Miraculous 06

20.5K 730 9
                                    

Hey loves,

This is a revised version of Miraculous. May mga scenes na naalis at nadagdag. I'm planning to build the characters in more effective way that it is.

Gusto kong bihisan ng bago ang Miraculous. Gusto kong maging worth it yung pagbabasa ninyo at mas lalo niyong mahalin ang characters.

Thank you and Godbless you.

×

I am silently walking along the corridors. May mga bulungan sa paligid habang nakatingin sa akin. Alam ko na tungkol parin ito sa pagkabasag ng fake element circle noong saturday. Halos nasaksihan iyon ng buong istudyante ng Miraculous Academy.

Walang nakakaalam sa mga istudyanteng ito na zero talaga ang score ko doon sa examination. Nakakatawa ngang isipin kung paano sila amg assume sa mga bagay bagay.

Pinakamataas ang nakuha ni Aezi, susunod si Hanz Daryn bago si Allyrie then Nikyla tapos si Zhyver then the rest is history. Hindi ko alam kung doon lang sa examination na iyon kukunin ang score ng pagra-rank sa Magic Ranking.

"Hi!" Ngumiti ng malapad si Hanz na siyang sumabay sa akin sa paglalakad.

"Hi." Bati ko pabalik.

"Patingin?" Kinuha niya sa akin ang manipis na gintong papel at tiningnan ang class number ko at mga specialized subjects.

"Oh, classmate tayo sa The Art of Music at Rhythm of Movement. Ay, dalawang subject lang?" He pouted.

"Sayang naman." Tiningnan ko siya.

"Bakit sayang?" I asked

"Gusto kita maging kaklase sa lahat ng subject." He stated. Tiningnan ko ang schedule.

--

Core subjects
(Monday, Tuesday, Wednesday)

The Anatomy of Miraculous Creatures
The History and Legends of the World
The Structure of Mystics and Energies
Measurement and Mathematics

Specialized Subjects
(Thursday)

The Art of Music
The Rhythm of Movements
Potion Making

Extra- Subjects
(Friday)

Enhancing Physical Strenght
Developing One's Mystic
Field Activity

--

"Ang dami naman nito.."  bulong ko sa sarili.

"Masasanay ka rin, Uzziah." Iba ang subjects nila kumpara sa subjects ng earth. Nagtuloy kami sa paglalakad ng bigla siyang huminto. Natigilan din naman ako.

Nakatingin siya sa braso ko.

"Anong nangyari dyan?" Kunot noong tanong niya. Hinawakan niya ang wrist ko at tiningnan ang pasa roon.

"Naitama lang kahapon. Huwag mo ng alalahanin." Nginitian ko ito at nauna na akong naglakad.

"Wait, Uzziah." Humabol siya sa akin.

"Bakit ba dala-dala mo yang schedule mo? Excited ka pumasok? Linggo palang ngayon." Umiling ako.

"Kinakabisado ko lang kung nasaan ang mga rooms." Sinusundan ko rin ang mapa ng academy na hiningi ko kahapon kay Aezi. Nakita ko lang kasi sa may mini table sa sala at nakaipit sa flowervase.

"Tour kita?" Tiningnan ko siya.

"Kaya ko naman ang magisa." Sambit ko at magpatuloy sa paglalakad habang inililibot ang tingin. Tuluyan kaming nakalabas sa unang building.

"Magaling akong tour guide, promise." What an offer, Mr. Daryn.

Nadaanan namin ang Eerie at Mystic Circle. Pati narin ang Marstone Building at dorm building. Hindi ko alam pero mahigit dalawang oras na kaming naglalakad, siya na kinukwento ang pinagmulan ng mga building o kaya history no'n pero parang hindi pa namin na lilibot lahat.

"Ito ang tinatawag naming Supreme Garden."

Iniharap niya ako sa isang garden. Walang nakatambay na mga istudyante kaya sa tingin ko ay restricted ito sa iba.

May malaking fountain sa gitna nito at pinalilibutan iyon ng bulaklak. By section din ang mga bulaklak na nakatanim at kulang nalang ay maging flower farm ang lugar.

May bench din sa mga gilid at puno na nagsisilbing silong. Good for picnics and other getaways.

Tingin ko ay madalas silang tumambay dito since wala naman daw mismong office ang Supreme. Umupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno. Kamangha-mangha kung gaano kasarap sa pakiramdam ang preskong hangin.

"Mahilig sa bulaklak sila Allyrie at Cyrill. Pati si Aria kaya naisipan namin na magpatayo ng graden para sa kanila. Aezi approved it. Para daw kung sakaling manligaw si Zhyver kay Allyrie ay hindi na ito gagastos para sa bulaklak." Natatawang kwento nito.

"Ang fountain ay ideya ni Jaye Shi. Mahilig daw kasi sa fountain ang mama nito at pwede rin daw humiling sa fountain. Yung mga bench naman, inilagay ni Nikyla, sa kadahilanang ayaw niyang umupo sa damuhan. Tapos ang mga puno, naisip iyon ni Aezi kasi mahilig si Cyphrus sa mga puno." Mahabang kwento niya.

"Cyphrus?" Malalim na bumuntong hininga ito.

"Namatay siya sa mission, last year. Pinadala si Aezi, Allyrie, Nikyla at si Zhyver sa isang mission kasama siya. Tapos, hindi na siya nakabalik. Hindi man magsalita si Aezi, alam ko na sinisisi niya paein ang sarili niya sa nangyari."

"Ganuon ba kadelikado ang mga mission?" Tumango si Hanz.

"Madalas. May madali, may mahirap. Dipende nalamg kung malalagpasan mo. Atsaka, para naman sa Miraculous ang ginagawa namin so okay lang." Tumango tango ako. Katahimikan ang bumalot sa amin.

"Right, bago ko makalimutan." Hinawakan niya ang wrist ko.

"Anong gagawin mo?" Itinapat nito ang kamay sa pasa na nasa braso ko.

"Gagamutin kita. Hindi ko alam kung anong nangyayari at hindi ko maintindihan pero hayaan mo akong tulungan ka. Kahit gamutin ka manlang."

Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Kahit alam kong mamaya o bukas, babalik din naman ang pasa at sugat na iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang pinagmumulan o dahilan kung bakit nangyayari ang bagay na iyon sa katawan ko pero soon, malalaman ko din kung bakit.

"Thank you, Hanz." Pinisil niya ang magkabilang pisnge ko.

"You're welcome, Uzziah."

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now