Miraculous 20

11.4K 389 6
                                    

Hey loves,

Yung chapters ng story na'to ay revised pero hindi edited. Alam niyo ba yung feeling na you read the actual chapter, delete it and revised, tapos basahin ulit tapos makikita mong may typo pero tatamarin ka ng mag edit?

Hays. Hope na magenjoy parin kayo kahit na may errors.

×

Aezi's POV

Naging tahimik ang mga sumunod na pangyayari. Tiningnan ko si Uzziah, walang emosyon itong naglalakad. Kalmado pero parang pagginalaw o kinausap mo siya sa mga oras na'to ay gigilitan ka niya ng buhay.

"She's scary.." napalingon ako kay Jaye na kausap si Zhyver.

"Akala ko mamatay na ako kanina." Napabuga ako ng hangin sa sagot ni Zhyver.

"Hindi ako makapaniwala. First time ko siyang nakitang nawala sa kontrol. Nakita mo ba yung mata niya, pre. Let's pray na hindi na maulit. Kinikilabutan parin ako."pa-kwento pa ni Jaye.

"Mas nakakatakot siya kay Aezi."

Huminto ako at lumingon sa gawi nila. Halos mapatalon naman sa gulat si Jaye at nag peace sign habang nakangiwi si Zhyver sa akin.

Tahimik na si Nikyla na para bang malalim ang iniisip. Hindi lingid sa kaalaman ko ang sinabi ni Uzziah. Ang mga alaga ni Especian, ang pinakapinuno dito sa Lolivon.

Isinumpa siya dahil sa pagnanakaw niya ng buhay ng mga tao para lamang ibalik ang buhay ng minamahal nito. Kasama ng sumpa ay ang habang buhay na hindi niya makikita ang kanyang minamahal. Ang dahilan ng lahat ng 'to.

"Sandali."

Nabalik ako sa wisyo ng huminto si Uzziah sa paglalakad. Huminto ang lahat na nakatingin lang sa kanya. Ilang sigundo lang ay lumabas mula sa isang puno ang isang matangkad na lalaki. Matipuno, at nakasuot ng makalumang kasuotan habang may malaking sibat na nakasabit sa likuran niya.

Huminto siya sa harap namin at tumigil ang mata nito sa akin ng ilang sigundo bago lumipat kay Uzziah.

"Maligayang pagdating, binibini."

Kinuha niya ang kamay ni Uzziah at akmang hahalikan nito ng kusang gumalaw ang katawan ko para tapikin ang noo niya palayo.

Ngumiti sa akin ang lalaki bago tumayo ng tuwid. Muli siyang tumingin kay Uzziah.

"Sino ka?" Maangas na tanong ko dito. Putek, ano 'tong ginagawa ko?

"Ako ang bantay ng lugar, ginoo." Inilibot niya ang tingin sa amin. "Gusto kong makasiguro na hindi kayo parte ng pamilyang Evilrious."

"Galing kaming Miraculous, Espian." Sambit ni Hanz. Kilala niya ang lalaki?

"Nakagagalak at nakilala mo kung sino ako, ginoo."  Ngumiti ito at pinagsiklop ang kamay. "Pero gusto kong linawin ang iyong sinabi. Hindi lahat ng nasa Miraculous ay puro at mabuti ang dugo."

Hinila ko patago sa likod ko si Uzziah na hindi umimik at nakatingin lang. Parang walang pakealam.

"Paano ako makakasigurado na walang galing ng Dark Circle sa inyo?"  Lumapit siya sa pwesto namin.

Inilahad nito ang kamay kay Uzziah.

"Hindi mo siya pwedeng kunin, Espian." Hindi niya pinansin si Hanz na nagsalita. Sumugod si Zhyver at Jaye maging ang ibang mga babae habang pilit kong itinago sa likod ko si Uzziah.

Kalmadong itinaas ni Espian ang kanyang kamay dahilan para hindi makagalaw ang lahat. The heck? 

"Kumalma kayo, Supremes. Gusto ko lamang tingnan kung puro ang dugo ng binibini." Unti unting bumitaw sa akin si Uzziah.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now