot ko. Good thing, komportable ang suot ko at malaya akong makakagalaw.

Tumakbo siya pasugod sa akin pero iniangat ko ang kamay para pahintuin siya at hindi ko alam kung bakit nagtataka siyang huminto.

"Wait." Sambit ko at mabilis na itinali ang buhok ko gamit ang tela na pinunit ko sa tshirt ko. Tumahimik naman ang paligid hanggang sa matapos ako.

"You know what, alam naman natin ang magiging resulta ng laban." Mayabang na sambit niya sa akin.

"Buti naman. Akala ko ako lang ang nakakaalam." Sagot ko dito. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Wala kang ibubuga, Katana. Wala kang kapangyarihan." Nangigigil na sambit nito sa akin pero hindi siya sumugod. Nakatayo lang siya, pati ako at magkaharap lang kaming dalawa.

"Sino ba sa dalawa ang gusto mo, Nikyla?" Tinapunan ko ng tingin ang dalawang iyon sa pwesto ng Supremes. "Yung nasa kanan o nasa kaliwa?" I innocently asked.

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko.

"Hindi pwedeng dalawa, Nikyla."

"Bitch! Anong akala mo sa'kin? Malandi?" I shrugged.

"Bakit ka ba nandito? Sino ka ba talaga, Katana?"

"Simulan na na'tin to, gutom na ako." Walang ganang sambit ko sa kanya.

"Malalaman ko rin ang lahat ng sikreto mo, Katana." Tinitigan niya ako sa mata. "At ako mismo ang papatay sayo kapag may ginawa ka sa Miraculous."

"Okay."

Bigla nalang bumulusok sa akin ang malalaki at matutulis na tinik. Tumalon ako ng mataas para iwasan ito. Napangiwi nalang ako ng makitang bumaon ang mga tinik sa stage ng Mystic Circle at halos masira ito.

Nanlilisik ang matang tiningnan niya ako. Pinaulanan niya ang pwesto ko ng mga tinik. Mabilis at nakakamatay. Narinig ko na lang ang hiyawan ng mga tao, kung gaano sila ka-disappointed na wala akong kapangyarihan na ipinakikita kung nabasag ko ang Element Circle.

Tumakbo ako paikot hanggang sa mapalibutan kami sa gitna ng malalaking tinik na humadlang sa mga nanunuod na makita ang laban.

Tumigil ako at tumingin sa kanya na nagulat din sa kinalabasan ng ginawa niya. Para kaming nakakulong sa isang hawla. Bukod sa makapal ang tinik na ginamit niya, malalaki rin ito.

"Ipakita mo sa akin ang kapangyarihan mo, Katana. Huwag kang duwag." Nginisihan ko ito.

"Ano bang klase ng kapangyarihan ang gusto mong makita, Nikyla? Apoy? Tubig? Hangin? Bato? Kidlat?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko.

"Pasensya na pero higit pa dyan ang kung anong kaya kong gawin, Nikyla." Humakbang ako papalapit sa kanya. Kasabay ng pagsakop ng kadiliman sa lugar.

"A-anong ginawa mo?" Malapit na kaming sakupin nito ng bigla akong tumigil sa paghakbang at sa isang iglap, bumalik sa dati ang liwanag.

Tiningnan ko naman siyang naghahabol ng hininga at puno ng takot ang mata.

"I-ikaw! Magbabayad ka!" 

Sinugod niya ako. Sinipa at sinuntok na parang wala sa sarili habang ako ay iwas lang ng iwas. Unti-unting naglalaho ang mga tinik na likha niya at sa tingin ko ay sinadya niyang pawalain ang mga iyon.

Narinig ko na ang hiyawan ng mga nanunuod. Maging ang nakatakdang pagpapatigil nila sa laban ay naudlot.

"Ate Uzziah!" Napatingin ako sa sumigaw ng boses na iyon kasabay ng malakas na sipa sa sikmura ko at ang pagtalsik ko sa barrier.

Nakita ko si Gavin na humihingi ng tawad ang mga mata. Iniwas ko naman ang tingin at pinilit ang sarili na tumayo. Masama galitin ang taong wala sa sarili.

Napailing ako habang hawak ang sikmura ko. Napatingin nalang ako sa braso ko ng bigla nalang lumitas ang ilang pamilyar na mga pasa. Heto na naman tayo. Aish.

Tiningnan ko si Nikyla na mula sa bewang niya ay dinukot niya doon ang isang mahabang punyal.

Alam kong hindi siya magdadalawang isip na itarak sa akin ang bagay na iyon. Aish. Gutom na ako.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now